VEE P.O.V
pumasok ako ng maaga sa school dahil may kailangan akong makuha sa directors office. Maya maya pa ay nakita kong nag takbuhan ang mga students pababa, nang silipin ko ay sa hallway sila nag tutumpukan.
"Ano na naman kayang meron?" Lumabas mula sa restroom ng mga babae ang isang student na pina liguan sa pulang likido. Since nasa second floor ako, kitang kita ko lahat ng pangyayari, kinuhaan ko ito ng video.
"Bakit naman kasi hindi lumalaban yung babae? Hay naku! Yan hirap sa mga babae ang hihina." Napapailing na lang ako dahil mukha akong tanga habang kinakausap ko ang sarili ko rito. Wala pa naman mga staff ng school ngayon dahil may meeting sila.
Bigla na lang natumba deretso sa sahig ang estudyanteng binubully, dahil sa lakas ng impak ng bola na tumama sa ulo niya.
"Fuck! Sobra na sila ah!" Bumaba ako at nilapitan ang mga students.
"The presedent is coming!!" Sigaw ko kaya nag takbuhan naman ang lahat ng students pabalik sa kanya kanya nilang room, may naiwan nga lang na isa. Baka kaibigan niya.
Nilapitan ko ang babae.
"Miss! Miss! Gumising ka!!" Wala na itong malay, kaya tsineck ko ang pulso niya sa leeg.
"What the.." walang beat. Diniinan ko pa lalo ang daliri ko. Pero wala talaga.
"Syeon.. sorry.. syeon.. gumising ka diyan.. punta tayo ng clinic." Nakalapit na yung babae na naiwan pero umiiyak naman ito.
"Wala siyang pulso. Marunong kaba mag CPR? Tanong ko sa kaniya.
" hindi." Naiiyak pa rin ito. Kumilos na ako at kinapa ang diaphram niya, nag simula na ako mag bigay ng 5 pump.
"Sy!!" May grupo ng mga lalaki ang lumapit, may mga student rin na nagsipagbalikan."Hala. Patay na ba siya?" Bulongan pa nila. Mga bwisit na ito.
"Dalhin natin siya sa clinic!!" Teka, si Yoo Ki ito ah at mga grupo niya sa banda. At kelan pa sila nag ka roon ng kaibigan na babae?
Binuhat niya yung babaeng walang malay at tinakbo papuntang clinic.
"Kuya, salamat po ha. Ano pong pangalan nyo? Para po sabihin ko na lang sa kaibigan ko." Nanginginig pa rin ang labi nito habang nag sasalita.
"VEE ALEJANDROU" nag bow ito at umalis na, bumalik na ako sa office ng directors at kinuha ang documents.
Pinuntahan ko ang clinic at naabutan ko sila na tahimik na nag babantay sa babae. Malinis na ito at hospital gown ang suot niya.
"Anong pangalan niya?" Tanong ko sa nurse na incharge sa clinic.
"Yung pasyente po ba? Siya po si Ms. Lee Chandi Syeon." Nag pa pacute niya pang sagot. Haysst. Ang hirap maging gwapo. Teka?
"LEE CHANDI SYEON??!" Medyo napalakas ang boses ko kaya napatingin naman sa akin ang grupo nila Yoo ki. Mukhang nakilala niya naman ako agad.
"Vee? Anong ginagawa mo rito?" Tanong pa niya, mag kasama kami ni Yoo ki sa entertainment management kaya kami mag kakilala.
"Napadaan lang, pero mag aaral na rin ako rito mula sa lunes." Simpleng pahayag ko. Pero.. may gumugulo talaga sa akin. Dahil ang kilala kong Lee Chandi Syeon ay... anak ng may ari ng School na ito. Imposible. Baka impostor ang babaeng ito?! Hindi ba ganun naman sa mga palabas, laging kaawa awa tingnan ang mga impostor para makuha nila ang tiwala ng target nila. Pero.. haysst!!
"Yah!! Nakikinig kaba??!" Ay! Nandito pa pala sa tabi ko si Yoo Ki.
"Ano ulit yon?" Wala sa huwisyo kong usal.
"Ang sabi ko, ikaw ba ang tumulong kanina kay Syeon!?" Naiinis na sigaw nito sa akin. Ano problema nito?
"Oo. Ako nga. Bakit kaba sumisigaw?! Tsaka kelan kapa nag karoon ng kaibigang babae ha?!" Pabalik kong sagot.
"Teka, nurse, wala siyang pulso kanina, ayos naba siya?" Nag aalala lang naman ako baka may malala siyang tama sa ulo dahil sa pag bagsak niya kanina.
"Actually hanggang ngayon wala siyang pulso." Simpleng sagot niya.
"Ano!!?" Sabay pa kami sumagot ni Yoo Ki.
"Relax, anatomical mutation ang tawag roon, at rare na mag karoon ang isang tao ng ganong kalagayan. Tumitibok ang puso niya pero hindi ang mga pulso niya. Kaya malamang mamaya pag gising ni Ms. Lee masakit ang dibdib niya dahil sa binigay mong CPR." Konokonsensya niya pa ako eh hindi ko naman alam na ganoon ang kalagayan ni Ms. Lee.
Hapon na pero hindi pa rin siya gumigising, hindi ko rin alam kong bakit ako nag volunteer na mag bantay sa kaniya hanggang sa dumating ang sundo niya.
"Ah sir Vee ako na po bahala kay Ms. Lee. Umalis na po kayo. Sige na po." Pinagtulakan ako ni nurse kim palabas kaya wala na akon nagawa. 6pm na pala kaya dumeretso na ako sa parking lot.
BÀSAHIN NIYO PO NEXT CHAPTER WAG NIYO PO KALIMUTAN "click VOTE!!"