Part 15F

4 0 0
                                    

SETH P.O.V

"Hello, Ma kamusta ka diyan?" Kausap ko sa telepono si mama. Isang linggo na ako hindi nakakatawag dahil tuwing gabi ay bakbak training ang hinaharap ko pag uwi galing school.

"Ayos naman ako anak.may sasabihin pala ako sayo anak, wag ka sana magagalit." Wika ni mama.

"Bakit Ma? Ano iyon?" Mukhang may hindi magandang nangyari.

"Ang tita Ruby mo pala ay lumipat na sa bahay na pinagawa mo, hindi ba at may limang kwarto ang buong bahay, lumipat na rin doon si tita Mira mo kasama ang asawa at ang tatlo niyang anak, si tito Darwin mo lumipat rin sa kabilang kwarto kasama ang lima niyang anak at ang asawa niya." Ano!!? Sila na walang ibang ginawa kong hindi apihin kami dati!!? Wala sila ibang ginawa kong hindi kawawain ang nanay ko at pag salitaan ng kung ano ano!? Hindi ba sila nahihiya sa kapal ng balat nila!? Hindi ko napansin na namatay na pala ang tawag.

Kahapon lang natapos ang bahay at fully furnish iyon, kompleto sa gamit ang bawat kwarto, kompleto rin sa mamahaling gamit ang kusina at ang restroom, dining room at living room. Tapos lahat sila nakalipat na agad!? At saan natutulog ang nanay ko kung nandoon sila lahat?

"Hayssst!! Aaaah!!" Ang hirap ng trabahong pinasok ko! Gabi gabi kailangan ko mag lagay ng papermint sa katawan upang mawala ang sakit na galing sa training na pinapagawa sa akin! Tapos... ganito pa ang gagawin nila.

Maya maya pa ay nag ring ang messenger ko. Nag video call si tita Ruby, ang pinaka maingay sa kanila. Sinagot ko na lang dahil baka kung ano pang isipin niya.

"Hello tita, kamusta po?" Nakangiti kong pag bati.

"Aba! Tatlong buwan kana jan at ngayon mo lang naisipang mangamusta! Iniiwasan mo ba ako!?" Galit na tanong nito. Ano na naman bang problema niya.

"Tita hindi naman po. Bakit po ba kayo napa tawag?" Mahinang usal ko.

"Bakit? Hindi kaba pwede tawagan? Yumayabang kana ata porke naka trabaho ka jan sa South Korea! Eh, factory worker ka lang naman diyan! Hoy! Tandaan mo kung hindi dahil sa tulong ko hindi ka naka pag aral! Kaya wag ka mag feeling mataas diyan!!" Hindi ko alam kong anung problema niya, malamang pera na naman, stress naman siya lagi kapag wala siyang pera. Oo nag bigay siya dati ng pang bayad ko sa tuition dahil kinapos na kami ni mama, pero hindi naman buong taon ng pag aaral ko siya ang nag bayad.

"Bakit po ba kayo napatawag tita?" Pinipilit ko pakalmahin ang sarili ko na hindi maiyak at mainis sa sarili ko dahil napaka hina sa mga ganitong bagay.

"Kailangan ko ng pera! Bayaran mo ang mga pera na binigay ko sayo para sa mga tuition mo! Wala ng libre ngayon kaya mag bayad ka total masarap na rin buhay mo diyan! At sabihin mo sa nanay mo! Wag siyang mag inarte kong maliit lang ang kwartong napunta sa kaniya! Matagal rin kayong nanirahan sa bahay ko kaya dapat lang na maayos rin ang kwartong titirahan ko dito sa bahay na ito!" Tang ina nila.. mahirap ang trabaho ko pero maayos naman ang higaan ko rito tapos ang nanay ko nakikitulog lang sa kwarto na pang katulong, alam kong iyon lang ang kwarto na maliit dun. Mainit doon eh.. samantalang ang lahat ng kwarto may aircon akong pinalagay. Ang sweldo ko na pang anim na buwan ang ibabayad ko roon.

"Ah ganun ba tita. Sige po. Susubukan ko mag Cash advance sa boss ko kung sakaling pag bigyan ako, dahil kailangan ko pa ring bayaran ang bahay na iyan. Ah yung sasakyan na kinuha ko sa Ford tita nanjan naba?" Pinilit kong ayusin ang pag mumukha at boses ko sa harap ng kamera.

"Oo. Dumating nakaraang buwan pa! Si Darwin ang gumagamit nun para sa delivery business na ginawa nila ng asawa niya! Pilitin mo ang boss mo! Dahil kailangan ko ng pera ngayon! Wag mo akong pag hihintayin!" Siya na rin ang nag End ng call. Oh diyos ko..paano na ba? Hindi ko na alam!!

Umuwi na ako dahil hindi na ako maka pag concentrate sa klase. Sa kasamaang palad galit na Leo ang sumalubong sa akin.

Please vote for this chapter guys!! Thank you!

Dangerous MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon