CHAPTER 8

293 12 0
                                    


This Chapter is dedicated to @Alvarolagadon

***

‘Samantha’s POV

Nagkikislapang mga palamuti ang bumungad sa hall namin. Maingay na musika at punong puno ng tao na nagsisidatingan habang nakasuot ng mga maskara at magagarang kasuotan. Ang malawak na lamesa na kung saan nakapatong ang ibat ibat putahe in a buffet style. Agad namang umikot ang paningin ko sa mga taong nasa paligid, wala akong makilala, bukod kina Yna at Kattie na kasama ko ngayon.
Nakasuot ako ng isang fitted long dress na kulay red at may slit pa ito sa gilid. I didn’t chose this. This was Yna and Kattie’s idea. Samantala, kulay black naman ang mask ko na siyang bumagay sa damit ko. Naka gold long dress din naman si Kattie at white mask. Silver naman ang kay Yna at Blue na mask.
“You’re so gorgeous talaga Samantha, hindi pa rin ako maka move on na magiging ganyan ka kaganda! hihi” kulit na sabi ni Kattie

“Hey come on Kattie, if hindi lang kailangan to sa task ng students, I wont be here.” sagot ko naman sabay kuha ng wine na nakapatong sa mesa.

“Sus! haha sige alis na ako may date is here na haha” dagdag pa nito at eleganteng naglakad patungo sa date niyang si Bryan na isang FilAm.

“Bye pretty I have to go na rin haha see you around?” paalam na rin ni Yna. Tumango lang ako at pinanood silang umalis.

Napabuntong hininga naman ako at agad linagok ang hawak kung wine.

“Hey..easy lady”

Agad naman akong napatingin sa likod at bumungad sakin ang isang makisig na lalaki habang nakasuot ng Tuxedo. Nakahawak ito ng pulang rosas.

Napataas naman ang kilay ko ng mapagtantong si Ethan ito. Well..siya ang date ko..after kung umalis sa dorm ni Jacob I never had the chance to see him again. I wonder why..Oh well nevermind.

“Im sorry Sam. Medyo nalate ako eh hehe. Hindi tuloy kita na escort papasok” bulalas ni Ethan

“No its okay, haha” sagot ko

“Roses for you..na siyang bumagay sa’yo. You look so wonderfully beautiful Samantha” puri nito at iniabot saakin ang rose.
Ngumiti lang ako at inechos siya.

“Anyways, Hindi ko pa natatanong. Bakit hindi si Roxanne ang pinili mong date ngayon?”

“Sam, bakit ko siya pipiliin kung meron ka naman. ”

“But she’s your girlfriend” sagot ko

“No she’s not. Hayts that girl is my ex for a long time..”

“Oh I see. But she’s acting as if she is still your girl haha” tawa ko at bahagya pang lumingon kay Roxanne na nakikipagharutan sa isang gwapong koreano na studyante.

“Haha, well nevermind Samantha. Lets not talk about her” wika nito.

Tumango naman ako.

Agad namang naagaw ang atensyon namin nang biglang may nagsalita sa stage.

“Good evening ladies and gentlemen! Welcome to the Masquerade Ball for the 58th Anniversary of Soul Academy! I want everyone to have fun and slay the night!” suhesyon ni Mrs. Soul na siyang nakasuot ng isang itim na gown na kumikintab at brown mask. Kahit may katandaan na ito ay kitang kita mo parin ang gandang taglay niya.

Naghiyawan naman ang lahat ng tao dito sa hall at nagsimula Ng tumogtug ang slow music at agad namang napuno ang dance floor at kanya kanyang sayaw na ang mga ito.

“May I have this dance mylady?” yumuko pa saakin si Ethan at inoffer ang kamay niya. Bahagya pa akong napatawa dahil sa sobrang kapormalan niya.

Tinanggap ko naman ito at naglakad kami papunta sa dance floor.

“Ahmm Ethan, ano..hindi ako ganun karunong sa pagsasayaw ng ganito..”

“Don’t worry we’ll be fine” sagot nito

Magkahawak naman ang isang kamay namin sa isat isat. Nakahawak na ako ngayon sa balikat niya at ang isang kamay nito ay nakahawak na rin sa bewang ko.

Mabuti na lang at mabilis kung natutunan ang technique nito.
Pinaikot naman niya ako, at gulat ako ng may ibang humawak sa kamay ko.
Naramdaman ko ang mainit na hawak nito sa bewang ko at gulat akong napahawak sa dibdib nito.

Kinindatan niya lang si Ethan na ngayon ay may babaeng kasayaw na rin at gulat rin sa pangyayari. Change partner ba to?

~You’re the one who never let me sleep,
To my mind down to my soul you touch my lips,
You’re the one that I can’t wait to see,
Without you by my side I feel ecstasy~

Samantala, napatitig naman ako sa lalaking nasa harap ko ngayon. Deretso lang itong nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko sa mga titig niya. Parang bumibigat ang pakiramdam ko. Magkahalong kalungkutan at kasiyahan ang mayroon sa mga mata nito. Hindi ko siya makilala dahil buong mukha nito ang natatakpan gamit ang white mask. Pero parang pamilyar siya..

~I am all alone without you..
my days are dark without the glimpse of you..
Now that you came into my life , I feel complete.
The flowers bloom in the morning shine
And I cant see..~

Mas lalo akong nagulat ng kuminang ang bracelet na nasa kamay nito. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako nagkakamali! Ganito yung bracelet ko! parehong pareho!

Napatitig ako ngayon sa soot kung bracelet na binigay din saakin ni Jacob noon dahil siya ang nakahanap..
Tumigil ako sa pagsasayaw ay naramdaman ko ang mainit na likido na dumaloy sa pisngi ko.

~Your love is like the sun
That lights up my whole world,
I feel the warmth inside..~

“E-ethan?” halos pabulong na lang ito dahil nangangatog na ang mga tuhod ko. Totoo ba to? o isang panaginip na naman.

Tumango ito saakin nang bigkasin ko ang pangalan niya. Agad ko naman itong yinakap at hindi ko na mapigilang mapaiyak.

“E-ethan..kung panaginip man to o hinde..gusto kung malaman mo na miss na miss na kita..bakit ngayon ka lang? Ethan hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko..” iyak ko habang nakayakap sa kanya.

Kumalas naman ako sa yakap at tinignan siya. Nanatiling naka mask lang ito. Pinunasan niya ang mga luhang kumakawala sa mata ko.
Tatanggalin ko na sana ang mask nito pero pinigilan niya ako. Gulat akong napatitig sa kanya. Bakit? bakit ayaw mong magpakita saakin?

Kasabay nun ang pagbitaw niya saakin at mabilis itong naglakad sa kumpulan ng maraming tao. Mabilis akong naglakad at hinabol niya. Umiiyak na ako ngayon..

“Ethann!!“ sigaw ko habang hinahanap ito sa kumpulan ng maraming tao.

Nakarating ako sa garden dahil pakiramdam ko dito ko siya nakitang nagtungo.

“Ethan!! !magpakita ka sakinn..parang awa mo na..” iyak lang ako ng iyak.

Nagulat ako nang biglang may tumakip sa bunganga ko kasabay nun ang pagdilim ng paligid ko..

***

VOTE. COMMENT.

#Expect the Unexpected (On-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon