❝Tayo❞
Ayaw ko na, 'yan ang sabi mo
Tapos na tayo, pagod na'ko
Mga salitang binitawan mo
Noong tinapos mo ang tayoHanggang ngayon ay iniisip
Mga pagkukulang na nagawa,
Hanggang ngayon ay nasasabik
Sa mga yakap, halik, salita..Mga salitang 'mahal kita'
Ikaw lang at wala ng iba
Masarap ito sa pandinig
Dahil mula sa iyong bibigPero natapos ang mga ito
Tinapos ang salitang tayo
Pagpapakatanga ba ito?
Kung umaasa pa din akoUmaasa pang maging tayo,
Mahal mo pa din ba ako?
Minahal mo ba talaga 'ko?
Dahil, tinitibok ng pusoAy tanging ang mga pangalan mo.
Ang mga katagang mahal kita
Ikaw lang at wala ng iba
At sana ay maging tayo pa.-July 17, 2017