SETH P.O.V
Bumaba na ako para kumain, pero lima lang sila na nasa dinning hall.
"Nasaan yung dalawang matanda?" Naka ngiting wika ko sa kanila, pero seryoso mukha nila.
"Anong meron?" Nahihiwagaang tanong ko. Nag katinginan pa sila bago sumagot si Oppa Arman.
"Pumunta sila sa Daddy ni Syeon, pinapahigpitan lalo ang siguridad ng kanyang anak, dahil nga sa death threat na natanggap nakaraan" tinutukoy niya ang pag kaka baril kay Syeon.
"Lahat ng sasakyan ay bullet proof na, yung hammer mo ay nilagyan ko ng limang pistol 45 gun. Upgraded na rin ito, my emergency button ito sa loob na kapag may nangyaring masama sayo sa labas pindutin mo lang ito." Paliwanag pa ni Hems. Tumango lang ako bilang pag sang-ayon, mukhang kailangan ko nga mag ingat lalo.
Binigyan ako ni Hems ng Wrist Watch, may GPS ito at pwede gawing bomba pag kinakailangan na.
Matapos ang sandamakmak na pag papaalala sa akin ng lima ay pumasok na ako sa school.
"SYEON!! dito!" Sigaw agad ni Krishna, naka abang kasi ito sa bungad ng parking Area.
"Oh? Balita?" Walang buhay ko na tanong sa kanya.
"Pumasok sila Ji Yoo Ki" balita nga iyon.
"Ah. Classmate ba natin sila lahat?" Sana naman hindi.
"Oo! Sinabi ko na yan sayo kahapon diba?" Haysst. Ano kaya magandang gawin sa kanila? Pumasok na kami sa room, pero sa kasamaang palad wala pa ang teacher kaya hinarang na naman kami ni limang bruha.
"Kala mo ba palalampasin kita sa ginawa mo kahapon?" Naka ngiting tanong nito.
"Wala akong gana ngayong araw, kaya pwede ba umalis ka sa daanan malaki ka masiyado hindi ako mag kasya." Walang buhay na wika ko sa kaniya. Wala lang akong gana maki pag diskusyonan sa kanya.
Sa kasawiang palad, bigla niya ako sinampal ng malakas sa mukha, umalingawngaw pa ang tunog sa buong classroom. Pero hindi man lang ako nakaramdam ng kahit anong sakit o hapdi o kahit manhid. You know why? Dahil logbook ang ginagamit ng senior ko pang hampas o sampal sa mukha ko.
"Paabot nga ng logbook sa table Krishna." Mahinang usal ko, kahit nakatulala siya ay inabot niya pa rin ang logbook na nakapatong sa table. Mas lalong natahimik ang buong klase. Mukha namang natakot ang Bruha ng paglaruan ko ang Logbook sa kamay ko, na para bang pisngi niya ang hinahampas ko at hindi ang palad ko.
Lumalapit ako sa kaniya pero umaatras naman siya hanggang sa makorner ko siya sa pader.
"Paaak!!!"
Inambahan ko siya ng isang malakas na hampas pero hindi ko pinatama sa mukha niya, kung hindi sa palad ko kaya lumikha ito ng malakas na tunog.
"Ahhh!!!" Matinis na sigaw ng bruha.
"Mmmhahaha. Wag mo hintaying mapuno ako sayo bruha, kung hindi *paaaak!!*... ang abot mo sa akin. Hindi ko pa nga dinadampi umiiyak kana." Malamig na usal ko sa kaniya.
Nagtawanan naman ang grupo ni Wo Jung, si krishna? Ayon tulala pa rin. Nag walk out naman ang Limang bruha.
"Hindi pa tayo tapos! Pag sisisihan mo ang ginawa mo!" Usal niya pa bago lumabas ng room, kaya binelatan lang sila ni Krishna. Haysst.. hinayupak, umiinit na ang pisngi ko, dapat pala hinampas ko na lang mukha niya kanina.
"Ayos ka lang Syeon?" Nag aalalang wika ni Krishna at tumango lang ako.
"Pahiram nga ng salamin." Inabotan niya naman ako ng isang maliit na salamin. Bumakat talaga ang buong kamay niya sa mukha ko.