Chapter 11

277 9 0
                                    


Isang nakakasilaw na liwanag ang gumising saakin. Napamulat ako at bumungad ang bintanang nakabukas at tanaw ang ibang mga puno rito. Maaliwalas ang kalangitan at may ibang mga ibon ding nagsisiliparan.

Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Para akong sobrang pagod na pagod, ni hindi ko magawang igalaw ang mga daliri ko. Nananaginip ba ako?

Ang sakit ng katawan ko. Ang sakit ng ulo. Nakakahilo!

“Omygod! Yna dali! gising na si Sam!” rinig kung sigaw ng isang babae kaya agad akong napatingin sa kanya. Kattie?

“Sam! omygod! sobra kaming nag alala sa’yo! kamustang pakiramdam mo? may masakit ba? ano?” dere deretsong tanong nito saakin.

Lumapit din agad sa pwesto ko si Yna.

“Sam! mabuti’t gising kana” saad nito at umupo sa tabi ng kama ko.

Napaikot naman ang tingin ko at nasa dorm kami.

“A-anong..” parang may nakabara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita ng mabuti

“A-anong nangyari sakin?” tanong ko

Hinawakan naman ni Kattie ang kamay ko kaya parang bumalik ang pakiramdam ko. Pinilit kung tumayo pero pinigilan nila ako,at kasabay nun ang biglaang paghapdi ng likuran ko.

“Naku Sam, mahiga kana muna. Hindi mo ba naaalala ang nangyari? Dipa may dumakip sayo, dumating si Jacob para iligtas ka pero ikaw tong nanligtas sa kanya ng papaluin na sana siya ng baseball bat.” paliwanag nito.

Naalala ko naman bigla ang nangyari. Hayss kaya naman pala.

“Mabuti na lamang at nahanap ka namin noon, kasama ko si Ethan at Yna. Nagpatawag na kami ng guards at may dumating ding mga pulis. Kaya lang nagsitakbuhan yung mga barumbado tapos ayun, nakita ka namin nakahandusay na walang malay habang buhay buhat ka ni Jacob. ” dagdag pa nito.

“N-nasaan na si Jacob?”

Biglang nagkatinginan ang dalawa at binigyan ako ng kakaibang tingin.

“May problema ba?” tanong ko ulit

“Haha wala, kagigising mo lang siya na ang hanap mo haha. Wait alam mo bang 3 days kang nakatulog, nagpatawag ang school ng doctor at nacontact na rin ang parents mo. No worries, mabuti na lang okay kana, kailangan mo lang magpagaling ng ilang weeks para maibalik na ang sigla mo” paliwanag ni Kattie

Napatango tango na lang ako.

“Speaking of your cuttie, ahm araw araw ka lang naman niyang dinadalaw at alam mo bang tuwing after class laging nandito yun. Binabantayan ka palagi tapos-”Hindi natuloy ni Kattie ang sasabihin niya dahil biglang tinakpan ito ni Yna .

“Ang daldal mo talaga!” reklamo ni Yna

Napaisip naman ako. So tatlong araw akong walang malay? napatingin naman ako sa swerong nasa tabi ko. Hayss. At si Jacob hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya.. kung hindi siya dumating baka wala na sana ako ngayon.

Kahit papaano nag-aalala rin pala talaga saakin sina Kattie at Yna.

“Kattie”

“Yna”

Sabay silang napatingin saakin

“Maraming salamat sa pag-aalaga saakin” bigkas ko kaya agad naman nila akong yinakap

“Sus to naman!” tawa ni Kattie

Naghagikgikan na lamang kami at pinakain na ako ng lunch. Maya maya pa nagpaalam na sila saakin dahil may mga klase pa sila. Excuse naman daw ako sa lahat ng subjects ko.

Napapaisip ako sa mga taong dumakip saakin. Mukhang mga mag-aaral lang din sila at malakas ang kutob kung nasa Soul Academy din ang mga ito.

Agad akong napatingin sa pintuan ng biglang bumukas ito at bumungad ang lalaking kanina ko pa gustong makita..

Jacob.

“How’s you condition?” bungad nito habang naglalakad papunta sa tabi ng higaan ko. Umupo ito at tinitigan ako na walang ekspresyon ang mukha.
Nakasuot ito ng eyeglasess niya at ganun parin ang buhok niya magulo na siyang nagpagwapo sa kanya lalo-opxs?!

“Bentang benta na naman talaga ang kagwapohan ko sa’yo” biglang sabi nito at bahagya pa siyang napangiti at sumilay ang mapuputing ngipin nitong pantay-pantay.

Tangina bakit ang gwapo niya ngayon?!

“Hahaha”
Para naman akong nagbalik sa realidad ng bigla itong tumawa.

Ano bang pinaggagagawa ko?!

“Ahem. ” panimula ko

“Hindi ka naman gwapo. Asa!” sagot ko at inirapan siya. Bakit ba napakahangin ng lalaking to?

“Nagpunta agad ako dito when I heard na gising kana. You don’t have to do that Sam” ngayon naman ay seryoso na siya.

Ang alin?

ang pagsalo ko sa baseball bat?

“You don’t have any idea kung paano ako nag-alala sa’yo. Promise me you won’t do that again” dagdag pa nito.

Halos malaglag naman ang panga ko sa mga sinasabi niya. Parang may naglalarong paru-paro sa tiyan ko.

Nakatingin ito sa baba habang nakayuko at bigla na lamang itong inangat ang tingin at direktang tumingin sa mga mata ko. Sa pagkakataong ito nababasa ko sa mga mata niyang..nag aalala nga siya ..pero bakit?

“You saved my life. I should do the same, that’s why.” sagot ko

“No, you saved me Sam. And fuck! why did you have to do that. You drive me crazy Sam, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa’yo” sagot nito at naglakad na paalis.

Na speechless naman ako at nakatingin lang sa pintuan na dinaanan niya nagbabakasakaling papasok ulit ito pero wala..umalis na siya.

You left me having this question mark on my mind.

Why are you doing this???? Why??


You’re wrong Jacob. You are the one who’s driving me crazy.

#Expect the Unexpected (On-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon