Heaven’s Pov
Nang makarating kaagad ako sa bahay ay agad akong pumasok habang karga si Black.
Nakita ko naming naghahakot ng mga gamit si Fever.
Nakakapagtaka ngayon ko lang naisip may mga kotse ang tatlong ito tapos mukhang mayayaman, mamahalin ang mga gamit. Bakit kailangan pa nilang mangupahan?
Inalis ko ang lahat ng iniisip ko ng mapansin na nakatingin sa akin si Fever. No hindi siya nakatingin.
Nakatitig siya!Naiilang na umiwas ako ng tingin sa kanya at maglalakad na sana ako papunta kwarto ko ng tawagin niya ako.
“Heaven” hindi ko alam kung paano pero biglang nanakit ang dibdib ko ng tawagin niya ang pangalan ko. Isinawalang-bahala ko nalang ang naramdaman ko.
"Bakit?" mahinahon kong tanong pero imbes na sagutin niya ang tanong ko, tinitigan niya lang ako.
Medyo naiilang ako sa way ng pagtitig niya. No mas tama kung sasabihin ko na naiilang na talaga ako. Kung tignan niya ako parang antagal na nung huli niyang napagmasdan ang mukha ko.
Tumagal na ng labinlimang Segundo siyang nakatitig kaya naman hindi ko na napigilan na magsalita.
"Ahm, may sasabihin ka ba?” bigla naman siyang napakurap na parang biglang natauhan.
“Ah may itatanong sana ako” sabi niya habang nakatingin ng deretso sa mata ko.
“ Ahh ganoon ba? Okay lang bang magbihis muna ako medyo nanlalagkit na kasi ako” nahiya naman ako nung tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. At hindi ko alam kung totoo yung nakita ko pero nakita ko siyang ngumiti. Pero nung tignan ko ulit ito hindi na ito nakangiti baka namalikmata lang ako.
“Of course, I’ll just wait for you here” sabi niya at umupo na sa sofahabang nakatakip ang braso niya sa mata niya.
Mukhang napagod siya sa paghahakot ng gamit niya. Mabilis kasi ang paghinga nito na tila hinahapo pa dahil sa pagod. Medyo basa rin ang buhok niya dahil sa pawis,may tumutulo ring pawis sa may noo nito pero hindi yun naging hadlang para magmukha itong madungis. Mas nakapagpadagdag pa nga ito sa kagwapuhan nito. Wait did I just compliment this man? The eff! This is not me..
Napansin ko naman ang suot nito. Mukhang nagpalit muna ito ng damit bago magsimulang maghakot. Kanina kasi nung pumunta siya dito para pumirma ng kontrata tungkol sa pagtira niya dito sa bahay ko nakasuot siya ng faded na pantalon at long sleeve na nakatupi hanggang siko. Habang ang suot naman niya ngayon ay isang tokong na tinernuhan niya ng white v-neck shirt.
Bumagay ang suot niya sa katawan niya. Hapit na hapit ito kaya naman napansin ko ang maganda nitong pangangatawan.Napalunok ako. Bakit ba ang gwapo at ang hot niya?! Ghadd nagiging mahalay na ako dito. Gumagawa na ako ng kasalanan!
“done checking on me?” nagulat ako ng magsalita siya. Shems! Akala ko tulog siya!
Namumula ang buong mukha ko ng tumingin ako sakanya. At nakita kong nakangisi siya. Please lang lupa lamunin mo ako! Munting hiling ko pero alam kong wala naman itong magagawa kaya umayos ako ng tayo at ipinakitang hindi ako apektado.
“Hindi kita tinitigan” tanggi ko sa una nitong sinabi.
“So pinagpapantasyahan mo lang?” mas lalo pang lumaki ang ngisi niya.. He’s enjoying it. Damn It!
“Mister, hindi rin kita pinagpapantasyahan, napatingin lang ako sa iyo” alibi ko dito na sana ay paniwalaan niya.
“Really?kaya pala halong limang minute ka na diyan sa pwesto mo at nakatingin sa akin. I mean sa katawan ko” sabi niya habang prenteng nakaupo.Mas lalo naman akong namula.
“bahala ka kung anong gusto mong sabihin basta hindi totoo ang sinasabi mo” sabi ko at tumalikod na sakanya. Maglalakad na sana ako ng higitin niya bigla ang kamay ko kaya naman napa upo ako sa kanyang lap. Mas lalo akong namula habang siya ay mas napangisi.
Tatayo na sa ako ng mas inilapit niya pa ako sa kanya.
"A-no ba!” gusto kong sapukin ang sarili ko ng mautal ako sa harap niya. Never akong nautal sa kahit na sinong nasa harapan ko.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Habang ako ay pilit na inaatras ang mukha ko pero dahil sa mahigpit ang pagkakayakap niya sakin ay parang wala din itong silbi. Nang magkadikit ang tungki ng ilong namin ay hindi ko na napigilang pumikit. Hinihintay ko kung ano ang susunod niyang gawin pero nagulat ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko.
“open your eyes baby, Im not going to kiss you” sabi niya na siyang nagpamulat sa mata ko.
Damn!

YOU ARE READING
Forgotten Memories
Teen FictionBeing alive is a blessing but having a life like mine is a disaster. Being me as a person is like a puzzle. I will never know who I am not until I solve the puzzle. And the key to answer that puzzle is my Forgotten Memories. A/n: This is my first st...