Kasalukuyan na kaming nakaupo sa mga bleachers dito sa gym ngayon. Napakaraming estudyante pero kasya dahil sobrang lawak naman ito. Umaalingaw ngaw ang ingay ng mga estudyante na patuloy sa pagpasok.Naglakad naman sa harap ng stage si Mrs. Soul at nasa likuran niya si Jacob.
"Good afternoon ladies and gentlemen. I am grateful that you all came. There will be an up coming event which is the 58th Anniversary of Soul Academy. Mr. Lee will explain later on. "
Naghiyawan naman ang mga estudyante sa narinig nila. Samantalang wala naman akong reaksyon dahil hindi ko naman alam kung anong mangyayari. Tss
Naglakad na sa gitna si Jacob na seryoso ang mukha
"Good afternoon everyone. This coming Monday will be the celebration of the 58th Anniversary of Soul Academy and there will be a Masquerade ball. All students must attend the said event since it will be part of our performance task. Thank you" pagkasabi niya nun ay lumakas ang hiyawan ng mga estudyante.
"Wow ang galing! Ngayon lang to ah nakaka excite.. Yieeh!" bulalas ni Yna at parang may spark sa mga mata nila ni Kattie. Napailing na lang ako.
Seryoso namang nakikinig lang si Ethan
Tumingin naman ako sa stage at nagtama ang mga mata namin ni Jacob. Seryoso siyang nakatingin saakin? Pero bakit naman?? Bahagya din siyang tumingin sa tabi ko at si Ethan na ang tinignan niya. Nagtitigan sila na para bang nagkakaintindihan ang mga mata nila. Tumalikod na siya at bumaba sa stage at nakita ko namang ngiting ngiti na sinalubong siya ni Anica. Napairap na lang tuloy ako. Bakit ba ang landi nila?! Nakakainis!
"All classes are suspended for now so you may now go back to your dorms" announce naman ni Mrs. Soul
Nag apiran naman ang mga ibang estudyante samantalang yung iba ay sobrang saya.
Syempre ako din masaya! Hehe
Nagpaalam na ako kina Kattie, Yna at Ethan para bumalik sa dorm. May aasikasuhin naman sina Kattie at Yna. Si Ethan naman nagpumilit na gusto akong ihatid pero hindi na ako pumayag kaya mag-isa na akong bumalik sa dorm.
Gusto ko kasing magpahinga dahil parang sinisinat ako. Masakit ang ulo ko at medyo mainit pa ako ngayon.
Maulap na ang kalangitan at makikita mong may nagbabadyang ulan. Nakiki ayun saakin ang panahon.
Naglalakad ako sa hallway at hindi ko inaasahang harangin ako ng mga grupo ng babae at may mga lalake rin sa likuran nila.
"May problema ba?" tanong ko pero ngumiti lang ito at bigla bigla na lang akong sinampal.
"Hoy ikaw babaeng malandi anong karapatan mong lapit lapitan si Ethan ko?! " sigaw niya saakin. Napahawak naman ako sa pisngi ko.
"Sino ka ba?! Ni hindi nga kita kilala!" sigaw ko rin
"Ako lang naman ang girlfriend ng lalaking inaahas mo. I'm Roxane the goddes of this school." wika niya . Ano namang pakialam ko sa kanya diba.! Kung hindi lang masama ang pakiramdam ko papatulan ko na ang mga gagong to
"Una sa lahat, wala akong paki alam kay Ethan mo! Hindi ko siya nilalapitan at mas lalong wala akong paki alam kung sino ka o ano ka! Kaya tabi na!" sigaw ko sa mukha niya
Sinampal na naman niya ako. abat nakakadalawa na to ah!Sinampal ko rin siya dahilan para dumugo ang labi niya. Nag hysterical naman siya at napa atras
"B-bigyan niyo ng leksyong ang babaeng yan!" sigaw niya at nagsilapitan saakin ang mga kasama niya. Pinagsasabunot nila ako at pinagsasampal. Sa una nagagantihan ko sila pero nung hinawakan na ng dalawang lalakeng kasama nila ang braso ko ay wala na akong nagawa. Pinagsasampal nila ako at tumatawa naman si Roxane.
BINABASA MO ANG
#Expect the Unexpected (On-HOLD)
Ficção AdolescenteMay mga bagay talaga na kaya tayong baguhin, kung ano tayo noon at kung ano tayo ngayon. Samantha Villamor, isang babaeng nagkaroon ng isang bangungut sa kanyang buhay na kailanma'y hinding hindi niya makakalimutan. Ito ang bumago sa kanya, at ito...