This chapter is dedicated to @Broken_Angel24
******
Jacob..
Hindi ko akalaing dadating ka..
Sa puntong yun napaluha na lamang ako..
Bahagya pa niya akong kinindatan, sign na magiging okay din ang lahat. Tumango na lamang ako at nagtiwala sa kanya.
Maya maya pa, bigla nalamang nitong tinadyakan ang lalakeng nasa tabi niya. Gulat naman ang lahat at agad na pinaikutan siya sa pag aakalang kalaban nga nila ito.
“Tangina sino ka?!” sigaw ng isa at agad na sumugod sa kanya pero napailag na lamang si Jacob at agad sinuntok ang lalaki.
“Pre! dali!” sigaw nung isa at kinuha ang mga baseball bat na nasa gilid na hawak nila kanina.
Sa di kalayuan sumigaw naman ang babae kanina
“Taposin niyo na yan” cool na sabi nito at umalis na.
Kitang kita ko naman kung paano siya sugurin ng mga kalalakihan. Pinagtutulungan siya pero mabuti na lamang at nakakailag ito.
Kung wala lang tali sana ang mga kamay at paa ko at ay tutulungan ko na sana siya..
Isa isang natumba ang mga kalaban pero marami pang natitira. 9 sila at ikasampu si Jacob..
“Sa kanan mo!” napasigaw na lamang ako ng muntikan na siyang paluin ng kahoy
Agad naman itong umilag at sinuntok sa sikmura ang lalake. Hindi ko akalaing marunong makipag basag ulo si Jacob..
Kahit kailan hindi ko yun inakala.
Nagulat na lamang ako ng naramdaman ko ang isang malamig na patalim na kasalukuyang nakadikit sa leeg ko.
“Ano? hindi ka titigil? o gusto mong ako na mismo ang tatapos sa kanya ngayon” biglang sabi ng isang lalaki na siyang nasa likuran ko ngayon.
Napatigil naman si Jacob at napatitig sa pwesto namin.
“Bitawan mo yan” utos ni Jacob
“At bakit?” sagot naman ng lalaki
“Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang nangengealam. Hindi ko alam kung sino ka kaya binibigyan kita ng pagkakataon na umalis at iwan kami rito” dagdag pa nito
“Subukan mo ako” sagot naman ni Jacob
“Ayaw mong umalis? haha” tawa ng lalaki
“Hindi ako aalis, hindi niyo siya masasaktan hanggat nandito pa ako” sagot nito kasabay ng paghagis niya sa isang malaking bato na saktong tumama sa ulo ng lalaki. Kinabahan naman ako dahil muntik na akong madamay.
Jacob bakit mo to ginagawa?
Napahandusay naman sa sahig ang lalaki at dumanak ang dugo nito galing sa kanyang ulo. Agad naman akong linapitan ni Jacob at agad tinanggal ang mga tali sa kamay at paa ko.
“Okay ka lang ba? hindi kaba nasaktan?” dere deretsong tanong nito saakin. Napatitig na lamang ako sa nakakalunod nitong mata na makikitaan mo ng pag aalala.
Mabilis naman akong napatango na ibig sabihin ay okay lang ako.
Magkaharap kami ngayong dalawa at nakatitig lang ito saakin. Sinusuri ang mukha ko dahil sa pagdurugo ng labi ko.
Agad din naman kaming tumayo at lalabas na sana pero gulat ako ng biglang tumayo ang isang lalaki
nagslowmo ang pagpalo niya ng bat kay Jacob pero bago pa ang lahat ay agad kung sinalo ang palong iyon na siyang dumeretso sa likuran ko.
Napabugso naman ako ng dugo at agad akong sinalo ni Jacob bago pa ako mahulog sa lupa.
“Sam!” sigaw nito
As far as I remember, everything went black.
BINABASA MO ANG
#Expect the Unexpected (On-HOLD)
Novela JuvenilMay mga bagay talaga na kaya tayong baguhin, kung ano tayo noon at kung ano tayo ngayon. Samantha Villamor, isang babaeng nagkaroon ng isang bangungut sa kanyang buhay na kailanma'y hinding hindi niya makakalimutan. Ito ang bumago sa kanya, at ito...