May naaninag akong isang lalaki..pero hindi ko mawari kung sino ito dahil masyadong malabo ang kanyang mukha at masyadong nakakasilaw ang ilaw na nakikita ko.
“Ivy..”
Sa boses pa lang ay kinilabutan na ako..E-ethan? sinusundo mo na ba ako? Ramdam ko ang pagdaloy ng luha ko sa aking mga mata.
“Ivy..kaya mo yan...maging matatag ka..nandito lang ako lagi sa tabi mo..natatandaan mo pa ba yung pangako ko? proprotektahan kita kahit anong mangyari.”
Mas lalo naman akong napahagulgol ng marinig ko ang boses niya. Sobrang miss na miss na kita Ethan..
“E-ethan..”
Bigla siyang hinawakan ng mga barumbadong kalalakihan. Marami sila st hindi makapalag si Ethan..
“Bitawan niyo siya!“ sigaw ko pero hindi nila ako pinapansin at tinatangay na nila paalis saakin si Ethan..At kitang kita ko ang nakaguhit na dragon sa kanilang braso na siyang nagpa init ng ulo ko.
“Ethan!!” sigaw ko ng bigla na lamang paluin si Ethan gamit ang baseball bat. Kitang kita ko kung paano ito humamdusay sa sahig at duguan ang kaniyang ulo at nagsusuka ito ng dugo.
**
Agad akong napamulat at bumungad sakin ang isang magulong bodega.Panaginip lang pala.. Nakasuot parin ako ng damit ko sa ball kanina..Teka bat ako nandito? Inikot ko ang paningin ko at wala akong makitang tao.
Nakagapos ang mga kamay at paa ko at may nakalagay na tape sa bunganga ko kaya hindi ko magawang sumigaw. Bakit ganun? nangyayari na naman ang kinakatakutan ko..bakit nandito na naman ako?
Ang pagkakaalam ko kasayaw ko si Ethan kanina..tapos hinabol ko siya at biglang..
wala na akong maalala..
“Oh! gising kana pala hahaha” rinig na rinig ko ang tawa ng isang babae. Nakasuot ito ng gown at halatang galing lang din ito sa ball. Naka mask ito kaya hindi ko mawari kung sino siya..
“Samantha, you deserve this. ” bulalas nito at sinampal ako ng malakas. Naramdaman ko ring parang dumugo ang labi ko.
Agad naman niya tinanggal ang tape sa bunganga ko.
“Well napalakas ata ang pagkakasampal ko sa’yo? hahaha” tawa ulit nito.
“Ano bang kailangan mo?” matapang kung tanong. Walang saysay kung sisigaw pa ako wala rin namang makakarinig saakin.
“Dear, hindi mo alam ang kinababangga mo” bulalas pa nito. at lumapit pa sa pwesto ko
“Does it matter?” sagot ko
“So..matapang ka pala talaga haha” sagot nito kasabay nun ang pagsampal na naman niya sa kabilang pisngi ko.
“Ahh!” napasigaw ako sa hapdi at dumudugo na nga talaga ang labi ko
“Yun lang ang kaya mo? hahaha how weak” pinilit ko kung tumawa kahit masakit na ang magkabilang pisngi ko.
“Sige lang! tumawa ka lang dahil sigurado akong hindi mo magugustuhan ang gagawin nila sa’yo hahaha” tawa rin nito at saka ako inirapan.
“Boys!” sigaw nito at pumasok sa loob ng kwarto ang mga lalaking nakamaskara. Panay naka damit ang mga ito ng black at wala akong makilala sa kanila.
Nasa sampu siguro ang mga ito at nakahawak pa ng baseball bat.
“Kayo ng bahala sa kanya” tawa pa ng babae at elegante pang naglakad papunta sa gilid at pinanood ako.Nagsilapitan naman ang mga lalake saakin at naramdaman kung may dahan dahang humahawak sa hita ko.
“Shit!” napamura na lang ako sa pag aakalang hahalayin nila ako.
“Bitiwan niyo ako! ano ba!” sa pagkakataong ito nakaramdam na ako ng takot.
“Miss..maganda ka naman eh kaya magiging madali lang to. Hahah” tawa ng isang lalake at saka nag apiran pa sila.
Hindi ako makapalag dahil kasalukuyan parin akong nakagapos.
Tanging mga labi lang nila ang nakikita mo dahil half mask ang gamit nila. Sa itsura nila..mukha silang mga estudyante.May nakaagaw pansin naman sa aking isang lalaki. Tahimik itong nakakatitig saakin. Maya maya pa ay lumapit ito sa mukha ko..parang nakikila ko ang amoy niya..
Tumindig ang balahibo ko nang bumulong ito saakin.
“Stay still..I will protect you”
Napabuntong hininga na lang ako ng mapagtantong tama nga..narito si..
Jacob...
BINABASA MO ANG
#Expect the Unexpected (On-HOLD)
Teen FictionMay mga bagay talaga na kaya tayong baguhin, kung ano tayo noon at kung ano tayo ngayon. Samantha Villamor, isang babaeng nagkaroon ng isang bangungut sa kanyang buhay na kailanma'y hinding hindi niya makakalimutan. Ito ang bumago sa kanya, at ito...