SETH P.O.V
my god.. hindi ako pwede maging mahina ngayon. Pero napaluhod na lang ako sa gilid ng kama ko, hindi ko pwedeng dagdagan ang problema ng pamilya ko. Hindi pwede mawala sa akin ang trabaho na ito, kaya bago pa ako humagulgol sa saya ng buhay ko ay pinanood ko na ang video ni Syeon.
Pinag praktisan ko ang Galaw niya sa pag lakad, at sa lahat ng kilos niya, boses sa pag tawa; shy type kahit sa pakikipag usap. Pala ngiti at hindi lumalaban sa mga bullies.
Inabot ako ng madaling araw sa pag re-rehearsal para magaya lahat kay Syeon.
"Kring!" Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm. Friday pala ngayon at may pasok pa sa school.
Nag handa na ako at inayos ang sarili ko sa harap ng salamin.
"Ikaw si Ms. Lee Chandi Syeon mula sa araw na ito hanggang sa matapos ang contrata mo dito! Araso!!? Ayusin mo ang buhay mo Seth!! Wake up from the dream land!" Pagalit ko sa sarili ko bago inapply ang pag katao ni Syeon sa sarili ko. Bumaba na ako ng hagdan at nandoon naman ang lahat.
"Good morning dad's!!" Matinis na pag bati ko sa kanila. Tulala naman silang lahat. Kaya nginitian ko lang sila.
"What's for breakfast daddy's?" Malambing na tanong ko sa kanila. Sweet kasi si Syeon sa kanila eh.
"S...syeon?" Tanong ni oppa Arman, gusto ko man matawa pero hindi ko na ginawa. Naka tingin lang si Ajjushi sa akin.
"Yes dad? Why?" Pang gagaya ko sa boses ni Syeon. Kumuha na ako ng pag kain, medyo maarte si Syeon sa pag kain, ayaw niya ng Pork at Ham. Kaya hindi ko kinain Ang Ham na nakahanda. Inoobserbahan naman nila ako, kaya tuloy lang ako sa pag kilos gamit ang galaw ni Syeon.
"Sino mag hahatid sa akin dad's?" Hindi nag da drive si Syeon ng kotse.
"Wala ng mag hahatid sayo since marunong ka naman. Hindi ba?" Malamig na wika ni Leo.
"Okey po dad!" Naka ngiting wika ko at kinuha na ang bag ko sa gilid.
"Hindi mo kami kailangan tawagin na dads or daddy kong dito lang rin sa bahay dahil hindi ka naman namin anak or alaga, binabayaran ka rito, empleyado ka. Nakuha mo ba?" Malamig pa ring pahayag ni Leo. Hindi ko alam kong gaano ba kalaki ang kasalanan ko sa kaniya at ganito niya ako tratuhin, pero sige since nagtatrabaho ako wala ako karapatang mag reklamo.
"Neh, algesumnida sajangnim." Usal ko at nag bow sa kanila. Pumunta na ako ng garahe at sumakay sa hammer.
"Hooh.." kaya yan. Tatlong taon lang.
"Seth!" Tawag ni Ajjushi. Ang gwapo niya talaga .. kyaaah!
"Oh ajjushi bakit? I mean dad." Ginulo niya ang buhok ko at binigyan ako ng isang nagniningning na ngiti. Hay ang cute talaga.
"You did a good job for holding on baby! I know you well. So don't bother to put your mask when I'm around. Okey?" Baby!? Kyaaah!! Tumango lang ako sa kanya at nag paalam na rin ako para pumasok. Sasabihin ko na lang na bumalik na ang alaala ko, pero hindi ko naman maalala kung ano ang ginawa ko nung mga araw na wala ako maalala sa nakaraan ko. Nakalimutan kona tawag dun eh, pero mas okey na yun.
"SYEON!" inaasahan ko na agad si Krishna.
"Krish!!" Matinis na sigaw ko, natulala na naman siya. Lagi naman.
"Kamusta!? Pasensya na, wala akong maalala mula nung araw na nawala ang alaala ko, pero okey naman ako ngayon." Paliwanag ko sa kanya. Mahina tingnan si Syeon at mahiyain. Pero brat pag dating sa mga Daddys niya.
"O my gee!! Ikaw na nga Syeon! Grabi namiss kita!" Grabi naman ang babae na ito.
