4

1.3K 15 1
                                    

❝Para sayo, o aking sinta❞

  

Nang makilala ka, buhay ko'y sumigla
Ang akala kong kawalan ng pag-asa
Nang dahil sayo ay tila ba nag-iba
Dahil sa hatid mong kakaibang saya.

Ang dati kong durog na durog na puso
Ikaw ang dahilan kung bakit nabuo,
Ang akala ko dati'y isa lang laro
Ang akala kong ito'y biglang naglaho.

Nang makilala ka, o aking sinta
Buhay ko'y napuno ng tuwa at saya,
Salamat sa iyo ng marami giliw
Dahil puso ko'y natanggalan ng agiw.

Maraming salamat sa'yo aking mahal
Dahil ako'y natuto muling magmahal.

  

-July 24, 2017

  

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon