❝Kabataan, mag-aral ka ng mabuti❞
Kabataan, mag-aral ka ng mabuti,
'to ang bukang bibig ng nakararami.
Nag-aaral naman ako ng mabuti,
Pero bakit ako pa ri'y nasisisi.Ibinibigay ko naman na ang lahat,
Pero bakit parang di pa rin 'to sapat.
Ibinibigay ko naman na ang lahat,
Pero kinukuwestyon pa ba 'to dapat?Kabataan, mag-aral ka ng mabuti,
Saan man mapunta, 'to ang sinasabi
Kabataan, mag-aral ka ng mabuti,
Paulit-ulit, ako na'y naririndiNatutong sumuway pati magbulakbol,
Natutong lumiban, pagpasok sa skul.
Aking pag-aaral ay napabayaan,
Ang aking gagawin ay di na malaman.Naging palaaway, para makasabay
Pati pagsagot ay ginawa kay inay
Sa aking ginagawang pagpapasaway
Kaya inatake ang puso ni itay.Droga ay aking ginawa ng sandalan,
Pati alak, sigarilyo'y ginawang libangan.
Hindi alam ang aking kahahantungan
At 'di nagtagal, napunta sa kulunganPara sa'kin pala ay makakabuti,
Mga sinasabi ng nakararami.
Kabataan, mag-aral ka ng mabuti,
Sinunod 'ko sana, di pa 'ko nagsisi.
-August 6, 2017
