Aes.
Pangatling araw na namin dito sa baguio. Wala naman na kaming iba pang busines kaya nagstart na kami maggala gala. Pumunta kami ng burnham syempre at nagbike saka pumunta sa mines view tapos botanical garden at iba iba pa. Namitas din kami ng strawberry sa strawberry field syempre. At ngayon andito kami sa sm.
"Ate Aa!" Narinig kong pagtawag sakin. Lumingon ako dun. Hindi ko siya kilala literal hahahha. Kumaway nalang ako. Lumapit sila sakin owww fan pala. Nagpaautograph sila ng librong kakabasa lang nila. Si carlo nagtitingin sa iba. Nagpapicture din sila at hinayaan ko na syempre hahaha.
"bye God bless!" Sabi ko. Napansin naman ni carlo ung pag alis nila.
"Lah sino yun?" Tanong niya.
"Fans?" I said.
"Ahhh sikat ka pala dito" sabi niya.
"Hindi lang dito. Manila at sa iba pa" i said. Hinila niya ko papasok sa isang music store.
"I'm thinking of buying a new baby in my house" sabi niya.
"Well, dito ka na bumili. Mas maganda dito compared sa gricie." Sabi ko sakanya. Nagtitingin siya ng gitara at bass.
"Naglibot ka sa bahay ko diba?" Tanong ko sakanya.
"Yup why?"
"May ndi ka pa napupuntahang kwarto" i said at kinindatan siya.
----------------
Carlo.
Baka akala niya ndi pa ko nakakapunta sa office niya hahaha.
"Hindi naman akk pumasok ng kwarto eh" sabi ko.
"Pumunta ka sa office ko don't me" sabi niya.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko. Alien talaga to.
"May nawawalang libro sa shelf ko. Ano ba angbkinuha mo dun?" Tanong niya.
"Wala naman akong kinuha dun. Nagtingin lang ako" i said. Baka mashookt siya pag nalaman niya na nabasa ko yun. Well sigurado na ko kung para kanino ung diary na yun.
"Ayyy baka nalimutan ko ibalik ung binasa ko" sabi niya.
"Ikaw naman pala eh naninisi ka pa dyan" medyo nakahinga ako ng maayos dun. Buti pala manipis lang yun hahahaha.
"Sorna, so what? Bibili ka ba?" Tanong niya.
"Yes, gusto ko to" sabi ko. Kinuha ko ung puting gitara doon. Tinesting ko muna at maganda ang tunog niya.
"I'll buy this" sabi ko at inabot na sa salesman.
"Sure ka na yan?" Tanong niya. Tumango lang ako at ganun din siya.
"15k" grabe 28 na nagastos ko sa tatlong araw palang dito. Nagbayad na ko gamit atm. Sa tingin niyo may dala ako sa wallet na ganun? Syempre wala.
"Saan tayo kakain?" Tanong niya. Baka kasi alam ko diba.
"Ikaw may alam dito bat ako?" Tanong ko.
"Wag muna pala. Gala pa tayo" sabi niya. Umakyat kami sa third floor. May nagtitinda ng souvenirs kaya hinila ako ni babs dun.
Nagtingin ako ng sukat ng magulang ko at ng inaanak ko. Si babs naman ndi ko alam kung para kanino ung pinipili niya. Nakatalikod ako sakanya eh.
"Kasya ba toh sayo?" Pagtanong niya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Baka kasi kasya sayo. Pag kasya sayo edi mabibilhan ko si kaykay eh noh?" Sabi niya. Lah.
"Malamang para sayo. Nakakainis naman toh"she said. Inirapan pa ako hahaha. Ang cute talaga nito.
"Sorry na po pala. Kasya yan sakin syempre hahaha ito naman"i said. Irap lang balik niya sakin hahahaha nginitian ko nalang siya.
"Ate ito po dalawa" sabi niya. oww binilhan niya talaga ako. Namili din ata siya para kay kaykay kaya ndi na ko nag abala pero dumiretso kami ng fudge rock after nun.
"Pra kanino yang mga yan?" Tanong ni babs.
"Kainino pa ba?" Tanong ko. Inirapan niya ko ulit putek hahahha. May lima akong pair na binili. Binayaran ko na saka kami kumain.
Kumain kami sa mang inasal kasi namiss niya daw kumain dun kasama ako. Dati kasi kumakain kami doon dalawa kasi diba mataba pa siya nun. Tsaka namiss niya na din daw kumain ng unli rice kasi nung nagdiet daw siya nagstoo siya sa kanin.
After namin kumain ito na, nakaramdam na ng pagod ang baboy. Syempre kasi pumayat na siya baboy padin siya sa paningin ko. Baboy ko siyang nakilala kaya baboy siya hanggat buhay siya. Ganun din naman siya sakin eh. May abs na kaya ako. Hahayaan ko ba na siya pumayat tas ako mataba padin? Siyempre hindi.
"Uyyy babs, wake up" sabi ko. Tinatapik ko ung pisngi niya. Hindi siya nagigising. Galaw tulog ulit ginagawa niya kaya binuhat ko nalang siya. Para lang akong nagalaga ng bata dito sa baguio eh.
Pagkahiga ko sakanya sa kama niya nagpalit na ako ng damit. Hindi ko siya pwedeng palitan ng damit kasi baka gahasain niya ko. Joke pero hayaan niyo na siya. Pagkapalit ko sa walk in closet niya naalala ko ung libro. Binabasa ko yun parati habang wala siya or tulog. Andami kasing revelations dun sa libro. Umupo ako at sumandal sa panda niya at saka sinimulang magbasa.
Halaaaa kamo nakakainis ka, talata ka pa diyan! Kinikilig tuloy ako! Omo sana tuparin mo yang sabi mong hihintayin mo ko ah? Tsaka wag ka magalala ndi kita ipagpapalit. Lab kita eh!
Napangiti nalang ako at patuloy na nagbasa. Andami ko ng nabasa minsan malungkot siya madalas masaya hanggang sa napadpad na ko sa color brown na highlight ng page.
Uyyy, babalik ka ah? Wag mo ko iiwan. Hihintayin kita kahit hindi ko alam kung maghihintay ka. Please! Isang linggo na kkng umiiyak dito oh.
Nagbasa p ko ng iba. Expected na to. Expected ng masasaktan siya sa nangyari. I didn't mean to hurt her. Ganito kasi yan. Kinausap ako ng dad niya. At sinunod ko lang ung tatay niya.
Sa bawat date na nakalagay doon halatang sunod sunod na arae siyang umiiyak. Even sa monthsary dapat namin umiiyak siya ang sabi. Awts. Tumayo na ako at bumalik sa higaan saka natulog narin....