Aes.
Malapit na kami sa Griciella dahil nga sa SBMA kami sasakay. It's April 9 at io na nga. Goodbye Philippines na. Goodbye Carlo na hahahaha.
Dadaan ako sa bahay niya muna. Tutal iba naman ang van namin ni cloud. Si cloud nagpresinta na maghatid sakin kasi alam niyang pag sumakay ako sa van ni sir h ndi ako papayagan dumaan kina carlo. Tsaka diretso daw siya SBMA para mag swimming.
Pagkababa namin. Pinapasok ko nadin si cloudy muna. 10 pa naman ang flight eh ang aga pa. 9:30 palang kaya. May 30 mins pa.
"Ma'am!" Pagbati ni kaykay at niyakap pa ako. Sumalubong naman si meng kay cloud dahil kilala niya ito at pagkatapos ay dumiretso sakin.
"Si carlo?" Tanong ko.
"Tulog pa po. Madaling araw na po siya umuwi kagabi eh. May nagpasama po ata sakanya kagabi" sabi niya.
"Saan naman nagpunta? At sinong kasama?" Tanong ko. Nakaupo na si cloudy at nanood na at ako andito padin nakatayo.
"Si Ma'am Charlyn po. Hindi ko po alam kung san sila nagpunta basta po mga 3 na po siya nakauwi" medyo kumirot ung puso ko sa narinig ko.
"Normal ba yun sakanila?" Tanong ko. Kaya pala pinatulog niya ko agad kagabi :/ may lakad pala silang dalawa.
"Hindi po mam" sabi niya. "Oops mam ndi nga po pala pinapasabi ni sir. Concern lang po ako hehehe" tumango ako.
"Dyan ka muna cloud ah" sabi ko. Umakyat ako sa kwrto niya. May susi ako syempre.
"Bye for a while" sabi ko habang tinitignan siya. Nabigla ako nung tumaas ung kamay niya t hinatak ako bigla. Akala ko gising na siya pero ndi pa. Nakadamit pa siya ng suot niya kagabi dahil panlakad ito. Lasing ba to? Luh ndi pwede. Nagulat ako nung nilapit niya mukha ko sakanya saka idinikit ang labi niya sakin. Halaaa! Akala ko alaga gising na siya. Pero baka nananaghinip lang.
"Mahal kita" sambit pa nito. Tumayo na ko at tinitigan siya habang may sinasabi pa na ndi ko maintindihan. Para alaga siyang lasing.
Nakita ko ung phone niya na tumunog kaya tinignan ko.
Thank you kagabi :) napasaya mo ko :)
Wth. Anong ginawa nila kagabi? Hala. Lasing ba siya? Nung pagkabalik ko sa messages may nabasa akong message ni pas.
Kung dry ka talaga ndi natin mapipigilan yan. Ako na muna maghahandle sa ministry. Linisin mo muna ung puso at spirituality mo. After 2 months balik ka ah?
Syet. So lasing talaga siya. Ano bang problema nito? Sa may gilid pa ng table may papel na nakalagay.
Dear Fortalejo,
Baka nalimutan niyo nang may atraso pa kayo samin? Walang gaguhan dito. Give me 150 k. Bayaran niyo lahat ng utang niyo. Hindi ako tanga para palamapasin yun. T hindi din ako tanga para magjoke about sa tubo. Ilang taon na yun kaya malaki na ung tubo. Salamat mga gago
Wth? Mas lalong wth to. Nakalagay ung address at atm no. Nung nagsulat. Pinicturan ko ito at umalis na. Bat ndi siya nagoopen sakin? Loko talaga to.
Pagkababa ko tinawag ko na si cloud para lumayas na kami. Naalala ko ung halik niya. Haysss bat kailangan maglasing? Oonga pala nagpaakyat ako ng gamot kay kaykay at sinabing wag sabihin na dumaan ako dito.
"Cloud may sinend akong screenshot pwede pahanap mo ung about dun? Tignan mo kung totoo ba talaga ung sinasabi nung letter kasi mamaya scam lang pala" sabi ko. Tumango siya.
"Chat mo ko agad pag totoo ah?" Sabi ko. Sakto pagdating namin e kami nalang hinihintay.
"San pa kayo nagpunta?" Tanong ni sir.
"May dinaanan lang po" sabi ko. Kinuha na gamit ko at magpaalam na ko kay clod saka sumakay ng eroplano.
------
First stop. Malaysia. Sakto daw ang dating namin. Grabe! Hindi ako ready! Pabyahe na kami papunta sa show na yun at may 30 mins daw na retouch bago magshoot. Kaloka!
----
Natapos din. Hindi naman pala mahirap. Pauwi na kami ngayon sa hotel at bukas babyahe na kami papuntang japan. Andami pa naming iikutin myghad kaya naka private plane na kami eh!
Cloud:beks!
Me: oh?
Cloud: confirm! Ung utang daw na yun pampaaral kay carlo nung college. Hindi alam ni carlo yun beks magulang niya lang. Pero kay carlo daw sinend para malaman niya.
Me: magkano ung original na presyo?
Cloud: 30 k lang beks. Kaso antagal na eh kaya tinubuan na.
Me: okay. Cloud! May isesend akosayong pera tas send mo dun sa utang tapos bigay mo kay kaykay ung resibo ah.
Cloud: sure and sure!
After nun bumaba ako para humanap ng atm. At ng makahanap ako agad ako nagsend kay cloud. May tiwala ako sa lalakig yun. Magkaklase din kami ng college eh.
Kaya siguro uminom si Carlo. Ang alam ko kasi sakto ang budget niya para sa araw araw nilang kailangan. 100k? Ibibigay niya nalang ng ganun? Yun ang pinoproblema nun. Tsaka ung ndi niya alam na may itang na ganun kalaki ung magulang niya. Nakakalungkot yun syempre.
Pero ndi din ako mapakali. Uminom lang ba sila? Baka mamaya nalasing ta ano. Tas... Ano. Hoy aes! Ndi naman siguro gagawin ni carlo yun diba? Hindi maaari. Hindi pwede. Hindi kasi ako papayag.
Carlo: akala ko ba dadaan ka dito? Bat sa mydy mo andyan ka na? :(
Me: sorry babs! Ndi kasi ako pinayagan ng boss ko.
Carlo: hayss kamusta naman dyan? Nakapagpahinga ka ba?
Me: yes i'm fine. Maya mayamg mga 12 babyahe na kami pajapan naman.
Carlo: ayt baka kailangan mo pa ng pahinga matulog ka muna?
Me: lah saglit palang kita nakausap eh.
Carlo: okay lang naman sakin ang mahalaga makapagpahinga ka.
Me: bat? May lakad ka ba?
Carlo: lah wala naman. Pero baka mas kailangan mo yun?
Me: ibig sabihin nasa bahay ka lang simula pag alis ko?
Carlo: yes.
Me: ndi ka lumabas?
Carlo: lumabas ako ng bahay pero sa garahe ko lang.
Me: Ahh okay. Ikaw ba kamusta?
Carlo: buhay na buhay pa kahit nabubulok na dito sa bahay.
Me: wala namang problema sa buhay?
Carlo: wala. Masayang masaya.
Bakit ang sinungaling mo :( bakit kailangan itagong uminom sila?
Me: bat hindi ka makihalubilo sa friends?
Carlo: eh wala naman akong friends. Joke ndi ko sila feel.
Me: weh? Kay partner mo?
Carlo: nukabanaman babs wala akong interest na makihalubilo sakanya. Tsaka wala naman kaming communication unless about sa work.
Me: ay ganun ba? Haha😅 sige pala babs pinapatulog na ko.
Carlo: goodnight babs ingat ka!
Ansakit lang kasi ndi niya sinasabi sakin. Ganun padin siya kagaya dati. Nagtatago padin. Ano bang kailangan itago sa pakikipagkita kay cha? Anong klase yun? The worst. Nakipaginuman pa.
Hayss bahala na. Matutulog na ako.
VOTE! VOTE! VOTE!