Leo P.O.V
"Nakakuha naba ng lead sa criminal na nagtangka ng buhay ni Ms. Chandi?" Tanong ko sa kanila.
"Wala, nag pakamatay yung lalaking nahuli namin" sagot ni Secar.
"Bwisit talaga. Ipagpatuloy ang pag hahanap. Suyurin nyo lahat. Baka manganib pa ang buhay ni Seth mahirap na at wala na tayong substitute pa, hanggat hindi nagigising si miss Chandi, kailangan ligtas sa panganib si Seth." Pahayag ko sa lahat.
"Sino naman kasi ang mag tatangka sa buhay ni Miss Syeon? Haysst!" Lahat kami ay clue. Nakakainis.
SOMEONE's P.O.V
"Bakit buhay pa rin ang Anak ni Lee Kyung Joon?! Diba sabi ko patayin nyo!" Bwisit na mga inutil ito! Palpak na naman ang trabaho! Kailangan ko ng panibagong plano na naman!!.
"Bwisit!! Kailangan ko ang bangkay ng anak ni Kyung Joon!" Ako ang gagawa kong hindi nila kayang gawin.
"Kukunin ko ang lahat sayo KYUNG JOON!!" Waaah!!
LEE KYUNG JOON P.O.V
"Kamusta ang anak ko Leo?" Tanong ko sa kanang kamay ko sa business, na isa rin sa pinagkatiwalaan ko na mag alaga ng anak ko upang mailayo siya sa panganib.
"Ayos naman siya Master, pero may natatanggap kaming mga death threat itong mga nakaraan." Paliwanag nito. Hindi na rin bago iyon sa pan dinig ko.
"Nalaman niyo ba kung kanino galing?" Sino na naman kaya iyon. Lagi na lang si Syeon ang hinahabol ng mga kaaway at karibal ko sa trabaho at sa labas.
"Ikinalulungkot ko po na hindi namin nakuha ang eksaktong lokasyon dahil nag pakamatay ang kriminal na nahuli namin" paliwanag ni Leo habang nakayuko.
"Mas pahigpitin ang seguridad ni Syeon. At ang lugar nyo ay dagdagan ng tauhan sa labas at i-upgrade lahat ng device at gawing bullet proof lahat ng sasakyan nyo. Mas paigtingin ang training ni Syeon sa martial arts at weaponry. Naintindihan ba?" Istriktong wika ko kay Leo.
Lumisan na si Leo at inasikaso ko ang lahat ng papeles tungkol sa mana at mga kayamanan na maiiwan ko kay Syeon, dahil si Syeon lang ang may karapatang kumuha at mag may ari ng lahat ng kayamanan ko, maliban na lang kung totoo ang balitang buhay ang First born child ko.
Pasensya na guys!! Medyo maikli lang ang chapter na ito!! Vote nyo parin po ah!! Gumamwoyo!!