15

684 8 0
                                    

❝Panlabas na Ganda❞

Sa panahon ngayon, mukha na ang basehan ng lahat
Kapag maganda ka, tiyak ikaw ay nakakaangat
Magandang ugali ay hindi na ba talaga sasapat?
Panlabas na anyo nalang ba ang tinitignan dapat?

Sa panahon ngayon, kapag hindi ka naman maganda
Dadaan daanan, iitsepwerahin lang ng iba
Sa kagandahan ay nabubulag ang kanilang mata
Walang pakielam, basta ba maganda ang itsura

Ang kagandahang bumubusog sa kanilang mga mata
Ay panandaliang panahon lang nila makikita
Dahil dadating ang oras ang mukhang dati'y maganda
Ay mangungulubot at maiiba din ang itsura

Pero ang mabuting puso at kaloobang maganda
Ay mananatili't 'di kailanman mababago pa.
Kaya kaibigan hinihiling ko na gumising ka
'Wag ituon sa kagandahang panlabas ang mga mata.

-April 02, 2018

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon