Chapter 21

3 1 0
                                        

Heaven's Pov

Nagising ako dahil sa tumatamang liwanag sa aking mata. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Napatingin ako sa paligid, bakit nasa school ako? Wait hindi ito ang school na pagmamay ari ko!

Napatingin ako sa arko na nasa bandang unahan ko. Light Academy. Bakit pamilyar sa akin ang pangalan ng school na ito? Nagsimula na akong maglakad at ilang beses akong nabunggo kaya nakailang ulit ako ng pagsasabi ng sorry pero hindi manlang nila ako pinapansin. 

Ang susuplada naman ng mga estudyante dito!

Maya maya napahinto ako sa paglalakad ko ng makita ko ang isang babae sa harapan ko at tahimik na namamangha sa lugar. Wait kakambal ko ba siya? Pero imposible!. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa dumiretso siya sa upuan ng isang magkakabarkada. 3 lalaki at 2 babae. Wait kilala ko yung mga lalaki! Sila Fever ,Thunder at Flood yun. So siguro itong dalawa si Sofia at Bridgette. 

Napatingin muli ako sa babaeng kamukha ko at don ko napagtanto na ako pala yun. So ano ito? Ala-ala ko ba ito? pero bakit pinapakita sa akin?

Hanggang sa lumipas abg oras at bumalik lahat ng ala-ala simula ng bata pa ako na kilala ko na pala si Thunder hanggang sa magtransfer ako sa Light Academy. Maging kaibigan silang lima, Maging kami ni Fever at mabuo ang lovelife nung apat. Hanggang sa nakita ko ang pagtatalo ni Thunder at Bridgette pati na rin ang pag amin sa akin ni Flood ng feelings niya at nakita kami Sofia. Hanggang sa magbreak sila at nilihim namin kay Fever ang lahat. Hanggang sa malaman niya. Akala ko lalapit siya sa akin para sabihin na magiging okay lang ang lahat pero kinabukasan nakita ko nalang sa mismong harap ko na may kahalikan siya at d man lang niya ako tinignan. 

Umuwi ako at saktong pagpunta ko nandon si Sofia at Bridgette at sinabing nahiwalay sila sa mahal nila dahil sa kalandian ko. Hanggang sa sumapit ang gabi at nakipagbreak sa akin si Fever. 

Pag uwi ko nakita ko nalang na umiiyak sila mom and dad habang kasama si tito at wala na si autumn. So sila ba si Sunny at Cloud. Umalis ako at ang huli nalang nangyari ay nabangga ako.

"Damn!" Hinihingal na napabangon ako at napahawak sa ulo ko. Bumalik na ang ala-ala ko paano ko nagawang kalimutan ang pamilya ko? I want to hurt mself bakit paa ko na buhay?

Sasaktan ko na sana ang sarili ko ng biglang may yumakap sa akin.

"Please stop baby. Stop crying Im sorry sana hindi nalang kita pinapasok sa kwarto mo sana hindi ka inatake ng sakit ng ulo. I'm sorry" Umiiyak na sabi niya. 

Yung tibok ng puso ko hindi ko na maintindihan. Paano? Hindi ba dapat ay galit ako? bakit? bakit ka tumitibok ng mabilis sa kanya? tumigil ka!

Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko at yumakap sa kanya pabalik at saka humagulgol.

Lumipas ang isang oras at kapwa na kami tahimik na magkayakap sa isa't isa. Bigla akong natauhan kaya tinulak ko siya.

"What the? Para san yun?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot sa halip sinampal ko siya.

*Pak*

"That was for kissing that bitch girl in front of me!" nakita kong nanlaki ang mga mata niya na may halong pagkagulat.

"You me-" hindi ko na siya pinatapos magsalita sa halip ay sinampal ko muli siya.

*Pak*

"That was for breaking up with me and for leaving me!" sabi ko at muling tumulo ang mga luha ko.

Nakita kong lumapit siya kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinatak ko siya sa batok. And I do what I really wanted to do.

Forgotten MemoriesWhere stories live. Discover now