Ivory.
Andito na ako sa baguio. Nakakamiss since isang taon ko rin itong iniwan. Malinis padin syempre may room service to. Dito na muna ako dumiretso. Matutulog muna ako para may lakas ako pag balik sa griciella.
Wait magcheck lang ako ng messenger.
JC: are you home?
Me: Pahinga muna then punta na ko dyan.
Jc: ngeks gusto mo para ndi ka na mapagod ako nalang pumunta dyan?
Me: kaya nga magpapahinga diba. Namiss ko na dyan eh. Tsaka si meng!
Jc: edi dadalhin ko nalang sya dyan. Kasi mas madaming mapaggagalaan diyan.
Me: oww? Like dito na ko lumaki so napuntahan ko na lahat ng galaan dito.
Jc: Mas malamig diyan. You know summer.
Me: bat ayaw mo ko papuntahin diyan? Naghihirap ka na ba?
Jc: ayoko lang na mapagod ka pa.
Me: hayst bahala ka. Basta magpapahinga muna ako.
Jc: okay! Sleepwell!
Pero ndi talaga ako magpapahinga. Mamaya na. Ichachat ko si kaykay.
Me: Kay? Anong meron diyan kila carlo? Bat siya nagpupumilit na magstay ako dito? Wala naman sigurong tinatago yun diba? Hehehe.
kk: nako po ate.
Me: bakit? Meron ka pa bang ndi nasabi sakin?
Kk: ano po kasi ate eh. Si adine po.
Me: anong meron? Ikakasal na ba sila?
Kk: hindi naman po. Pero si adine po kasi nagsestay dito sa bahay. Kinausap ko na nga po si sir na babalik ka ano nalang sasabihin mo pag nalaman niya. Wag ko nalang daw po sabihin.
Me: haysss ano ba talagang meron sakanila kay?
Kk: hindi ko po alam eh. Ang clingy po kasi nung adine eh. Parati niya po pinagluluto si sir. Wala na nga po akong kwenta Dito. Tas minsan ginagala niya din si meng. Feel at home na at home po siya eh. Para na nga po silang magasawa eh. Pero si sir po normal lang umasta.
Me: Bat kaya kailangan itago sakin?
Kk: siguro po ayaw niya lang na masaktan po kayo. Actually ayw po talaga ni sir na malaman niyo siya nalang daw po magsasabi. Parang live in po sila eh pero ndi naman.
Me: pwe. Alam mo na ang kakaibang side ko kay. Warningan mo na yang pinsan mo.
Kk: hindi nga po nasasabihan eh.
Me: hayaan mo ako bahala. Nga pala, wag mo hayaan bunyahe papunta dito si carlo. Otw na ko diyan. Ako bahala. Wag ka din magsasabi na papunta ako para surprise.
Kk: sige po ate inagt ka😘
So ito kinailangan umalis agad. Tuturuan ko lang ng leksyon ung adine na yun.
--------
After 5 hours nakauwi nadin ako. 1 na saktong lunch. At malamang saktong naglalunch na sila. Diretso akong pumasok sa bahay not minding them kung magtaka kung bakit ako naririto.
Mukhang kumakain sila ng lunch. Paakyat sana ako para tignan ung kwarto ko kasi baka naagaw na eh. Basag trip lang si meng kasi nakita niya ko kaya tumakbo siya agad sakin. Niyakap ko siya. No choice at magpapakita na ako agad. Meng talaga miss na miss ang mommy.