part 2

7 1 0
                                    

Daddy Secar P.O.V

"Alpredo!! Ano na naman ginawa mo sa tablet ko!!?" Nakakainis talaga! Pinag praktisan niya na naman ang gamit ko. Haaaa!!!!

"AL-FFREEDD! Ang pangalan ko. Hindi Alpppredo." - pag papaalalang tono niya sa akin.

"Alppppreddoo.. kung ayaw mo sirain ko ang bagong remote control mo na sniper wag mo pakialaman ang tablet ko!" Namumuro na to eh.

"Baka nakakalimutan mo ang ginawa mong pag kuha sa pistol ko nakaraan. Gumaganti lang ako!" Ahhh!! Bwisit siya.

"Ang aga aga nag aaway kayu dads. Tara na at kakain!" Sino kaya nag luto?

Bumaba na ako sa dinning hall. Magara ang rest house ni Master ah. Ito ba ang sinasabi ni Ms. Chan na sagot niya lahat? Eh sa daddy niya naman ito lahat eh. Haysst.

"Kakain na. Tama na ang bangayan." - malumanay na wika ni Eduard.

"Ako nag luto niyan"- dagdag pa nito, kaya naman napabuga kami ng kinakain naming pag kain maliban kay Ms. Chan.

"May lason ba to??!!" Sabay sabay naming tanung. Bakit? First time mag luto ang damuhong na ito eh.

"Oo." Walang ganang sagot nito

"What!!? Ewww.. Daddy naman!" Alboroto ng alaga namin na maarte.

"Joke lang. Ha ha ha ha"- what the pak... ang lame ng joke niya.

"Hahahahahaha!! Ang galing mo talaga mag joke dad!!" Ay. Tuwang tuwa naman si miss chan.

"Haaaay." Kumain na lang kaming lahat.

"Dads mag swimming tayu mamaya ahh. Dun sa may malinaw na tubig.. gusto ko dun.." napakakulit talaga ng bata na to. Nag ka tinginan naman kami lahat kung papayagan ba namin.

"Dadss!! Shige na!!"

"Lahat naman tayo maga swimming eeh!! Dali na!! Daddy!!"

Kunti pa.. kunting lambing----

"Waaahh!! Dali na kasi!!!" Napatakip naman kami ng tainga. Ang tinis ng boses niya!. Hayst.. paano ba ako tumagal dito!!?

Sa bandang huli napag desisyonan na nga namin na mag libot sa isla. Magaganda ang view at maraming turista..

"Delikado itong ginagawa natin." Pahayag ni leonardo. Well, siguro naman hindi rin kung mag mamatyag lang talaga kami ng husto.

"Mag injoy rin tayu minsan sa labas manong, tingnan mo nga oh. Mukha na tayo mga bampira dahil sa kaputian." - may point rin naman si Arman dahil Ngayun lang kami nakalabas sa Mansion.

Nag jetski kami at nag laro ng kung anu anu sa buhangin. Kumain ng gabihan at nag pahinga narin.

"Sana naman maging masaya rin ang buhay ng alaga natin. Para kasi siyang preso na nakakulong. Kahit pa nag aaral na siya sa labas bantay sarado pa rin natin siya." Sabi ni Ryad nag kakape kami ngayun sa veranda. Nakatulog naman agad si Miss Chan.

"Magiging masaya rin yan pag naibalik na natin siya sa papa niya. Isang taon na lang rin."- pahayag ni Oscar. Sabagay..

"Pasayahin na lang natin ang araw niya bukas. Kawawa namang bata yan kung magiging malungkot ang araw niya dito." Pahayag ko sa lahat. Nag tanguhan naman sila bilang sagot. Haayy.. kahit naman nag tatrabho lang kami kay Master eh, karapatan niya pa ring sumaya. Kawawang bata. Mayaman nga ang pamilya niya kulang naman siya sa pag mamahal at attensiyon ng magulang niya.

Kinabukasan...

"Dads. Kain tayu sa labas. Gusto ko ng bulalo eeh. Tsaka sweet foods" nakaupo lang kami sa sala at nanonood ng movie. Ala una na kami nakagising kaya baka gutom na ang alaga namin. Nag handa na kami upang kumain sa labas.

"Walong serve ng Bulalo... and walo rin sa fresh Buko.. then signature dessert nyu. Yun lang salamat" - nakakatakot naman mag salita si Leo, walang kabuhay buhay. Ano nangyayari sa kanya? Nag ka tinginan naman kami lahat, si miss chan nag lalaro lang sa tablet na dala dala niya kanina pa.

"Ano meron sayu?" Mahinang tanung ni Arman na katabi lang nito.

"Yung babae na kumuha ng order natin. Kahina hinala eh."- minsan lang mag bigay ng pahayag si Eduard pero laging sigurado.

Tinignan ko naman ang babae na nakatalikod sa amin, nag bibigay ito ng order slip sa kitchen counter. Lumingon ito ng kaunti sa gilid niya.

"Naka tingin siya sa gawi natin" bulong ni Ryad. Anung meron sa kanya? tuluyan na siyang humarap sa mesa namin. Ha? Bakit naka mask siya? Tumingin ako sa ibang mga tauhan, naka mask nga ang lahat ng waitress and waiter. Na alerto naman kaming lahat, nag lalaro pa rin si miss chan.

Lumakad papalapit sa amin ang babae. Bumibigat na ang hangin naming pito.

"Yes sir? May idadag po ba kayu sa order nyo?" Mahinhin nitong tanung sa amin, naka cowboy cap ito kaya mata niya lang ang nakikita ko, mahinhin man ang boses niya pero malamig naman ang mga mata nito at maraming kinokobleng emosyon. What a good actress she can be. Nginitian ko lang siya at umiling. Yumuko lamang siya at tumalikod na.

"Ulol ka talaga. Uniform talaga nila ang may mask sa mukha, siguro para hindi tumalsik laway nila sa costumer." Pag bibiro pa ni Alfred. Natahimik na lang kami at kumain.

Nag kasayahan naman ang lahat sa isla, naligo, nag babad sa araw, nag laro ng air shuffle gun at kung anu anu pa.

"Haysst!! Pagod.. sakit sa katawan tol!" Puro mga reklamo na nila Ang naririnig ko. Hayss.. sakit ng likod ko nga..

Natulog na ang lahat, last day na lang namin dito bukas--

Bogggsh!

"Ahhh--"

Napabangon ako agad. Si ms. Chan, boses niya iyon. Nakalabas naman agad ang iba kung kasama, lahat kami ay may hawak na 45pistol gun with silencer.

Pag bukas namin ng pinto ng kwarto ni Ms. Chan ay magulo na ang lahat at naka bulagta sa kama si Chandi.

"Sa bintana" - turo ni Arman, naka bukas ang bintana at mukhang doon dumaan ang hinayupak na kung sino man. Dalawa sa mga kasama ko ang lumabas upang sundan ang taong naghimasok sa kwarto ni Chandi.

"May tama ng baril sa bandang puso, mahina ang pulso" - nanghihinayang na wika ni Oscarion. Nalintikan na!

"Dadalhin ba natin sa ospital?" - wika ni Leo na hindi na rin alam ang gagawin pa.

"Hindi. Malilintikan tayo kay boss!!" Sigaw ko sa kanila. Putcha talaga.

"Si Yong Pal. Magaling na surgeon at naga home service siya. Pero di ko alam kong mapagkakatiwalaan natin siya" - kalmadong wika ni Eduard.

"Papuntahin mo na ngayun din. Hindi na mahalaga kung mapagkakatiwalaan. We gonna deal with that later. Mahalaga maka survive si Ms. Chandi" - paliwanag ko sa kanila. Tumawag naman si Eduard agad.

"Pag namatay ang alaga natin, isasama tayo ni boss sa libingan niyan." Seryosong wika ni Ryad.

"Ihanda ang mesa, parating na ang Bisita." Nag handa kami para sa gagawing operasyon ni Yong Pal. Sampong minuto lang ay nakarating na si Yong Pal. Mas bata ito sa inaakala ko, mga nasa 25 ang edad at nasa 6"2 ang height. Makisig rin at may maayos na tindig.

"Gun shot? Mahina na ang pulso. Walang pag asa ito kong hindi madadala sa ospi--" naputol ang sasabihin ni Yong pal nag tutukan siya ni Alfred ng baril sa sintido.

"Gawin mo ngayun din ang proceso. Magaling kang surgeon diba? Mag babayad kami kahit mag kano" wika ni Leo. Wala ng atrasan to.

"Pag namatay ang pasyente, isusunod kita .. naiintindihan mo?" Malamig na wika ni Alfred. Mukha namang walang takot ang lalaki na ito, dahil hindi man lang siya nasindak sa pag babanta.

"Kung gusto mong buhayin ko pa ang babae na ito, tanggalin mo yan sa ulo ko, para naman hindi kayu masunod sa libingan niya. Araso?" Tama ang hinala ko, Half korean and Filipino siya. Sumonod naman kami at nag simula na siya.

Hindi kami pwede mag matigas sa ganitong sitwasyon. Maswerte na kami at nag kataong nandirito si Yong Pal. Kung wala, tudas na.

Pero sino nga ba si Yong Pal?

This is my first story please support nyo ako guys and vote the leave po kayo ng comment. 

Dangerous MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon