Jc.
Tinitigan ko ang mahimbing na baboy na natutulog. Baboy parin siya para sakin siyempre hhahaha.
Malaki talaga pinagbago ng babaeng to physically. Pumayat kasi siya at pumuti. Ndi ko inexpect na hahantong siya sa ganito kasexy na babae.
Noon kasi, maganda siya pero wala siyang pake sa pagaayos sa sarili. Sabog buhok parati tas chubby. Kailangan sabihan mo pa para magayos tas kain ng kain. Mas maganda ung ate niya sakanya noon.
Ngayon parang mas maganda na siya sa ate niya. Lorddddd sa loob ng walong taon isa lang naman hiniling ko sainyo. Sana po tuparin niyo.
Ngumiti ako sa kawalan at napagpasyahang matulog nalang bago pa matunaw tong si Aes. Hay nako Ivory Aeschylus. You never fail to make me smile Always.
*-*-*-**-*-*---*-**-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Pagkagising ko walang aes na bumungad sa harapan ko. Chineck ko ung phone ko. Ayy 9 na pala. Tumayo ako at dumiretso sa banyo para maghilamos.
After ko ayusin sarili ko chineck ko si aes kung nasa kwarto niya pero wala siya kaya bumaba na ako. Nakaamoy ako ng kakaibang amoy mula sa kusina. Parang ndi naman ganito ung luto ni kaykay.
Pagpasok ko sa kusina bumungad na ung dalawa sa harap ko. Close na sila? Kaloka hahaha pero kunsabagay madami silang pagkakatulad.
"Kain na!" Sabi ni aes. Si meng inaalagaan padin ni kaykay. Wala naman kasi talagang planong dalhin si aes kay meng kaso sumama.
"Kelan ka pa natutong magluto ahahah" i asked. Umupo ako at tinignan ung niluto niya.
"Ngayon lang nagiba ang breakfast ko. Normally, egg, hotdog and bacon lang na paulit ulit" sabi ko. Napairap si kaykay.
"Sorry naman sir ah" she said.
"Well, from now on! I'm taking the responsibility to cook for our breakfast everymorning!" Sabi ni aes. Nakataas pa kanang kamay na parang nanunumpa.
"Siguraduhin mo lang" he said.
"Well, while studying literature in the morning... Sa gabi may lesson ako ng cooking. Pinaghirapan kong gumising ng gabi noh para diyan!" She said. Napangisi nalang ko at kumuha ng putahe na niluto niya.
Kakaiba eh. Madami siyang niluto. May chicken salad na kinakain niya. Healthy living hahaha. Merong tuna omelette tas merong Spam na may egg sa gitna. Ung fried rice amoy palang masarap na tas ang ganda pa nung pagkakalagay sa plato nung food. Pang restaurant.
Tinikman ko ung pagkain. Wew masarap nga talaga. Kakaiba tong babaeng to. Siguro kaya siya nagpursue mag luto kasi nilalait ko siya noon? Hahahaha kasi dati bukod sa itlog wala na siyang ibang alam lutuin.
"BTW, hanggang kelan ka magsestay dito?" I asked her. Nakakalungkot kung isang linggo lang eh.
"As long as i want?" She said. Pwede ba yon? Hahahha or pwede akong magstay sa condo if you don't like" she added.
"No, mas better kung dito ka. Mapapagastos ka pa doon tsaka wala ka bang trabaho? Bakit kung kelan mo gusto? Wala ka bang bahay doon?" I asked.
"Daming tanong hahahah. May trabaho ako. I'm a writer. What do you expect? I can bring my work anywhere hahaha. Pero sa baguio yeah meron akong pinapasukang company its just that on hold pa kami kasi may bagong release na book na kailangan munang maibenta that's why. Tas sa bahay, i live in an apartment kasi itk ang hometown ko so why naman ako magpapagawa pa ng bahay don?" Sagot niya. Wew bigatin talaga to.
"So ang plano mo lang talaga Mag-aral sa baguio?" Tanong ko. Umalis na si kaykay kasama si meng at sabing babalik nalang daw siya pag tapos na kami kumain.