March 18, 2034
"Happy birthday babs, sorry wala kong regalo" sabi ko kay babs.
"Sanay na ko sayong kuripot ka" Sabi nito.
"Kung ako sayo samahan mo nalang ako doon oh? Picture picture tayo" sabi ko.
"Dalawa lang tayo?" Tanong nito. Tumango ako.
"May iba ka pabang kasama?"tanong ko. Wala naman na kaming ibang kasama eh. Yung dalawang bata kasama si kaykay sa loob ng warehouse.
"Wala na may nakikita ka ba"
"Ikaw ang nagtatanong diyan kung dalawa lang tayo eh" sabi ko. Ngumiti siya. Pumunta na kami doon sa may gitna ng gubat. Nasa kalagitnaan kami ng kagubatan. Trip ko lang pumunta dito.
"Oyyyy si meng!" Sabi niya. Nagiba kasi ito ng direksyon eh.
"Hayaan mo siya babalik din yan" sabi ko.
"Habulin natin babs panganay kong anak yun!" Grabe hahaha pati aso eh. Cute talaga nitong baby babs ko.
"Babalik din yun baka natatae lang gusto ng privacy" sabi ko. Hinampas ako.
"Bahala ka hahabulin ko siya" napairap pa ko kunwari.
"Sige kunin mo na maghihintay nalang ako dito" sabi ko. Nung medyo nawala na siya umalis nadin ako. Sa tingin niyo ba hahayaan kong wala akong regalo kay babs? Siguro sa materyal na bagay wala pero ibibigay ko naman sakanga pagmamahal ko.
-------------------
Ivory.
Sinundan ko si meng. Ang tigas ng ulo ni babs eh ayaw ako samahan nakakainis. Birthday ko panaman tapos umiiral padin katamaran niya. Eh kung mawala si meng diba. Hindi ko na kayang mawala si meng.
"Meng san ka ba nagpupunta" Tumahol ito. Ay may pasagot? Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa isang parang lagoon. Omyghad! Sobrang ganda. At sa taas nito makikita ang malinaw na kulay ng bahaghari. Umulan nga pala kanina pero bat ngayon ko lang napansin tong rainbow? Dapat makita to ni babs.
"Babs! Babs! Tara dito may lagoon!" pagtawag ko habang minamasdan padin ang kagandahan ng imaheng nakikita ko ngayon.
"ayan na parating na" sabi nito. Halata pa sa boses niyang tinatamad siya. Nakakainis to ang tamad tamad.
"Andito na ko" narinig ko pa siya na bumulong sa tenga ko mukhang timang lang.
"wow ang ganda nga" sabi niya. "pero mas maganda babsy ko" dagdag pa nito. Anlahhh plasticcc. Naalala ko kami na nga pala noh? Hahahahahha jk.
"baby pakinggan mo nga kung gumanda boses ko" sabi niya. Baby daw oh. Kinilig ka naman.
Baby i, dancing in the dark with you between my arms
Barefoot on the grass
Listening to our favorite song
When i saw you in that dress looking so beautiful
I don't deserve it darling you look perfect tonight...Hindi ako naniniwalang boses niya yun kaya ako lumingon. At sa aking paglingon,
"Hi baby!" kumaway kaway pa ang may bitbit ng bouquet ng roses. Oemgee!!!! "Simple gift but full of love" sabi niya at kumindat pa. Maypa coat pa ang kuya mo.
*arf arf* napatingin kami kay meng na papalapit. Ung music tuloy tuloy pero ang bagal. Parang pangkasal ung dating eh.
May kinuha si babs galing kay meng na ndi ko napansin kung ano.
"Babs, Babsy, Babe, Baby ko, Mahal, Ivory, Ivy, Aeschylus, Aes o ano pa yang scientific name mo. Alam kong madami na tayong pinagdaanan. Simula nung mga panahong kabataan palang alam kong madami nang times na nasaktan kita. Sorry kung hindi kita napanindigan nung mga araw na yun dahil sa takot ko. Naging duwag ako sa mahabang panahon pero tignan mo naman, Akala ko nung pinaghiwalay tayo noon susuko na ko kasi siguro hindi nga tayo para sa isa't isa pero God is so Great. After all that we've been through ikaw padin ang kaharap ko. Ikaw parin ang nakasama ko. Ikaw padin ang first love ko biruin mo yun?" ung puso koooo!!!!!
