❝Kapatid❞
Ang bawat pagkalagas ng mga dahon
tanda ng mga nagdaan napanahon
hindi alam paano maiaahon
galit sa puso'y unti unting naiponAt bawat pagpatak ng butil ng aking luha
kasabay ng paglayo ng loob ko sa inyong dalawa
kailan nyo nga naman ba kase makikita
kung parehas nakapikit ang inyong mga mataPa'no mawawala ang lahat ng ito
kung di man magawang sabihin sa inyo
mga problema, ang dahilan ay kayo
at ang labis na nahihirapa'y akoAng pananakit na nagmumula sa'yo
ay siya na lang na mga tinitiis ko
minsan ako'y napapaisip, ako ba'y talagang kapatid ninyo?
-November 28, 2017
![](https://img.wattpad.com/cover/139202547-288-k178293.jpg)