18- A Letter.

8 2 0
                                    

Hi carlo,

Magiging malaya ka na ulit. Alam mo kung bakit kita pinalaya? Kasi mukhang hindi naman tayo para sa isa't isa eh. Mahal na mahal padin kita pero stop na siguro? Nasasaktan na akong nakikita kang masaya sa piling na iba. Katangahan ang maghintay ng walang kasiguraduhan. Ayoko na hindi dahil hindi kita mahal. Ayoko na kasi ang hirap hirap na. Pero ito ang tatandaan mo, mahal na mahal na mahal na mahal kita. Mananatili ka dito sa puso ko habang buhay. Kung aabot man sayo itong sulat na to tatandaan mo na kahit pinalaya na kita pipilitin ko pading maghintay malaman lang kung ikaw ba talaga ang para sakin o hindi. Sobrang sakit ng pangyayari simula sa past until now. Lalo na't may napapasaya ka ng iba ngayon. Parang dati lang nahurt ako kasi pinaghiwalay tayo, mas masakit pala kung ako na mismo ang lalayo. Ayoko hahaha sa totoo lang ayoko naman talaga. Pero para sainyo at para sakin nadin. Papalayain kita. Matagal pa bago mo to mababasa. Hindi mo naman kasi alam na sumulat ako para sayo eh. At wala din akong balak ipaalam sayo. Gusto kong sabihin sayong mahal na mahal kita. Gusto kong ipaalam sayong hanggang ngayon minamahal padin kita. Kaso mas lalong magiging komplikado ang lahat. Maybe its still not time. Maghihintay ako hanggang sa maging tama na ang panahon. At sa ating muling pagkikita, sa araw na yun sasabihin ko ng mahal kita at mahal parin kita. Pasensya na kung kinulong kita sa mahabang panahon. Ngayon makakaluwag ka na, baka may natitipohan ka go na. Baka hindi mo lang masabing namimiss mo na siya kasi malalaman ko. Okay then, now that i will set you free, live life to the fullest. Wag mo hayaang mahirapan at masaktan ka kahit sa katiting na bagay lang. Sobrang layo na ng pagitan nating dalawa. Mahirap ng alamin kung kamusta ka na. Mahirap ng ipagtanong kung ayos ka lang ba pero yun lang salamat,

IT.

Future.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon