9

840 9 1
                                    

❝Hubad na litrato❞


Pabata na ng pabata, nagbibigay ng mga 'to,
Kanilang malalaswa at hubad na mga litrato.
Yung iba ay wala pa nga sa edad na disi-otso,
Pero malakas ang loob dahil nasa pekeng mundo.

Karamihan pa nga sa kanila ay mga babae,
Ang idinahilan ay ang kanilang pagrerebelde.
Kahit napakarami pang mga paraan na pu-pwede,
Pinili, pagbibigay ng litrato sa mga berde.

Hindi na iniisip ang mga magiging resulta,
Pagbibigay ng larawan sa mga hindi kakilala.
Kabataan, kababaihan 'di ka ba nagdududa?
Ang inaakala mong tama ay maling-mali pala.

Ang tulang ito ay isa lang maikling paalala,
Huwag mong hahayaan na pagpiyestahan pa nila.
Kapag ang mga hubad na larawan mo ay kumalat,
Masisira ang lahat ng iyong binuong pangarap.

   

-August 6, 2017

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon