❝RPW❞
Sa mundong malayo sa katotohanan
Kasiyaha'y dito natin natagpuan
Mga tao na binigyang kahulugan
Buhay nating panay nalang kamalasan
Hindi man natin madalas nakikita
Kanilang presensya tila ba'y sapat na
Sa ating kinakaharap na problema
Sila ang matatawag nating pamilya
Pamilya na pwede nating masandalan
Kaibigan na palagi na andiyan
Sa bawat kabiguang nararanasan
Sila'y maaari nating masabihan.
Lahat ng bagay, tila naging totoo
Ang pamilya na pagkahiling-hiling mo
Hindi man alam, kanilang pagkatao
Pero nakuha nila ang tiwala mo
May inang andyan upang gumabay sa'yo
Isang ama na handang magsakripisyo
Mga kapatid na pwedeng makasundo
Kaybigan na matatawag na totoo
Pero sa kabila ng mga bagay na'to,
May bagay na hindi maisakatotoo
Mga bagay na kahit ano ang gawin mo
Napakalayong magawa sa mundong 'to
Mga yakap, halik, pati pagsusumamo
Na di magawang maisakatuparan
Mga pagluha, pighati't pangungulila
Na madalas na din nating naranasan.
Lahat ng bagay na'to ay naramdaman
Sa mundong puno ng kasinungalingan.
Dadating ang panahon tayo'y lilisan
Sa'ting panandaliang kaligayahan.
-August 6, 2017
