part 6

1 1 0
                                    

Seth POV

Isang linggo. Isang linggo na lang at maiiahon ko na rin sa hirap ang buhay namin ni mama, pumayag sila sa kagustuhan kong patayuan ng bahay si mama at sa sweldo ko na lang ibabawas, kahit papaano ay madali silang kausap. Marami akong penermahan na mga contract kanina kabilang na yung kontrata ng bahay at lupa at sasakyan na magagamit ni mama, nasabi ko na ba na half paralyze ang katawan ni mama? Yung kaliwang kamay niya lang ang nagagalaw niya at kaliwang paa lang ang nakakalakad ng maayos, kaya proud ako sa nanay ko at siya ang binigay sa akin ni lord. Lahat ng hirap sa pag titinda ay ininda ni mama para lang may makain kami at para maka pag aral ako. Kaya mahirap sa akin na iwan ang nanay ko ng walang kasama at walang katulong sa tindhan.

"Ma! Wag muna tayo mag tinda ng isang linggo." Sabi ko kay mama at ngumiti.

"Baliw kana ba anak?! Ano ibabayad natin sa utang natin sa 5-6 nasa pitong libo pa utang natin doon. Wag mo sabihing mag tatrabaho ka na naman araw at gabi?" Pag alalang wika ni mama. Hay..

"Mag tatrabaho ako ma sa south korea, 80,000.00 pesos ang monthly, tsaka factory worker ang trabaho ko dun. Sa sunod na linggo na ang alis ko" wika ko kay mama na ikinagulat niya naman. Alam kasi ni mama na wala nang makakapigil sa akin.

"South Korea? Anak, kaya ka ba nag aaral ng korean language itong mga nakaraang buwan? Kala ko ba tatlong buwan pa bago ang alis mo? Bakit napaaga ata?" Nag aaral ako ng korean language last February pa dahil balak ko talaga mag trabaho doon pag tapos ko sa pag aaral, pero hindi ko naman inaasahan na mismong oportunidad pa ang lalapit sa akin.

"Oo ma. Kaya wag muna tayo mag tinda hanggang sa pag alis ko, mapapadalhan naman kita ng pera agad, para sa mga utang natin, mag papagawa pa nga pala tayo ng bank account mo kasi doon ko na lang ihuhulog ung pera mo" paliwanag ko kay mama kaya halos kaiyakin na siya, kahit naman ako ay nalulungkot din.

"Oh sige anak, mag bonding muna tayo bago ka umalis" nalulungkotna wika ni mama at niyakap ako.

"Wag mo na sana sabihin kahit kanino pa na pumunta ako sa South Korea Mang." Hiling ko kay mama.

"Oh sige anak, ako na bahala mag paliwanag sa Lola at mga Tita mo kung sakaling mag tanong sila." Malumanay na sagot ni mama. Namasyal kami sa Mall ni mama gamit yung pera na downpayment sa akin ng dalawang matanda, salamat naman at nakakaintindi sila sa mga sinabi ko.

"Ang dami naman natin pinamili anak, saan mo naman nakuha pera mo ha? Baka naman inubos muna ipon mo?" Nagtatakang wika ni mama kaya nginitian ko lang siya.

"Oo Mang ipon ko ito, paalis na rin naman kasi ako kaya ayos lang yan, pagdating doon mag kakapera na rin ako" pahayag ko at hinili ko siya papunta sa kainan. Tatlong buwan pa bago matapos ang bahay na pinapagawa ayon sa kontrata.

Kumain kami bago umuwi sa bahay, nag kwentuhan muna kami ni mama bago natulog.

After one week----

"Seth 11AM ang flight, prepare before 9AM mag kita na lang tayo sa Airport." Voice message ni Alfred, 7:30AM na pala. One hour and fifteen minutes na lang ang natitira kong oras. Naligo na ako at nag prepare ng mga gamit ko.

"Mang! Sasama kapa ba sa airport?" Tanong ko kay mama.

"Oo anak, mag bihis lang ako" sagot ni mama. Matatagalan pa bago ko siya makikita ulit, hays. Na mimiss ko na agad ang nanay ko pati na rin yong sampo na alagang pusa ko.

Nakarating naman kami ng maayos sa airport.

"Anak mag iingat ko doon ha? Wag mo ako kalimutang tawagan pag dating mo doon. Mamimiss kita talaga." Naiiyak na wika ng nanay ko, kaya niyakap ko na lang siya upang patahanin, putcha naiiyak na rin ako eh.

Dangerous MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon