Chapter 22

1 1 0
                                    

Fever's Pov

" Pagaling ka na para makapaggala na tayo Rain" narinig kong sabi ni Bridgette.

" Oo nga mag mall tayo tapos sama natin yung tatlo" sabi naman ni Sophia kaya napatingin na ako sa kanula.

No hindi lang pala ako ang napatingin sa kanila kundi pati itong tatlong tukmol na katabi ko.

" Oo nga tapos magboyhunting tayo" kinikilig ba sabi ni Bridgette. Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni Thunder.

" Anong boy hunting huh?! " nakita kong natigilan si Bridgette habnag natatawa namn ang dalawa.

" Ah kasi joke lang yun hehehe"

" Anong joke? hindi pwede sa akin yun"

napakunot ang noo ko ng bahagyang humalukipkip si Thunder.

the fuck! Dont tell me nag iinarte na siya ngayon.

"Sorry na nga eh" pero hindi pa rin siya pinansin ni Thunder.

Nakita kong nangunot na ang noo nito at halatang nababadtrip na.

"Ang arte mo naman eh! sorry na nga!" nagpapapadyak na sabi ni bridgette pero wala pa ring pagbabago kay Thunder.

" Edi huwag kang mamansin! wag mo na rin akong kakausapin." tumalikod na ito at nagmartsa papunta s apintuan pero bago pa man ito makalabas ay may sinabi pa ito na siyang nagpatayo kay Thunder.

"Humanap ka na rin ng bago mong liligawan! BUSTED KA NA!" pabagsak nitong sinarado ang pinto maya maya lang ay nakita kong lumabas na rin siThunder para sundan ito.

"Bridgette joke lang! Fxck bawiin mo yung sinabi mong busted na ako!"

huling narinig kong sabi ni Thunder napailing nalamang ako.

"Dude alis na rin kami." hindi ko namalayan na nakatayo na pala sa may pintuan si Flood habang hawak si Sophia.

"Bakit ako sasama sa iyo?Gusto ko pang makausap si Rain eh!"

" Sumunod ka nalang misis alam mo namang kanina pa gusto ni Fever na masolo si Rain"

" Pero-"

" Sumunod ka nalang hahalikan kita sige ka"

Humarap muli sa akin si Flood saka tumango na sinagot ko rin ng tango.

At last katahimikan.

Binalot kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nagpapakiramdaman hanggang sa basagin niya ang katahimikan.

"Fever gusto ko ng makita sila mommy"

nakita ko na namang muling tumulo ang kanyang luha kaya naman mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

" Tutulungan kita Rain." Kahit kapamilya ko pa siya hindi ako mag-aalangan na kalabinin siya.

"Pero lola mo siya" sabi niya kaya naman hindi ko maiwasang tumitig sa kanya.

"I don't care kung lola ko pa man siya. may kasalanan siya at dapat niyang pagbayaran yun" sinsero kong sabi sa kanya.

Nakita kong muli siyang umiyak pero may ngiti na sa labi.

" Thank you. Thank you so much Fever"

Hindi ko na siya sinagot at hinalikan ko na lamang siya.

Noong una ay dahan dahan lang hanggang sa maramdaman kong mas dinidiin niya pa ang kanyang labi sa akin ay pinalalim ko pa ito.

Kung saan saan na rin naglalakbay ang mga kamay ko at napirmi ito sa bewang niya habang binababa ko ang labi ko sa kanyang leeg.

Forgotten MemoriesWhere stories live. Discover now