❝Bilang ng Pag-ibig❞
Isa
Noong kayo ay nagkakilala
Nagsimula sa 'hi' at 'hello'
At naging magkaibigan na
Dalawa
Lumalim ang koneksyon sa isa't isa
Nagkagaanan ng loob
Kung kaya't mas nagkasundo pa
Tatlo
Sunod-sunod na araw na kausap mo siya
Nasanay ka na ganito ang nangyayari
Hinihiling na wag na sanang matapos pa
Apat
Nahulog ang iyong loob
At ipinagtapat ito sa kanya
Hinihiling na sana'y ganoon din siya
Lima
Nalaman mo na gusto ka na rin pala niya
Masaya kayong dalawa
Kasi parehas ng nararamdaman sa isa't isa
Anim
Niligawan ka niya
Lumipas pa ang ilang linggo
Parehas kayo na masaya
Pito
Noong sinagot mo siya
Di aakakaing ang dating magkaibigan
Ay nagka-ibigan na
Walo
Lumipas pa ang ilang mga araw
Ay nanlalamig na siya
Di na tulad ng dati na masaya
Siyam
Ang dating puro lamang saya
Ay napuno ng pagtatalo
Sana maibalik pa sa dati ang inyong pagsasama
Sampu
Noong biglang sumuko siya
"Sorry ayaw ko na, may mahal na akong iba"
Iyan ang sabi niya
Masakit diba?
-April 02, 2018