"Aes, Wala ng oras para magpakipot pa ko. Hindi na ko magiging pabaya sa relasyong ito. Kung kinakailangang maging akin ka gagawin ko. Ivory Aeschylus Tolentino..." Lumuhod siya sa harap ko.
"Magsisintas lang ako saglit" PUTEK PAIYAK NA KO EH! T.T
"Joke lang nagtanggal lang ng kaba. Pero again, Babsy ko, Will you marry me?" hanudawww? HANUDAWW!!!????? MYGHAD!!!!!
"Parati namang yes eh" sabi ko at tuluyan ng kumawala ang masasayang luha sa mga mata ko. Sinuot niya sakin ung singsing at niyakap ako....
----------------------
March 28, 2034
Sampong araw na paghahanda para kay Ivory at sa mga kamag-anak nito. Mabilis lang ang paghahanda nila sapagkat nakaready na ang lahat kay carlo. Oo nalang ang hinintay nito. Ngayon, ang pinakahahantay nilang araw ay dumating na. Lahat ng bisita ay masasayang dunating. Mga abay ay aligaga sa paghahanda.
Ang bride kinakabahan pero sobrang saya niya sa bawat pangyayari.
Si carlo, mas masaya kasi dumating na ang matagal niyang pinangarap.
Lahat sila kitang kita sa mga mukha ang ligayang dinadamdam para sa dalawang ikakasal.
At nakita kita, sa tagpuan ni bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan, sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo....Dahan dahang iniluwa ng pinto ang napakagandang babaeng minahal mula noon pa. Habang kinakanta ng musicians ang Tagpuan ni Moira Dela Torre.
Sa pagiibigan nilang dalawa,
Nagmahal sa hindi pa tamang oras. Andaming pagsubok ang dinanas. Umalis pero muling bumalik. Lahat ng sakit na natamasa napalitan ng ligaya.
Kahit pa sino o ano ang humadlang sa pagiibigan ninyo kung para kayo sa isa't isa, kayo padin talaga.
Characters.
Ivory Aeschylus Tolentino Fortalejo.
John Carlo Fortalejo.
Aezeriah Cristine Fortalejo.
Ico Carsten Fortalejo.
Charlyn De vera.
Adine Roque.
Kaykay Fortalejo.SIGNING OFF.
THE END.
------------------
SO AYUN! SOME FACTS ABOUT THE STORY!
THE MAIN CHARACTERS WERE EXISTING, I JUST CHANGED THE NAMES PARA HINDI HALATA BUT THERE ARE SOME NAMES NA PINALITAN KO LANG NG APILYEDO GANON. PARA SA ISANG TAO TALAGA ANG KWENTONG ITO BUT I'D RATHER SHARE IT TO EVERYONE KESA MABASA NIYA. MASHEKET EH. JOKE HAHAHAHAH YUN NGA THE PAST IS VERY REAL. TOTOONG NAEXPERIENCE NILA ANG PAGHIWALAYIN AT KUNG ANO ANO PA. UNTIL NOW HINDI KO ALAM KUNG ANO MAGIGING FUTURE PERO I HOPE NA SILA MAGKATULUYAN HANGGANG SA DULO. HINDI BIRO ANG LOVE STORY NILA!
UPCOMING STORIES!
FORTALEJO FAMILY (KASUNOD NITONG STORY)
AND...
MY 365 DAYS WITH YOU (CARSCHYLUS LOVE STORY!)
NGA PALA,
ANONG MAS BET NIYONG NAME NG LOVETEAM NILA?
CARSCHYLUS, JOHNSCHYLUS, JOHNVY, CARVORY, JOHNIVY
O KUNG MAY SUGGESTION KAYO?
FEEL FREE TO COMMENT!
THANK YOU EVRYONE! GOD BLESS!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/138274487-288-k179400.jpg)