14

803 12 0
                                    

❝ Laro ng Pag-ibig ❞

    

Sabi nila na ang pag-ibig daw ay isang laro ng matatapang
Akala ko noong una ako'y handang-handa nang makipaglaban
Pero ang lahat ng mga ito'y pawang puro mga akala lang
Di kasi maipagkailang natatakot pa din akong masaktan

Natatakot akong umasang meron kahit wala naman talaga
Natatakot akong maniwalang ako lang kahit na mayrong iba
Natatakot akong mahulog sa bitag ng larong 'kaw ang may gawa
Natatakot akong magmahal lalo na't panakip butas lang pala

Nagmamahal, natatakot kaya ngayon ako nama'y nasasaktan
Nasasaktan sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan
Nasasaktan kahit na wala naman talaga akong karapatan
Nasasaktan sa katotohanang ako ay pampalipas oras lang

Masakit ang masugatan pero mas masakit pala ang magmahal
Kung saan ang luha mong kapag pumatak ay wala ng katapusan
Bakit ganito ang nangyayari ako ay nagmamahal lang naman
Pero alam ko na kung bakit, dahil ako ay napaglaruan lang.

   

-February 16, 2018

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon