SAM'S POV
“Mr. Lee? Miss Villamor? Is there any problem?”
Nagulat akot agad inalis ang pagkakahawak ni Jacob sa kamay ko dahil sa ma autoridad na pagsasalita ni Mrs. Kim.
“Wala po Ma’am” sagot ko, saglit naman niya akong tinitigan at ganun din kay Jacob. Nakatingin din lahat ng kaklase namin at si Anica naman ay parang sasabog na dahil sa sama ng tingin. So classsmate ko pala ang bruhildang ito?
Nagbalik na sa pagtuturo si Mrs. Kim kaya nakahinga naman ako ng maluwag.
“Hoy ikaw bakit ba bigla ka na lang nanhahawak ng kamay ha?!” pabulong na tanong ko kay Jacob
“Wala. May pasa kasi kaya tinignan ko lang” sagot naman niya
Napatingin naman akot oo meron nga. Hindi kaya nung nahulog ako nito? Hayss. Ahh kaya ba hinawakan niya kasi baka may damage na?? Ang OA mo Sam!
Lunch na at nakaupo ako dito sa Cafeteria mag-isa. Sanay na ako at mas gusto ko to kasi walang papakealam saakin.
Nakatingin lang ako sa bintana ng biglang may umupo sa harapan ko.
Teka parang nakita ko na to kanina ah.
“Hi I’m Ethan Morales, you’re right ako yung nakasalubong mo kanina sa classroom” pakilala niya.
Mind reader ba siya??
Oo siya nga yun. Naaalala ko na.. Pero ano raw? E-ethan???“You’re Ethan?????” tanong ko at tinitigan siya
“Yes, Ethan Morales”
Oopss. Mali. Samantha tumigil kana nga! Panu naman babalik si Ethan eh wala na siya! Magkapangalan lang sila yun lang okay! Haysss
Napabuntong hininga naman ako at napatitig sa bracelet na ibinigay niya. ‘I miss you’
“And you are?” tanong niya kaya nagbalik naman ako sa realidad at ngumiti ng tipid
“Samantha Villamor” sagot ko
“Pwede ba akong sumabay ngayon sayo sa lunch?” tanong niya
“Nakaupo kana, kaya wala na akong magagawa” sagot ko. Napatawa naman siya ng tipid
“What’s funny??” iritang tanong ko
“Haha wala. It’s just napakastraight to the point mo kasi. Kakaiba” sagot niya at ngumiti.
Porket magkapangalan lang kayo ni Ethan ko magiging nice na rin ba ako sayo? Tss. Bingwasan kita jan eh.
“Well well well, isa kang haliparot na babae. Pati ba naman si Ethan namin aahasin mo? Gosh! You are so landi!” sigaw ni Anica na nakatayo ngayon sa harapan namin kasama ng mga alipores niya. Ano bang problema ng babaeng to?!
“Stop being so childish. Malaki kana” sagot ko na lang
“What?! Ako pa ang childish! Damn you! ” sigaw niya. Lahat na ng tao dito sa cafeteria ay nakatuon na ang atensyon nila saamin.“Anica ano bang sinasabi mo jan? Tumigil kana nga” bulalas naman ni Ethan
“Bebs Ethan! This girl is so malandi. I can’t bear looking the both of you-”
“Stop okay!” sagot ni Ethan
Napasinghap naman ang mga tao. Napadabog naman si Anica na umalis at tinignan ako ng masama.“Are you okay?” tanong ni Ethan
“Bakit naman hindi?” sagot ko at tumayo na
“Wait sa ka pupunta??” tanong niya saakin
“Could you just back off man! and don’t follow me” sagot ko
I hate getting in touch with other people mas lalo lang magiging mahirap ang lahat
Pumunta ako sa garden kung saan kami pumunta ni Jacob noon
Naglalakad ako dito sa field at hindi ko inaasahang makita ang dalawang taong naghahalikan sa side ng gym. Wtf? Ganito ba sila ka PDA?! Linagpasan ko sila at hindi ko inaasahang marinig si Anica..“Jacob promise me layuan mo na yung babae na yun! Ayoko sa kanya at alam mo bang nakikipaglandian siya kay Ethan kanina!” reklamo ni Anica.
So it was Jacob and Anica? Sila yung naghahalikan. Mga parehong malandi! Hayss kabuseeettt!!
Binilasan ko na ang paglalakad dahil ayoko ng makarinig pa ng kahit anong sasabihin nila.
Pero hindi ko sinasadyang mahagip ang isang flower vase dahilan para mabasag ito at lumikha ng ingay. Shet lang!“Oh? The bitch hahaha” narinig kung tawa ni Anica. Lumingon naman ako at ngumiti ng plastic!
“Oh. Naku hindi ko sinasadyang ma istorbo kayo sa KALANDIAN niyo” sagot ko at diniin ko ang salitang KALANDIAN at tumitig kay Jacob. Wala namang ekspresyon ang mukha niya at nakatitig lang din saakin.
Nakasabit naman ang kamay ni Anica sa braso ni Jacob at sinamaan ako ng tingin.
“What did you just said?!” sigaw ni Anica
Nginitian ko na lang ulit sila yung ngiting mapang asar at saka ko na sila tinalikuran.
Eh mas haliparot naman pala ang babaeng yun eh!
Ang sarap niyang ingudngud sa bowl!
Haysss!!! Bakit ba ako naiinis?! Ano naman kung naghahalikan sila diba?!
Isa pa yung Presidenteng yun isa ring malandi! Nakakainis lang eh noh! Kaasar.
“Bakit ka nakabusangot jan?” biglang sabi ng isang lalake sa likuran ko at si Jacob yun .
“Anong ginagawa mo dito?!” iritang tanong ko
“Nakalimutan mo atang ako ang nagdala sayo dito?” sarcastic niyang tanong
“Yeah right” sagot ko at inirapan siya
“Bakit kaba nag iisa?”
“Pwede ba?! Wag mo nga akong pakealaman! Umalis ka nga dito!” sigaw ko pero hindi manlang siya natinag at umupo sa tabi ko
“Akin na yang kamay mo” wika niya
“At bakit?!” mataray na tanong ko
Nagulat naman ako ng bigla niyang hinigit ang kamay ko
“Teka nga-”
“Gagamutin ko lang” sagot niya at parang umayon naman ang kamay ko at hinayaang ginamot niya ang namamagang pasa at gasgas nito.
Seryoso lang siyang ginagamot ang kamay ko samantalang nakatitig lang ako sa kanya.
Ngayon ko lang siya matitigan ng malapitan. May mahahaba siyang pilik mata, mapupungay na mata na bumagay sa eye glasses niya. May matangos na ilong, magulong buhok pero ang hot tignan at..at ang mapupulang labi niya na kaakit akit. Bakit parang ang gwapo niya! Huh! Ano ba yan kung ano anong pinagsasasabi ko!
“Tapos ka na bang pagmasadan ang gwapo kung mukha?” nakangising tanong niya. Bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat, napatingin ako sa kamay ko at tapos na niya itong gamutin pero nakahawak padin siya dun kaya napahigit naman ako sa kamay ko.
“A-ano?! Ikaw? Gwapo?! At saang banda naman!” sigaw ko sa mukha niya. Napatawa naman siya
“Eh bakit ka nauutal? Namumula narin ang mga pisngi mo haha” wika niya.
“H-huh?? Eh wala namang silong dito noh! Kaya mainit! Hayss maiwan na nga kita!” sigaw ko at nagmadaling umalis.
Pumunta ako sa Cr at tinignan ko ang sarili ko dun. Sobrang pula ko na nga! Napatitig naman ako sa kamay ko na may band aid na. May good side din pala siya.
Huh?! Ano raw.?! Masama siya Sam wag kang padadala sa mokong na yun!
Naglalakad na ako ngayon sa hallway at hindi ko inaasahang mqy nakita akong isang lalaki nag may tattoo ng dragon sa kanyang braso at nanggaling ito sa Principals office. Nagmamadalimg sumakay ito sa sasakyan niya at pinaharurut na ito
Teka kilala ko yung tattoo na yun..
Anong ginagawa niya sa office ng Principal???
BINABASA MO ANG
#Expect the Unexpected (On-HOLD)
Teen FictionMay mga bagay talaga na kaya tayong baguhin, kung ano tayo noon at kung ano tayo ngayon. Samantha Villamor, isang babaeng nagkaroon ng isang bangungut sa kanyang buhay na kailanma'y hinding hindi niya makakalimutan. Ito ang bumago sa kanya, at ito...