part 12

2 1 0
                                    

SETH P.O.V (SYEON)

Nakarating kami sa kung saang pasikot sikot ang tinuro ni Wo jung. Mayayari ako nito kila Oppa.

"Dito na ba? Isa man itong bodega." Wala sa sarili kong wika. Malayo ito sa ibang kabahayan.

"Dude, ito na yung nakalagay sa GPS. Nandito si boss." Wika ng isa sa mga kasamahan niya. Kala ko ba si Wo jung ang boss or leader nila?

"Anung gagawin nyo dito? At bakit may mga dala kayong bat?" Tanong ko sa kanila.

"Hoy bata, hindi porke't hinatid mo kami ay may karapatan ka nang mag tanong?" Naiinis na wika ni Wo Jung. Aba't luko to ah.

" labas na! Aalis na kami!" Naiinis kong pagtataboy sa kanila. Pero biglang may lumabas na isang grupo ng mga kabataang mula sa bodega nasa 25 sila lahat kung tama ang bilang ko at may mga dala silang weapons like baseball bat, knife, at metal bar. tapos sila lima lang!? Edi wow.

"Hahaha! Makikipag rambolan pala kayo. Sige labas na! Aalis na kami si krishna!" Tulak ko sa kanila palabas pero hindi naman sila lumalabas

"Sandali! Marunong ba kayo makipag laban?" Nag mamakaawang wika ng isa nilang kasama at kung hindi ako nag kakamali siya si Lee Wook shin, ang cute niya pa naman. Kyah!

"Syeon, alis na tayo. Black belter ako pero hindi pa ako nakaranas maki pag laban ng totohanan. Tsaka nakakatakot sila ang dami nilang weapons." Pamimilit ni Krishna, malamang takot na siya.

"Please? Tulungan niyo kami, bugbug sarado kami jan oh, kinuha kasi nila si Boss kaya napasabak kami." Pag mamakaaawa rin ng isa, siya ata si Park min. Tsk tsk. Kaya naman pala.

"Oh sige, pero anong kapalit?" Tanong ko sa kanila, tahimik lang si Wo Jung, nabali ata ang Pride.

"Sayo na si boss." Wika ni Kang Shik Myeong. Binatukan naman siya agad ni Wo Jung.

"Kahit ano, gagawin namin, basta tulungan nyo kami makalabas rito. Ano? Deal?" Cool na tono ni Yoon Dol han.

"Sige na nuna. Oh lumalapit na sila!" Pamimilit rin ni Choi Yeon Jo, palapit na nga sila kaya inabante ko ng biglaan ang sasakyan, nag atrasan naman sila agad.

tumingin mo na ako kay Krishna na kanina pa umiiling, pinipilit rin kasi siya ng mga ugok na ito.

"DEAL." Wika na nag pasaya naman sa kanila.

"Krishna, lalabanan mo lang yung may mga baseball bat ako ang bahala sa may mga knife, kayo sa may mga hawak na metal bar. Arasoyo?" Nag tanguhan naman sila lahat at lumabas na sila, kinuha ko ang Pistol 45 gun lighter sa ilalim ng dash board, panakot lang, nilagay ko lang ito sa likod ko at nag  tali ng buhok. Hummp, real training goes in real life war. Nakita ko naman na nag tali rin ng buhok si Krishna kaya lumabas na ako.

"Bakit ang tagal nyo!?" Ni lock ko muna ang sasakyan bago humarap sa mga kumag, may malalaking katawan, matataba yung karamihan, at matatangkad din naman pero hindi naman nahuli sa height ang mga kasama kong lalaki, pero ako? Maliit lang kasi ako. Huhuhu.

"Pasensya na, hindi ako na inform na mainipin ka pala" cool na boses lang ang gamit ko pero naiinis na sila.

"Nasaan ang boss namin ha!!?" Naiinis na wika ni Wo Jung.

"Bakit mo pa ba yun hinahanap!? Patay na rin yun mamaya! Hahaha!" Nag tawanan naman sila lahat, another set of idiots.

"Hindi ko alam na mahilig pala kayo tumawa sa lame joke" boryong na pangaasar ko.

"Ang dami mo naman hindi alam bata! Napaka bobo mo naman! Hahaha!!" Pang aasar pa ng isang mataba na may hawak na Jungle knife.

"So ano? Tatayo na lang ba tayo? Kasi kung ganun aalis na kami. Mga walang kwenta, puro satsat lang naman pala ang alam." Nag Yawn pa ako sa harap nila, pam painit Lang ng tiyan bago ang bakbakan.

Dangerous MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon