part 1

17 1 0
                                    

Daddy Oscarion POV.

"Dad's!!" - ito na naman tayo.

"Oh bakit anak?" Malumanay na sagot ni Daddy Secar sa butihin slash brat na anak anakan namin. Napapatanung ka ba kung bakit anak anakan? Dahil kami lang naman ang Seven DAD's ni Ms. Lee Chandi Syeon. Mahabang istorya. Tsk.

"Daddy Arman mag bakasyon tayu! Sagot ko na lahat. Dali na! Nag paalam naman ako kay Daddy BOSS."- hay naku. Hindi nga namin siya pwede ilabas tapos mag babakasyon pa?. At paano niya naman napilit ang daddy Boss niya na lumabas kami?

"Walang sinabi si Master na lalabas tayu. Kaya HINDI. PWEDE." -istriktong sagot ni Daddy Leonard na prenteng naka upo sa sala habang nag kakape. Ako? Ito nag susubok mag luto ng pagkain.

"Eeh!! Nag usap na po kami. Kahit naman hindi ko pa nakita ang dad ko sigurado akong pinayagan niya tayu. Dali na!!" - pamimilit pa nito. Hummm.. kulang pa ng asim ang niloloto ko. Dapat siguro lagyan ko ng real sampalok ang siningang na manok na ito.? Humm. Ohh.. ayan. *nam.nam* perfect!.

"Yey!! Daddy Oscar tara na. Mag babakasyon tayu sa..... palawan coron! Yah!! Yah!!" -anung nangyayari?

"Sige ka kasi kaluto ng kung anu anu diyan! Confirm na Pumayag si Boss, kaya tara na!" Pailing iling na wika ni Alfred. Ahh.. kaya naman pala.

"Anung niluto mo?" Nagtatakang wika ni Daddy Arman. Teka, anu bang ipapangalan ko sa luto na ito?

"Ah.. chicken Soup?" Alanganin kong sagot.

"Gago, siningang na manok yan oh! Chicken soup ka pang nalalaman!" Bago pa matapos ang sinasabi ni Daddy EDuard naibuga na ni Daddy Ryad ang orange juice na iniinom niya sa mukha... ko!

"Bwahaha!!"- walang patawad na tawa ng alaga namin. Brat. Tsk.

"Bakit ba kasi kumpleto pa tayu ngayun? Hayst."- naiiling na wika ni daddy Leo.

"Eh kasi dad birthday ko na bukas! Remember? April 6 na bukas?! Its my 17th birthday! One year na lang pwede na kami mag kita ni dad at pwede na kami mag kasama lagi!" Tuwang tuwa na wika ni Ms. Chandi. Well.. totoo naman sinabi niya.

"Oh..." daddy alfred

"I see." Daddy Leo

"Hummp" ewan ko kung sinong gorillia yun.. hahaha

"Oh. Mag impake na! 5days tayu dun! Gora na! 3 hours aalis na tayu." Wika naman ni daddy Arman.

So  ayun.. nag kanya kanya na kami impake ng mga kakailanganin namin.. hayss.. gusto ko pa sana matutu mag luto eeh..

After 2hours and 30 minutes....

"Dads!!! Im ready!!" Here we go again.

"Bakit ang dami mong dala!!? Lalayas kaba? 5 days lang tayu dun! 5 days!!" Malakas na sigaw ni daddy Secar.

"Iiwan na natin yan dun. Wag na natin iuwi pa."- tatawa tawang wika ni arman. Baliw talaga. Eh tigok kami lahat.

"Gusto mo mamatay? Mag isa ka!" Pikon na sabi ni Daddy Ryad. Oh ayan. Mag aaway na yan.

"Hoy! Mga gago, ang tatanda nyu na!" Walang patawad na wika ni Sir Leo. 😂

"Mauna na ako. Annyeong!" Aba! Walang hiyang Eduardo Tanda.

"Daddy! Wait mo naman ako! Ayuko sa kanila!" Maarte na namang wika ng magaling naming alaga na pinag palit na kami sa daddy Ed niya.

So ayun nga. Bangayan pa rin. Ganito naman talaga kapag kompleto kami lagi. Maingay. Porke kasi iba ibang field ang pinaggalingan namin. Lahat kami ay may major abilities na itinuturo kay Ms. Chandi kaya sigurado ako na kaya niya ng makipag halobilo sa mga tao sa labas at loob ng mundo na kinamulatan niya.

So, saan nga ba kami nanggaling? Ang sagot ay... hired bodyguards kami ni Mr. LEE Kyung Joon, ang real Daddy ni Ms. Chandi. Siguradong alam naman ng alaga namin Yun. Hindi man katalinuhan yun, hindi rin naman bobobs.

So, Ito ang unang beses na lalabas kami lahat sa lungga na pinagtataguan namin. Pero sosyal na lungga iyon dahil malaking mansion. Kompleto kami sa mga pangangailangan gamit at pag kain.

Ako nga pala si Mr. Oscarion Domsel, 28 years old; enough na para maging daddy. Ako ang academics teacher ni Ms. Chandi, maliban doon nag tuturo din ako ng music and basic cooking sa kanya (utos ng daddy niya eeh). Sa music nahiligan niya ang Violin at trumpets. Sa cooking naman, ayun  malapit na sumabog ang kusina sa kanya kaya ako lagi ang naka toka mag luto.

So, bakit ako nag titiis sa trabaho kasama ang maarte na alaga ko? Basic. Malaki ang sweldo namin. Provided lahat. Walang problema. Wag lang labagin ang rules ni Boss para iwas sestensya sa buhay namin.

Ano ba ang mga rules? Ah. Hindi ko na lang pala sasabihin dahil hindi naman nasusunod. Pero may isang importante.

Rule#1: siguraduhing buhay si Ms. Lee Chandi Syeon kahit anung mangyari. Bakit? Nag iisang heir lamang siya ni Mr. LEE KYONG JOON.

Ganun lang naman kadali ang trabaho namin kung walang gulo kaming mapapasok o si Ms. Chandi.

17th birthday niya ngayun, nag simula siya pumasok sa eskwelahan noong 16 years old na siya. Sana naman wala siya ginagawang kalukuhan, kilala ko ang alaga namin dahil sa amin na ito lumaki. Bratinilang bata, matigas ang ulo at maarte pero mabait naman kahit kunte. Kunti lang.

"Sa rest house tayu ni Boss tutuloy." - paalala ni Daddy Leonardo Mardigo, Siya ang pinaka matanda sa amin. 39 years old. Katuwang siya ni boss pag dating sa mga business matters. Istriktong Daddy ni Ms. Chandi pero mabait naman. Kunti.

"Secure access at security perimeter" - malumanay na paalala ni Daddy Alfred Cioncho, weaponry assistant, 32 yrs old. Pilosopo sa aming lahat.

"Kanina pa tapos" - pa cool na wika ni Daddy Secar Hemsworth, computer and hacking skills instructor ni Ms. Chandi. 28 years old, mahilig sumigaw yan Pero mabait. Kunti.

"Yabang.."- komento naman ni Daddy Ryad Bruce, mix martial arts instructor ni ms. Chandi. 35 years old.  Masayahin pero masama magalit, mabait din naman. Kunti.

"Napaka ingay" - tahimik na komento ni daddy Eduard Luide. 37 years old. Poisons especialist ng grupo namin. Tahimik lang pero mabait naman. Kunti.

"Tama. Kung nasa katuwiran ka Ipaglaban mo!"- ang pinaka matinong kausap sa grupo na ito. Si Daddy Arman Torredo, 34 yrs old. Automotive assistant.

Lahat naman kami ay student ng bawat isa, professor ng bawat isa. Share share nga diba. Kaya may nalalaman naman kami kung paano gawin ang field ng bawat isa.

Prente naman kaming naka higa na sa mga designated seats or bed namin. Private plane ni Mr. Lee kyung joon ang gamit namin ngayun.

"Introducing DJ Em...! Party goes around!!" - my god. Ang lakas ng music!

"Syeon hinaan mo naman!!"

"Sasabog na ulo ko sayu!"

"Brat!"

Here we go again..


----please support my story. Its my first time. Sana magustuhan niyo. Salamat. Feel free to comment. 

Dangerous MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon