Part 16F

3 0 0
                                    

EDUARD P.O.V

nalaman ni Leo kung ano ang ginawa ni Seth sa school, mula sa pang bubully sa kanya at sa ginawa niya sa bodega.

"Bakit nyo ba kinokonsinti ang bata na yan!!?" Galit na wika niya sa amin.

"Leo, hindi naman sa kinokonsinti namin ang bata, pero hindi rin naman pwede na mag papaapi lang siya sa iba. Ano pa at tinuruan natin siya ng lahat ng Training?!" Sigaw naman ni Oscar, may punto rin naman siya.

"Hindi natin tinuroan ang bata na yan upang mag yabang sa school!!" Hindi naman nag patalo si Leo.

"Napanood mo ba yung mga video na nakalap ko!!? Nakita mo ba kung paano nila apihin si Syeon sa school, at ang mali natin, hindi natin alam!!" Naiinis na ring wika ni Secar. Napanood nga namin lahat ng mga kabulastogang ginagawa nila kay Syeon, at tiniis yun ni Syeon ng isang Taon.

Sakto namang dumating na si Syeon, ibig kong sabihin si Seth, natulala pa siya sa una dahil mukhang naramdaman niya rin ang ibang emosyon ng mga kasama ko.

"Ikaw! Wala kang kwenta! Ang sabi ko sayo kumilos ka lang ng normal!! Hindi yung mag yayabang ka!! Binabayaran ka lang rito upang gawin lahat ng pinapagawa ko na makakabuti sa imahe ni Syeon!! Pero anu tong nakita kong ginagawa mo!!? Nakikipag bugbugan kana unang araw pa lang!! Hindi kaba tinuruan ng magulang mo ng manners ha!!? Matalino kaba talaga o sadyang BoBo ka lang at hindi mo naintindihan ang sinabi ko unang araw pa lang!!? Ano!!? Sumagot ka!!" Walang preno na wika ni Leo kaya pinigilan ko na siya, hindi na tama ang sinasabi niya.

" bata ang kausap mo Leo, hindi Robot." Mahinahon kong wika, pero tinabig niya lang ang kamay ko. Nakayuko lang si Seth, walang imik.

"Yan!! Kampihan mo pa!! Para lalong tumigas ang ulo!! Dahil sa pag papasikat niya ng kayabangan niya, ayon! Nalaman na naman ng kalaban na buhay si Syeon kahit alam nilang pinatay na nila si Syeon nakaraan sa Vacation house! Anong gagawin nyo kapag nalaman nila na gumagamit tayo ng Subtitute!? Ano!?" Galit niyang usal sa akin.

"Pero Leo--" naputol ang sasabihin ko ng mag salita si Seth.

"Hayaan mo na Ajjushi. Gagawin ko na po ang trabaho ng maayos. Pasensya po sa ginawa kong mali. Hindi ko po sinasadya, at hindi ko na po uulitin." Nagulat ako dahil Naka luhod si Seth habang sinasabi ito. Pinipilit ko namang itayo siya, pero ayaw niya.

"Ipakita nyo sa akin lahat ng video, gagayahin ko lahat mula sa boses, kilos, at pananamit. Aayosin ko na lahat. Magaling ako sa pang gagaya ng lahat kaya magagawa ko iyon ng maayos." Nag mamakaawang wika ni Seth. Hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko. Tahimik lang kami lahat habang nakatingin sa kaniya, kahit si Leo ay hindi inaasahan ang ginagawa ni Seth.

"Ayuko po mawalan ng trabaho kaya gagawin ko lahat, please wag nyo po ako alisan ng trabaho. Kailangan ko po ng trabaho na ito. Promise po at hindi na ako gagawa ng bagay na ikagagalit ninyong lahat. Promise po." Hindi ko alam kong anong nangyayari sa kanya, maiiyak ba ako o maiinis. Hinila ko si Seth patayo at Dinala sa kwarto niya, sa pag kakaalam ko ako pa lang ang makakapasok rito. Ni lock ko ang pinto at binuhay ang Ilaw.

"What.." ang kwarto niya.. ngayon lang ako nakakita ng ganito kagulong kwarto, may maliit siya na Lab table hindi ko alam kong anong formula ang nanduon, may tatlong monitor siya na sa tingin ko ay gumagana 24/7 hindi ko rin maintindihan lahat ng nasa monitor, may mga high caliber weapons sa Kama niya at may nakita pa ako na kakaibang bala, parang likido ang laman nito may Pula, asul, dilaw, at Violet. Meron pang mga parte ng Devices at kong ano ano pa. Isang katerbang libro na hindi ko alam kong saan nanggaling.

"Hindi ka dapat pumasok dito ajjushi. Hehe pasensya na magulo, huwag mo sana ipagsasabi sa kanila" nakangiting wika nito sa akin, hindi ko siya maintindihan.

"Kahit kelan hindi mo maiintindihan ang isang libro kapag sa gitna ka nag simula mag basa Ajjushi." Mahiwagang  usal nito na para bang walang nangyari kanina.

"I know. So gusto mo bang sabihin sa akin kung bakit ka umakto ng ganun kanina?" Malambing na wika ko upang mag iba naman ang ihip ng hangin.

"Hindi na ajjushi. Salamat pala kanina at inalis mo ako doon, nahihiya na talaga ako kanina at hindi ko na alam kung paano ako lalabas sa usapang yun. Hehehe." Nahihiyang usal niya, pero hindi ako tanga para hindi makita ang totoo sa likod ng maskara niya. Mapag panggap nga siya.

"Oh sige hindi na kita pipilitin. Basta pag kailangan mo si Ajjushi mo, dito lang ako! Okey!! Fighting!!" Huling usal ko at lumabas na sa kwarto niya baka kung ano pa isipin ng mga yun at tingin ko ay kailangan niyang mapag isa kung ano man ang problema niya.

Basahin nyo po ang next chapter guys. Vote nyo na rin po ang chapter na ito. Kamsahamnida.

Dangerous MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon