Part 20

6 0 0
                                    

SETH P.O.V

MAAGA ako nagising upang mag warm up para sa training.

Nasa Gym na ako at maya maya pa ay pumasok na rin si Oppa Ryad.

Nag simula kami mag training na inabot hanggang tanghali.

"Hinayupak, nakakapagod." Papunta pa lang ako sa dinning hall, salamat naman at walang tao. Kumain muna ako at nag pahinga.

2:00pm nasa firing range na kami sa labas, kasama ko na rin si oppa Alfred. Halos mangawit na ang braso ko dahil walang tigil na pag papaputok ng baril, sa loob ng apat na oras, walang break, walang bitawan ng baril hanggat hindi ko natatapos lahat ng rounds and stations. Mula sa pinaka madali hanggang sa parte na hinihingal na ako sa kakatakbo at iwas sa mga kalaban ko, hindi dummy kong hindi mga tauhan ni tanda, nanonood pa siya at pinapagalitan ako sa tuwing natatamaan ako ng metal bullets. May armor man ako pero masakit pa rin pag tumama sa katawan ko, sigurado pasa na naman ang buong katawan ko mamaya.

"Arrgh!" Putcha nawawala na ako sa huwisyo. Natamaan ako ng metal bullets sa braso kung saan walang armor kaya nag sugat ito.

"Ano ba yan!!? Kung sa realidad ka, kanina kapa namatay diyan Delvilliño!!" Bwisit na apeliyedo yan! Sumogod ako sa mga tauhan niya, inuna ko yung mga nasa malayo dahil mas madali nila akong madale, samantalang mabilis tingnan ang kilos ko sa mga malapitan, pautakan na lang.

"Tsup!! Tsup!! Tsup!" Three down, sinonod ko ang mga sniper sa taas na hindi rin kalayuan at naabot ng range limit ng weapons na gamit ko.

Nag tago ako sandali at lumabas sa kabilang dulo ng pader kong saan hindi nila inaasahan na lalabas ako roon, memoryado ko ang buong lugar na kinalalagyan nila dahil kanina pa ako paikot ikot sa kanila hindi lang nila napapansin na kumukuha lang ako ng vivid range nila.

"Ahh!!" Lahat sila sa braso ko tinatamaan kong saan walang armor.

"Delvilliño!! Ano yang ginagawa mo!!? Training lang ito at hindi patayan!!" Wag mo ako punuin tanda!

"Kung sasabak ka sa gyera, wag mo asahang kakaawaan ka ng kalaban.." five down..

"wag ka umasa sa isang plano..." another five down

"maaaring kilala mo sila pero hindi Ang taktika nila sa pakikipag laban!" All clear. Sa wakas naka abot ako sa last round.

"HOME BASE CLEAR!!" sigaw ko kay Leo at binitawan ang baril sa harap niya.

"Next! Long range!" May galit nga talaga siya sa akin.

"Leo, bigyan mo naman ng break si Seth!" Wika ni oscar, nandito pala sila lahat, uminom muna ako ng tubig dahil kanina pa natutuyo ang lalamonan ko.

"Walang break pag nasa gyera ka!" Istriktong pahayag ni Leo habang masama ang titig sa akin, ramdam ko naman kahit hindi ako naka tingin sa kaniya.

"Tara na Oppa. Long range." Mahinahon kong wika, wala naman silang nagawa kahit na nag rereklamo sila kay Leo. May nahanap ng spot si Oppa kaya pupuntahan na lang namin.

"Seth.." pahabol ni Ajjushi at inabot sa akin ang isang malaking tobleron chocolate.

"Yay! May favorite....! Gomapsumnida ajjushi!" Tuwang tuwa na ako rito, sumunod na ako kay Oppa sa sasakyan papunta sa Spot na napili ni Leo.

Nakarating kami sa building, nasa 25th floor kami. 6pm na kaya medyo madilim na rin.

"nasaan ang target natin oppa Alfred? Bakit dito?" Naga simula na kami kumilos para mag set ng mga gamit at kumuha ng komportableng pwesto para sa posisyon namin.

"Isang test lang ang ibibigay ko sayo ngayon Sa lesson natin, ikaw ang sniper Escort ng Papa ni Syeon. After 20 minutes darating siya sa building na yan 12o'clock ahead, mag kakaroon siya ng conference at clear Glass lang ang pagitan nyo. Ang trabaho mo lang ay isecure ang kanyang peremiter." Natapos sa pag papaliwanag si Alfred. So, 400meters ang layo ko sa kaniya, at mula sa pwesto ko makikita ko siya sa view range na 340º. Kung gusto ko siyang patayin ng walang kahirap hirap saan ako pupwesto?

"Ilan ang escort niya?" Tanong ko habang nag aayos ako ng lens ng telescope.

"Ikaw lang ang escort niya, kaya hawak mo ang buhay niya sa oras na dumating siya sa building na iyan." Mapanghamon na wika ni alfred at umalis na ito. Saan ba? Kinakabahan na ako. Tiningnan ko ang lahat ng pwesto na pwedeng pwestohan ng sniper. Sinukat ko ang lahat ng view range na sakop  ng clear glass, at pwesto ko ang pinaka centro. Kinuha ko ang telescope at binilang ang repleksyon ng floor building na nasasakop ng clear glass at sinukat isa isa ang view range na maaring tamaan ng bala si Mr. Lee.

Dumating na si Mr. Lee at papasok na sa building. Gabi na kaya mahirap makita ang kalaban.

Think... mas nilawakan ko pa ang paningin at pag iisip ko.

Think...

Think.....

"Huli ka balbon.." sigurado ako na magaling na sniper ito, ang ganda pa ng pwestong nakuha niya, pinaka mababa; madali ang daan upang tumakas. Sakto lang ang sukat upang tamaan sa puso si Mr. Lee basta huwag lang siya pumalya kung hindi sa pader lang tatama ang bala.

"Kailangan ko ng lubid" mabilis kong sinukat ang haba ng lubid na kakailanganin ko.

"Hinayupak! Wag ngayon!" Maikli ang lubid. Pero pwede gamitin ngunit delikado. One time good time lang ako sa lubid na ito. Kulang ng limang metro ang haba ng lubid upang maabot ko ang bintana kung saan ang kinaroroonan ng sniper. 26 meters lang ang haba ng lubid at kailangan ko ng 31 meters. Dalawang palapag lang ang pagitan namin.

"Bahala na." Kinuha ko ang 45 pistol gun at nilagyan ko lang ng dalawang bala; isang red liquid bullet at isang yellow liquid bullet. Ang red ay tama lang para butasin at mabasag ang makapal na salamin ng building na kinatatayuan ko at Ang Yellow ay tamang pam patulog sa kanya within one second. Buti na lang at nag dala ako ng extra weapons. Tinali ko ng mahigpit ang lubid sa bakal na railings, once na tumalon ako rito kailangan ko maka pasok agad sa loob ng bintana dahil maikli ang lubid kaya hahawak lang ako sa dulo nito. Kinalkyula ko ang segundo na maaring maging huling segundo ng buhay ko.

"Putcha! Wag naman sana ako mamatay ngayong gabi. Hindi pa ako nakakaganti sa masungit na matandang si leo." Hinigpitan ko ang hawak  ko sa lubid na nasa kaliwang kamay ko at ang baril na nasa kanang kamay ko, buti na lang may gloves ako, kung wala malamang sugat sugat ang palad ko nito pag katapos.

May isang hakbang pa ang layo ng railings bago ako tuluyang mahuhulog. Kaya bumwelo ako ayon sa kalkyuladong layo na kakailanganin ko upang mag karoon ako ng kunting oras para mabasag ang salamin.

Alfred P.O.V

iniwan ko si Seth ng may kompletong gamit, at ayon na rin sa kagustuhan ni Leo. Nasa kabilang building ako 3o'clock mula sa range niya, para alalayan siya at mag masid na rin.

Maya maya pa ay nagulat ako dahil nasa labas siya ng Railings.

"O my holy shit!" Tumalon siya na parang isang gymnastic na nag lalaro lang ng lubid, pero may hawak siyang baril at sa isang iglap ay nabasag ang 23rd floor window at binitawan niya ang lubid kasabay ng isang magkasabay rin na putok ng baril. Dali dali na akong tumakbo sa kinaroroonan niya habang tumatawag ng back up sa mansion.

"I need back up and emergency medic assistance! Trace my location!"  Mabilis kong tinakbo ang elevator pa akyat sa kinaroroonan ni Seth. Hindi ako maaaring mag kamali sa narinig ko, parehong nag pa putok ang dalawa.

Pag bukas ko ng pinto ay naka handusay sa sahig ang isang lalaking naka jacket na itim at si Seth na walang malay.

"Seth!!? Gumising ka!!" Inaalog ko  siya sa mag kabilaang balikat niya  pero nakaramdam ako ng basa sa kaliwang braso niya, teka.. sugat niya ito kanina sa short range training which is nakalimutan kong gamutin agad dahil sa sige ang pagalit ni Leo sa kanya at ang laging hindi niya pag sang ayon sa amin kaya na divert ang attention naming lahat. Kinuha ko ang flAshlight para mas makita ko ng maayos ang lagay niya.

"Lintik!!" May tama siya ng bala sa kanang bahagi ng dibdib niya. 4 inc mula sa puso. Kinapa ko ang pulso niya.

"Fuck!!!" Kinapa ko sa kabila, pero walang pulso. Hayop!!

"Dapat hindi kita iniwan eh!! Seth! Gumising ka!!"

"Seth!! Fuck!! Kasalanan ko to!! Seth!!" Pakiramdam ko ang tagal ng oras. Kaya kinarga ko siya at inilabas sa building na iyon, sakto namang pag dating ng sasakyan na minamaneho ni Arman kasama si Eduard at si Yong Pal.

Click vote for this chapter guys. Thank you!!

Dangerous MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon