Officially - 10

14.4K 143 2
                                    

-----------------------------------------------------------------------

" Sa lahat ba ng ginawa mo, kumagat ba siya?"

Tanong sa akin ni charlie, ininom ko na lang ang isang bote ng beer, ang hirap naman kasi, di ko naman inaakala na napakahirap niya palang, makuha, kumuha ako ng isang stick ng marlboro lights saka sinindihan iyon, nanonood lang sa akin si charlie habang umiinom din kasama ko.

"Naku pare, confirmed, sa galaw mo, parang basted ka na."binatukan ko siya ng ubod ng lakas nag sisimula pa lang nga ako, basted na kaagad, inayos ko ang upo ko matuwid ko siyang hinarap.

" Alam mo ang nega mung gago ka, kakasimula ko pa lang eh, basted na agad, kailangan ko talagang makuha ang atensyon niya."ngumiti ito ng nakakaloko, binugahan ko siya ng sigarilyong hinithit ko,  di pa nga siya pumapayag na ligawan ko siya kasi akala niya laro lang lahat nang ginagawa ko, ni hindi ko pa napapakita sa kanya ang totoong motibo ko.

"Hulol." pa-ubo-ubo ito, may sayad ata tung kaibigan ko eh, imbis siya yung pumapayo siya pa yung nagpapababa ng confidence ko.

" Diyan ka na nga! wala kang kwenta." saka ko siya iniwan, tumawa pa ito ng umalis na ako, may sapi ata siya. tsk. wala talagang kwenta.

Pumasok ako sa kwarto ko, humihinga ako ng malalim, ano nga ba kasi ang gagawin ko? ano nga kasi, parang wala kasing epek yung ginagawa ko, kung padalhan ko kaya ng bulaklak sa bahay nila? aish huwag na nga lang sigurado lang akong sa basurahan ang tagpo nun, eh paano kung paulanan ko siya ng rosas habang naglalakad siya sa hallway ng school?

It's already 5:15 nang magising ako, naks excited kasi ako sa plano ko, kagabi pa lang ay ginulo ko na ang flowershop ng tita ko i ordered red rose petals, nagmamadali akong pumunta sa school para naman paghandaan ko yung binabalak ko, siguro naman kahit konte, mahulog naman siya sa effort ko.

Isang oras din akong nakatayo sa may hallway, at isang oras at kalahati ang hinitantay ng mga firstyear students na binayaran ko para sa senyas ko, kanina pa ako pasimpleng tumitingin sa relo ko, tila hindi na ata darating si sam.

"Baba, na kayo diyan dali."mabilis naman silang bumaba mula sa itaas, kinuha ko na lang yung petals sa kanila, nak nang umabsent ako sa dalawa kung period para lang magpapogi at surpresahin siya, tapos malalaman ko lang wala siya.

Nanghina ang loob ko, para akong zombie na may dala-dalang kahon patungo sa classroom, eh ang hopeless romantic naman kasi ang ginawa ko, pumasok na ako ng classroom when i found out na hindi pala siya absent, eto siya nakikita ng dalawa kung mga mata na nakikipagharutan sa dalawang gonggong, na ang alam ko ay joshua ang pangalan at yung isa ay di ko  na alam ang pangalan,

I'M OFFICIALLY HIS || KathNielReads ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon