Everything went back to normal like nothing happens last night. I woke up early and tahimik pa ang lobby nang bumaba ako. I only see the crews busy doing their jobs at nag gregreet pa sila ng good morning pag nalalagpasan ko sila.
I am wearing an oversize shirt and denim shorts plus simple footwear. I left my cellphone in our room kasi gusto ko lang muna mag unwind sa dagat. As far as I remember mga 5:30 am noong lumabas ako ng room. Medyo madilim pa sa labas kaya dumeretso muna ako sa Cafeteria for a cup of coffee.
"Miss Villamor?"
I turned to see the person who called me. Our Teacher Lady Maricar
"Yes ma'am" I answered.
She invited me to have a cup of coffee with her.
" I heard what happened last night are you okay?" My teacher asked.
"I am fine and there's nothing to worry about."
"Good. I woke up early kase I reported the incident last night. I am sorry for what happened. Ngayong trip lang may nangyaring ganyan. And sayo pa nangyari knowing you are new to our school" dagdag pa nito.
"It's okay ma'am. May I excuse myself, there is something I need to do" paalam ko kaya tumango lang ito.
Lumabas na ako sa hotel at naglakad papuntang dagat. Damang-dama ko ang malamig na yakap ng hangin. Napayakap naman ako sa sarili ko at umupo sa bato habang tumatampisaw ang paa ko sa malamig na tubig alat. Hindi pa lumalabas ang araw pero unti-unti ng lumiliwanag.
Napakaganda talaga. Inikot ko naman ang paningin ko sa tabing dagat at may mga ibang tao na rin na naglalakad.
Pinikit ko ang mata ko at dinama ang hangin.
Ramdam ko naman ang pagsilay ng araw sa aking mukha.*Flashback*
"Ivy!!"
Kasabay nun ang pagbato sa aking bintana.
Excited naman akong tumayo sa higaan ko habang nakasuot ng pajama at mabilis na binuksan ang bintana. Kitang kita ko ang nakangiting si Ethan.
"Shhhh" pinatahimik ko ito kasi baka magising ang Mommy at Daddy ko.
Kunwari zinipper naman nito ang kanyang bunganga at humagikgik. Sinenyasan na nitong bumaba na ako para maabotan namin ang sunrise.
We always do this tuwing umaga at tuwing hapon. Paborito naming panoorin ang pagsinag at paglubog ng araw.
Nakasakay naman ako sa likod habang nagbibike ito si Ethan.
"Bilisan mo naman Ethan baka d natin maabotan!!" Asal ko
"Ikaww kase kanina pa ako sa harap ng bintana mo pero ambagal mo gumising! Hmm" sagot nito
BINABASA MO ANG
#Expect the Unexpected (On-HOLD)
JugendliteraturMay mga bagay talaga na kaya tayong baguhin, kung ano tayo noon at kung ano tayo ngayon. Samantha Villamor, isang babaeng nagkaroon ng isang bangungut sa kanyang buhay na kailanma'y hinding hindi niya makakalimutan. Ito ang bumago sa kanya, at ito...