❝Alaala❞
Ang bawat ngiti'y mababakas sa aking mga mata
Kapag ikaw ay nasisilayan sa tuwi-tuwina
Ang kakaibang tuwa sa aking puso'y nag-uumapaw
At pangalan mo lamang ang tangi nitong sinisigawAting tawanang nagsisilbing musika sa'king tenga
Na naghahatid ng kiliti at kakaibang saya
Ang pagpintig ng ating puso ay para bang iisa
At tila ba itinadhana talaga tayong dalawaPero ang lahat ng ito ay nawala nalang bigla
Nang para bang isang bulang naglaho ka akin sinta
Ang dating ngiti sa labi'y napalitan ng pighati
Nang magising sa katotohanang di na tulad datiKasabay ng pag-awit at paghuni ng mga ibon
Ay ang pag-alala ko sa ating matamis na kahapon
Ang lahat ng mga ito'y mababaon na lamang ba,
At kailangan na ba 'tong limutin o aking sinta?
-July 17, 2017