❝Dahon❞
Sumisimbulo sa mga lumipas na panahon;
Kung saan marami-rami na rin ang nasayang na taon
Nasayang na taon na pawang pagpatak ng mga luha kong maihahalintulad sa ambon;
Hindi maubos-ubos at mawala kasama ng mapait kong kahapon
Mapait kong kahapon na nagdulot ng sakit at hinagpis sa aking puso;
Ano man ang gawin ay hinding hindi ko maitatago
Hindi ko maitatago na nagdulot ng napagkalalim na sugat sa'king munting puso;
Na kailanman ay hindi maglalaho
Hindi maglalaho ano man ang aking gawin;
Na para bang nakatadhana na ang lahat ng ito sa akin
Akin nalang itong idinadaan sa mga mumunting kong hiling;
Na sana ay maghilom na lahat upang ako ay gumaling
Gumaling sa mga sugat ko na dulot ng mapait kong kahapon;
At sana'y mapalitan ng masasayang alaala gaya ng pagpapalit at pagkakahulog ng mga dahon.
-May 2, 2018
