Alfred POV.
Sa isang restaurant kami pumunta upang pag usapan ang magiging trabaho ni Seth. Matalino siya base na rin sa mga records niya sa school. Marami rin siyang work experience katulad ng Bar tender, food attendant, accessories attendant, kitchen Crew, Private Driver, at ang malupit pa sa murang edad niya ay nagagawa niya ng mag drive ng isang private Yacht at tingin ko kahit ang isang Cargo or Container vessel ay kaya niya ng mag maneuver.
"So ano talagang trabaho ang gagawin ko?" Tanong niya sa amin. Tumingin naman ako kay Leo upang siya na ang mag paliwanag, pero nag senyas na lang ito na ako na ang mag patuloy ng usapan. Naiinis ito kanina pa sa bata.
"Si Mr. Lee ay may anak na nasa poder namin, nag kataong may nangyaring hindi maganda sa bata kaya nag hanap kami ng subtitute at ikaw lang ang Ka Match niya, 93% mirror match type kayo. Ang magiging trabaho mo lang ay mag panggap na ikaw ay si Ms. chandi Syeon Lee, 17 years old, nag aaral sa South Korea, and other specific details ni Ms. Chandi ay gagayahin mo rin at meron namang mag te-train sa iyo na mga kasamahan din namin" mahabang paliwanag ko sa kanya.
"Ano nang yari kay Syeon?" Tanong niya ulit, kilala niya ba si syeon?
"Hindi ko siya kilala, kaya wag ka umasa na tatawagin ko siyang Ms. Chandi Syeon Lee, dahil mag kasing edad lang kami." Pahayag pa niya, nababasa niya utak ko?
"Oo" hay ano ba!!?
"Wag ka mainis sa akin, sagutin mo tanung ko Mr. Alfred" tsk anung nilalang ba ito?
"Tao ako--"
"Oo na tama na!" Pigil ko sa kanya.
"Nabaril sa bandang puso at may malubhang tama sa ulo si Ms. Chandi, kaya ikaw ang pansamantalang papalit sa kaniya" paliwanag ko ulit.
"So sinasabi mo na ako ang papalit sa kanya at mag sisinungaling ako o tayo sa tatay niya? At pag nalaman ng tatay niya papatayin ako nun? O kung hindi man malaman ng tatay niya, ako naman ang isusunod ng taong gumawa niyon sa kanya? Tama ba?" Walang buhay na wika ni Seth. Hay. Paano ba ito?
"Hindi malalaman ni Mr. Lee kung hindi ka aakto ng masama sa plano, at sinisiguro namin na ligtas ka sa poder namin habang nag tatrabaho --"
"Ligtas? Ako? Hindi niyo nga nabantayan ng maayos ang totoong Anak, ako pa kaya? Mr. Alfred alam mo naman siguro na your word is my command, kung anu lang ang sasabihin mo yun lang ang gagawin ko sa trabaho unless its a necessary thing to do" Sagot niya sa akin, hay nagsisisi na ako na siya pa ang pinili namin. Pero advantage na ito, matalino naman siya at may utak mag isip.
"Sisiguraduhin namin ang kaligtasan mo, dahil one time big time lang kami ngayon, so ano papayag ka ba?" Tanong ni Leo. Tinitigan lang siya ni Seth.
"Papayag ako kung Php.500,000.00 ang monthly ko, with benefits of medical, emergency fee, vacation fee, free lodging and unlimited foods" walang buhay na wika ni Seth na parang nag lalaro lang siya.
"Tingin mo ba nag lalaro kami dito?" Inis na wika ni Leo at pinigilan ko naman siya upang hindi na magalit pa.
"Huh? Tingin mo ba nakikipag laro ako? Tandaan mo tanda, buhay ko ang maaring wala sa trabaho na ito, ano tingin mo sa akin, ta-tanga tanga? Kailangan ko bigyan ng maayos na buhay ang nanay ko bago ako mamatay! Naiintindihan mo?" Seryosong wika ni Seth, hindi nga biro ang makipag deal sa babae na ito.
"Sige, papayag kami sa deal mo, pero wala ng atrasan, one time big time ka lang sa amin, pag umatras ka patay ka, pag tumakas ka patay ka at isasama ko ang nanay mo" malamig na wika ni Leo, tinitigan ko siya at nag bigay ng senyales na tumigil na siya sa pananakot kay Seth.
"Ha ha ha, wag ka mag alala tanda, alam ko kung paano gumalaw ang utak niyong dalawa, bago pa sabihin sa akin ni Mr. Alfred ang nagyari sa alaga niyo yan naman talaga ang gagawin niyo sa akin diba? Pag umatras ako malamig na bangkay na ako uuwi sa nanay ko, nalaman ko rin na madali lang kayo madale, bakit? Tinanung ko lang kung ano nangyari sa alaga niyo sinagot mo na ng buong detalye, kaya ngayon kayo ang wag umatras sa gusto ko. Ano kaya gagawin ni Mr. Lee pagnalaman niya na ang kanyang anak ay napuruhan? Hummp.." ano daw!? Pinaglalaruan ba kami nito?! Inosenteng ngiti lang ang binigay niya sa amin ni Leo habang kami naka Nganga. Walang duda kung bakit naiinis si Leo sa kanya.
"Deal. 500,000.00 salary full payment, then free na lahat" bagsak balikat kong wika kay Seth, nanahimik na lang si Leo sa tabi ko. Tsk tsk.
"Kelan ako mag sisimula?" Tanong ni Seth habang kumakain ng Beef Steak, ang takaw niya. Pero hindi naman siya tumataba.
"May one week ka para mag paalam sa nanay mo, kami na bahala sa documents mo sa school dahil sa south Korea kana mag aaral next School Year." Wika ko sa kanya at kumain na rin kami ni Leo.
"Permahan mo ang contract." Sabi ni Leo at binigay ang folder kay Seth. Binasa niya naman ito.
"Uuwi ako every six months good for 15 days stay to my mudra, annual vacation good for one month, so ten months lang ang trabaho ko sa field niyo then the rest two months is mine. The contract is three years longer" Pahayag ni Seth at pinirmahan na ang Kontrata.
"Sana naman may isang salita ka" malamig na pahayag ni Leo kay Seth.
"I'm not a woman without Plan so don't worry that much tanda, tatlong taon tayo mag kakasama kaya haba habaan mo ang pasensya mo sa akin, okey?" Patawang sagot ni Seth.
"You're such a good actress" Naka ngising wika ni Leo.
"Oh, that is one of my great skills, and im good at imitating actions, sounds, even your Voice" nagulat ako ng mag boses Lalaki siya, hindi, kaboses niya si Leo. What the hell? Woah! paano niya nagagawa iyon?
"Practise makes everything seems perfect" pahayag niya habang nakatingin sa akin at ngumisi.
"I see." Komento ni Leo at ngumiti lang si Seth.
Natapos ang usapan at umuwi na si Seth.
"Magandang trainee ang nakuha natin Alfred. Matalino at wais" pagmamalaking wika ni Leo at bumalik na rin kami sa hotel na tinutuluyan namin.
Guys support nyo naman po story ko.. click vote and leave suggestions salamat po!!! 😀😀