❝Pagtanda❞
Pag-ibig sayo'y 'di mawawala
Kahit na tayo man ay tumanda.
Mamahalin, hanggang sa pagtanda
Lahat man ng ngipin mo'y mawala
Bumaho man ang iyong hininga,
Aking hahagkan pa din kita
Magkaroon man ng alipunga
Huhugasan ko pa iyong paa
Rumupok man ang iyong mga buto
Magkarayuma man ang mga ito
Pumuti man ang mga buhok mo
'Kaw pa din, nag-iisa sa buhay ko
-August 6, 2017
