"Hey Sam! Musta? Mabuti na lang okay kana" bungad ni Ethan at lumapit sa higaan ko.
Kasalukuyan akong nakaupo sa bed ko at nakasandag sa dashboard, naguumagahan.
"Oh hi Ethan" bati ko
"Nag alala ako sa'yo, mabuti na lang at nakarating kami ron"
"Oo nga eh salamat" sagot ko
"How are you? Sorry kung ngayon lang ulit ako nakabisita sa'yo, lumabas kasi ako ng school for emergency"
Umupo ito sa upuan na malapit saakin.
"Okay lang, no worries" sagot ko
Nagkwentuhan lang kami ni Ethan dito sa dorm at panay ang tanong niya sa mga nangyari.
"Anyways, may gusto ka bang kainin at ako na ang bibili?" Tanong niya. Para namang nagpantig ang tenga ko sa galak.
"Talaga? Gusto ko ng Ice cream please" sagot ko
Pero gulat ako ng biglang may pumasok at nagsalita
"No ice cream"
Jacob??
"At bakit hindi?" Pagtataray ko
"Nagpapagaling ka palang Sam at bawal pa sayong kumain ng malalamig. You have to drink your med and hot water if possible" bulalas nito
Ano?!
No way!
Gusto ko ng ice cream bakit ba?!
"Gusto ko ng Ice cream Jacob" madiin kung sabi
"No"
"Hey man bakit ba kasi pinapakealaman mo ang desisyon ni Sam?" Singit ni Ethan
Matalim namang tumingin si Jacob sa kanya
"Do you care for Sam?" Tanong ni Jacob
"Of course" sagot naman nitong si Ethan
"Eh bakit hahayaan mo siyang kumain ng bawal sa kanya" sagot nito
"Come on, I care for Sam pero gusto kung ibigay kung ano yung gusto niya"
"No, you doesn't care about her"
"I DO!" Pilit naman ni Ethan
"Ahem" panimula ko kaya napatigil naman silang tumingin saakin.
"Baka nakakalimutan ninyong nandito ako?" Sarcastic kung sabi, dahilan para mapabuntong hininga silang dalawa.
"Kung mag-aaway lang kayo sa harapan ko, maari na kayong lumabas" dagdag ko pa.
"Sam-" nagsabay pa silang dalawa sa pagsasalita kaya nagkatinginan ang mga ito at nagsamaan ng tingin
"I think it is better for you guys to just get out. I'll call Kattie na lang" bulalas ko
Tinignan naman ako saglit ni Jacob bago nagsalita
"Okay, drink you Med Sam" wika nito at lumabas na."Sam, call me if you need anything" wika naman ni Ethan at lumabas na rin.
Para naman akong nabunutan ng tinik ng makalabas na sila. WHAT'S WRONG WITH THEM?! hayst.
****
MAAGA akong pumasok dahil sa wakas okay na ako! Yes okay na okay na, pwede na ulit makipag sagupaan. Lol
Masyado ata akong excited. Wala pang tao dito sa room.
.
Wew."Too early" biglang may umupo sa tabi ko at sa amoy palang ay kilala ko na..
"You're early too Jacob" sagot ko
6:15 palang, 7 pa class ko. FINE ANG OA KO.
"I'm not early, I just didn't sleep" sagot nito at nagulat ako ng sumandag ito sa balikat ko. Para tuloy akong tuod na hindi makagalaw.
"B-bakit hindi ka natulog?" Curious kung tanong. Tangna nauutal pa ako!
"Marami akong tinapos sa office namin" sagot nito.
President nga pala siya ng student council.
"Eh bakit kapa pumasok? Pwede ka namang matulog na muna sa dorm niyo" sagot ko at tatayo sana pero pinigilan niya ako
"Please..stay" sambit nito. Natigilan naman ako dahil mahigpit itong nakahawak sa braso ko habang nakasandag sa balikat ko. Nakapikit ito at kitang kita mong sobrang inaantok nga siya.
"I saw you..dumaan ka sa Office namin kanina right? that's why I came here" sagot nito habang nakapikit parin
Mas lalo pa niyang nilapit ang sarili niya kaya naramdaman ko ang mainit na hininga nito sa leeg ko. FVCK.
"y-yes" sagot ko na lang.
Maya maya pa hindi na ito nagsalita at tuluyan na itong nakatulog.
Ilang minuto rin ang lumipas, nagsidatingan na ang ibang estudyante kaya ginising ko na si jacob dahil baka iba ang isipin nila saamin.
"Good morning everyone! I am here to announce you na this coming weekend lalabas tayo ng campus"
Agad namang naghiyawan ang mga kaklase ko
"Be quiet. Magkakaroon tayo ng fieldtrip at gaganapin ito sa Palawan "
Mas lalong lumakas naman ang hiyawan sa loob ng room namin, ulitimo sina Yna at Kattie ay nakikisali na rin
"Yes! Omg matagal ko nang hinihintay to waaahhh!!" Hiyaw ni Yna
"Tama ka hahaha excited na ako!" Sagot naman ni Kattie.
Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa.
Gulat naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko at bumungad dun ang isang mensahe galing sa diko kilalang tao..
From:09********
Enjoy your bloody trip Samantha.
BINABASA MO ANG
#Expect the Unexpected (On-HOLD)
Teen FictionMay mga bagay talaga na kaya tayong baguhin, kung ano tayo noon at kung ano tayo ngayon. Samantha Villamor, isang babaeng nagkaroon ng isang bangungut sa kanyang buhay na kailanma'y hinding hindi niya makakalimutan. Ito ang bumago sa kanya, at ito...