Carlo.
Aligaga ngayon si Aes dito sa Cabalen. Inaayos niya lahat ng kailangan. May party kasi ang network niya. Adami ng disciple nito ang angas lang.
Gutom na gutom na ko kaso dahil aligaga siya pag kinausap mo siya baka sigawan ka lang niyan. Ganyan ka bossy eh.
"Nanayyy!!!" May isang grupo ng mga babae sa sumama. Waw isang cell group palang ata to. 28 ata sila.
"Tuloy kayo! Happy hearts day!" Nagbeso beso sila. Alam kong medyo gulat sila kasi may lalaki bukod sa mga nagpeprepare pero umupo nalangsila sa upuan na inilagay para sakanila.
Actually pinagprepare ako ng message nitong si aes eh. Special participation ko na daw. Ang galing talaga nito eh astig. Buti nalang ready ako palagi. Syempre naman ganun talaga pag pinagpala.
Habang tumatakbo ang oras onti onting dumadami ang kababaihan. Grabe andami nila. May mga teenagers may mga young proffesionals at ang ilan may kasamang anak na karay karay nila.
"Good Afternoon everyone!" Masiglang pagbati ni aes. Pinangunahan niya sa prayer syempre at opening remarks. Tas napagdesisyunan na kumain na muna bago magsimula. Tinawag niya yung ilang mga alaga niya para daw ipakilala niya saakin.
"Nanayyyy ikaw ah! Ang gwapo naman!" Pagbati sakanya nung isa. Napangisi lang ako.
"Nubakayo! Bestfriend ko lang yan si Carlo nga pala taga olongapo yan. Primary nadin" pagpapakilala ko.
"Si Katelyn, Jenny, Rina, Tammy. Sila ung kasama kong nagaral / una kong nilead dito sa baguio" sabi niya.
"Si Eng. Carlo Fortalejo po" nakipagshakehands ako sakanila.
"Wow, bigatin!" They said. Nginitian ko lang sila.
"Magkaidad lang ba kayo ni Ivy?" Tanong nila.
"I'm ten months ahead" i said.
"Kapiranggot lang pala agwat eh! Ndi mo ba natitipuhan si naynay?"
"Ansungit kasi niya ni ivy, andami daming manliligaw tas binustes lang lahat" sabi nung tammy.
"Hahaha we can say kagusto gusto siya pero i'm not yet ready." I said. Napa oww sila.
"Oh maybe God's preparing the both of you for something!" Sabi ni Rina. Nginitian ko nalang sila at nakakwentuhan pa saka kumain nadin.
After kumain ng lahat naggather na sila sa hall. At ang dami talaga nila nakanerbyos.
"So syempre before we start with our activity! Kailangan muna natin ng Word of God to guide us. I present you my friend from Crown of Glory Griciella. He was also a leader there and now sinasamahan niya ako. Eng. John Carlo Fortalejo" palakpakan silang lahat.
"Hello! What a blessed day for everyone of you! Grabe andami niyo and we know na dadami pa tayo tama ba?" Naghiyawan sila. "So now, i want to ask you a question. Kahit isa or dalawa lang pwedeng sumagot"
"Sa paanong paraan mo maibabahagi na mahal ka ni Lord? Kunwari, Kasi sobrang positibo ng buhay ko ganon. Paano? Any volunteer?" Tanong ko. May isa ng lumapit.
"I'm fearfully and wonderfully made!" Palakpakan ang lahat.
"Tama, sino pang gustong sumagot?" Tanong ko ult. May dalawa pa.
"Kasi damang dama ko ung presensya niya sa buhay ko! Sa pamilya ko!" Sabi pa nung isa.
"Eh si ate?" Tanong ko.
"Sakin, I can feel his love because there's a lot alof trials and challenges sa buhay ko and i'm still alive!" Mas bet ng lahat ung sagot ni ate. "Thank you you may now take your seat" i said.