"Tara na pasok na tayo, may mga gagawin ba tayo next week? Sabihin mo naman oh? Wala kasi akong maalala simula kagabi." Paliwanag ko sa kaniya, sana naman paniwalaan niya.
"Ganun ba? Ganyan ba talaga kapag may amnesia ka? Sana ako rin.." siraulo na babae to, sa huli ng pag dadaldal niya ay sinabi niya na rin. Nag lalakad na kami papasok ng room ng lumapit si Wo Jung, takot si Syeon sa kaniya kaya naman nag tago ako sa likod ni Krishna. Mukha namang nag tataka ito, si krishna naman ay hindi alam ang gagawin o sasabihin.
"Ano nangyari sa kanya Krishna?" Nagtatakang wika ni Wo Jung, patuloy lang ako sa pag papanggap.
"Ah... ano.. kasi .. Ano ba?.. ah bumalik na kasi yung alaala ni Syeon, pero nakalimutan niya naman ang lahat ng ala ala or memories niya simula nung mag ka amnesia siya. Na gets mo ba?" Nag isip pa si Wo Jung pero sa huli ay tumango na lang siya.
"Ah sige, babalik na lang ako mamaya." Nasaan kaya yung iba? Hinarap naman ako ni Krishna at pinaliwanag ang lahat ng mga pinanggagawa ko nung wala pa akong maalala, nakaka konsensya ang ginagawa ko dahil nag sisinungaling ako sa isang taong maayos ang pakikisama sa akin. Pero wala akong magagawa, kailangan ko na ayusin ang trabaho na ito.
Pumunta ako sa restroom upang mag palamig ng sarili ko. Nasa loob ako ng cubicle ng biglang may nag buhos ng pulang likido mula sa taas at pinaliguan ako nito.
"Ah...hummm" ang baho ng likido, malangsa at masakit sa ilong!
"Hahahaha!! Tingnan natin kung hanggang saan ka!" Hinayupak na mga bruha! Si Syeon.. hindi nga pala siya lumalaban sa mga bully, iyak lang ang nagagawa niya. Umiiyak na lang rin ako.
"Hummm.huhuhu.." nakakainis lang na wala ako magawa sa ganitong sitwasyon. Naiinis ako sa bagay na hindi ko alam kong bakit! Naiinis ako sa sarili ko na hanggang ngayon ba naman, hanggang dito ba naman!!? Mahina pa rin ako kapag inaapi ako! Lumaki ako sa mundo ng isang pamilya na inggit lagi ang umiiral sa kanila, lagi kaming inaapi ng mga kapatid ni mama, halos wala na akong pinagka iba sa katulong nila. Hanggang dito pala ganon pa rin. Ang trabaho ko ganon pa rin.
Hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako ng restroom at nag lalakad na sa hallway, pinag tatawanan at pinag titinginan na naman ako ng lahat. Pinag uusapan, pinag tsitsismisan.
"Syeon!!" Bago pa ako maka react ay pinag babato na ako ng bulok na itlog, harina, at kung ano ano pang basura.
Ang sakit sa ilong dahil naamoy ko lahat ng baho, nakakahilo at hindi ko na rin makita ng maayos ang dinadaanan ko.
"Boogssh!" Tang ina.. Muntik na humiwalay ang ulo ko sa katawan ko. May nag bato ng bola sa ulo ko, ang sakit... pakiramdam ko hindi na pantay ang sementong kinatatayuan ko, para akong inaalon ng tubig dagat, wala na rin ako halos marinig.
"Syeon..." ang sigaw ni krishna parang bulong na lang sa pandinig ko.
"Mama.. ayuko na dito.. tama na.. ganito na lang ba tayo lagi..?" naiiyak na ako sa sobrang inis, at galit na kanina ko pa pinipigilan, yung galit na dati ko pa ayaw ilabas sa kahit na sino man.
"Bogsssh!" Huli na para maisip ko na hindi nga pala tao ang kasama ko rito, bumagsak na ako sa semento dahil mas malakas ang ginawa nilang pag hampas ng bola papunta sa ulo ko, tumama ang sintido ko sa malamig na semento.
Nakaamoy ako ng dugo, nangingibabaw na sa hangin ang amoy ng dugo na nag mumula sa ulo ko. Hilong hilo na ako. Sana kayanin ko hanggang sa huli.
"Mama.." Unti unti ng nandilim ang paningin ko.
Please vote for this chapter guys.. kamsahamnida..