2

2.1K 36 4
                                    


❝Kaibigan❞


Pagkakaibigang di inaasahan
Nabuo sa mundong 'di makatotohanan,
Marami ang bagay na napag-usapan
At nakilala ka ng lubos-lubusan.

Madaming bagay sa atin ay pareho
Pero para tayong mga pusa at aso
Na nag-aaway sa maliit na bagay
Tila ba parte na 'to ng ating buhay

Para tayong toyo't suka sa adobo
Na kailanma'y hindi pwedeng magkalayo.
Para tayong tsinelas na magkapares
Nandiyan lagi para sa isa't isa

Kaibigan na palaging maaasahan
Nandiyan siya tuwing iyong kailangan
Sa hirap man o sa ginhawa
Nandiyan upang umunawa

Sa iyong walang hanggang drama
Nakalaan palagi ang kanyang tenga
Handang makinig kahit paulit ulit
'Di napapagod kahit walang kapalit

-July 17, 2017

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon