part 4

1 1 0
                                    

Seth P.O.V

"Anak, pumunta ka muna ng SM. Ibili mo ako nitong lumpia wrapper" utos sa akin ni mama. Dalawa lang kami ni mama sa buhay, although may mga tita ako hindi ko naman sila kasundo o kahit pa mga pinsan ko, wala ako pakialam sa kanila.

Iniwan kami ng tatay ko noong 3weeks pa lang akong pinagbubuntis ni mama na ayon naman sa kwento niya, pero wala ako pakialam. Ang mahalaga buhay ako at naka kakain naman kami ng maayos, nagkakapag aral din ako sa koleheyo second year college na ako papasok sa susunod na pasukan. Wala rin ako masiyadong kaibigan since wala akong paki alam sa kanila at sa mga pakulo nila sa buhay.

Trabaho aral ang gawa ko upang matulungan ang nanay ko sa pag tutustus sa akin at sa ibang gastusin, trabaho sa gabi aral sa araw raket sa holidays at iba pa.

Wala akong panahon sa lovelife. 17 years old pa lang naman ako, At ako si Seth Athens Del Villiño, matino man ako sa paningin ng nanay ko, denidemonyo rin ako minsan.

May sekreto ako, isa na doon ay sensitibo masiyado ang pang amoy ko, kaya lagi akong naka maskara sa mukha dahil laging hindi kaaya aya ang amoy sa paligid at dahil dun lagi ako sinisipon at nagkakasakit. Isa pang sekreto ko ay, mataas ang level ng IQ ko mas lalo na ang photographic memory ko, hindi ako nag mamayabang nag sasabi lang,

Palabas na ako ng mall nang may lumapit sa akin na dalawang Matanda, I mean tatanda pa lang. Mga nasa 30+ na.

"Seth Athens Del Villiño? Right?" Tanong ng isang matanda sa boses na platsiyado.

"Yes. Bakit po?" Malamang kong mag sisinungaling pa ako ay walang mangyayari. I mean bakit nila ako lalapitan kong hindi nila ako kilala or kung hindi ako ang taong hinahanap nila.

"Can I have some time with you? My proposal kami para sayu. And we know na kailangan mo ito" malumanay na wika ng isa pang matanda. Hindi naman sila mukhang illegal recruiter pero paano nila ako nakilala?

"Anong proposal?" Nagtataka man ako ay ito pa rin ang lumabas sa bibig ko.

"Pwede  bang mag usap tayu sa isang desenteng lugar o kainan?" Wika pa ng matanda na unang kumausap sa akin kanina.

"Hindi ko kayo kilala and you are expecting me to come with you? Anung tricks ito? Sa iba na lang wag nyu sayangin oras ko, at may trabaho pa ako" walang gana kong pahayag sa dalawa at umalis na ako. Bastos na kung bastos wala ako paki alam sa kanila.

"Exactly, trabaho ang proposal ko sayu" walang emosyong wika ng matanda. Ginagago ba ako nito? Baka gawin pa ako nitong pokpok sa kanto at iyon ang trabahong tinutukoy niya. Kaya humarap ako sa kanilang dalawa.

"Mawalang galang na sa inyong dalawang nakakatanda, pinagluluko niyo ba ako? Hindi niyo ba narinig sinabi ko!? Hindi ko kayo kilala!! It means mag pakilala kayu!! At bakit hindi ako sasama sa inyo?! Kasi hindi ko kayo kilala!!" Piit na sigaw ko sa dalawa, buti nalang at naka mask na ako. Lintik talaga. Ang sakit na sa ilong yung lamig ng Aircon.

"Kami ay mula sa Lee Corporation. Ako si Mr. Alfred Cioncho at siya naman si Mr. Leonardo Mardigo. Nandito kami upang ipropose sa iyo ang isang trabaho na ikaw lang ang may kakayahang gumawa." Mahabang paliwanag ni Mr. Alfred. At bakit naman ako?

"90,000.00 pesos ang monthly salary with benefits and vacation fee"  dagdag pa ni Mr. Leonardo.

"Pag iisipan ko. Baka illegal recruiter kayo eh" sagot ko sa kanilang dalawa.

"Hindi na kami babalik pa dito ulit kaya kailangan na namin ng tauhan agad. Pwede ba mag usap tayu sa maayos na lugar, pumili ka ng restaurant para naman hindi muna kami pag dudahan" wika ni Mr. Alfred. Hummp.. gusto ko yan. Tinanggal ko ang mask ko at nag hanap ng mabango at kaaya ayang kainan. Na punta kami sa isang coffee shop, ayus na dito. Naupo kami at umorder ng makakain.

Dangerous MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon