Chapter 11

10 4 6
                                    

Fever's Picture in the multi media.Thanks to my friend Francheska Almod C. Dela Cruz credit sa picture.lovelots😘

-------------------------
Heaven's Pov

Nang matapos kong ihain sa mesa ang pagkaing aking niluto ay muli ko ulit itong tinignan.

Sinangag na kanin,hotdog,bacon,egg,ham at nuggets.Nagtimpla rin ako ng 4 na kape para sa amin.Napatingin naman ako sa gawi ng kwaryo nila.

Hmm.mapuntahan na nga sila.

Umakyat ako papuntang ikatlong palapag.Una kong pinuntahan ay kwaryo ni Fever pero nakita ko itong nakabukas.Tinulak ko ito pabukas at nakitang wala dito si Fever. Maglalakad na sana ako papunta sa kwarto ni Flood ng may marinig akong parang pagbagsak at mula yun sa kwarto ni Thunder.

Dali dali naman akong pumunta doon at binuksan ito ng walang pag aalinlangan.

"Kain n-Whaaaaaaaaaaaaaaa Ba-kit.Bakit ganyan ang.posisyon niyo!"

Pero hindi ko inaasahan ang nadatnan ko.Nanlaki ang mata ko at pinagmasdan ang posisypn nilang tatlo.Magkakapatong sila at nasa pinaka ilalim ay si Fever pero nagulat ako ng mapansin kong nakahawak siya sa damit ni Thunder at ganoon din ai Thunder kay Flood.Napatakip nalang ako ng mata gamit ang aking kamay

"Heaven!"sabay sabay nilang sabi kaya naman tinignan ko sila ng masama.

"Sinisigawan niyo ko?Bakit close ba tayo?"sabi ko at biglang bumalik sa walang emosyon ang mga mata ko.

Nakita kong nagulat naman sila at napayuko.Ano kayang meron sa tatlong ito?

"Kakain na"tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad papuntang dining area.
Marami akong gustong itanong kaso naalala ko yung pinangako ko sa sarili ko kahapon.

Hindi ko hahayaan na mapalapit ako sa inyo dahil ayoko.

Nang makarating ako sa mesa ay umupo na kaagad ako.Nakita ko namang nagsi-upuan na rin sila kaya naman nagsimula na akong kumain.

Tahimik lamang kaming kumakain ng basagin ni Fever ang katahimikan.

"Heaven"tumingin lamabg ako sa kanya at hindi nag abalang sumagot.
Napansin naman niyang walang akong balak na sumagot kaya naman napabuntong hininga nalang siya.

"About what you saw a while ago-"

"I dont care"putol ko sa iba pa nitong sasabihin.Napatikom nalang siya ng bibig.

Tahimik akong bumalik sa pagkain hanggang sa matapos ako.Tumayo ako at nilagay ko na ang pinggan ko sa mesa at hindi na ako nag abala pang hugasan ito.

Nakita kong nagtinginan ang tatlo bago ako makalabas ng dinibg area.
Aakyat na sana ako sa kwarto ko ng tumunog ang door bell.Napakunot naman ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang pupunta dito.

Pagbukas ko ng pinto ay may nakita ako delivery boy.Pero ang weird lang dahil naka cup ito at may mask ito na tumatakip sa kalahati ng mukha niya.Mata lang ang kita ko sa kanya.

"Dito ho ba nakatira si Heaven Rain Franco?"nanindig ang balahibo ko kasabay ng malakas na pagtibok ng dibdib ko matapos niyang banggitin ang pangalan ko.Hindi ko alam kung bakit pero parang ang sarap sa pakiramdam ng pagbigkas nuya ng pangalan ko.

"Oo dito nga.Ako iyon"pinagmasdan niya ang mukha ko at napansin kong bahagya itong napalunok at nanunubig ang mat.What the hell is happening?

"Ah may delivery po kayo makikipirmahan nalang po"sabi niya sabay abot sa akin ng ballpen pati na rin yung pi apapirmahan sa akin.Pero ang weird lang kasi parang ano.basta ang hirap ipaliwanag.

Pagkapirma ko ay inabot ko na ito sa kanya.Inabot naman niya sa akin ang isang hindi kalakihang box.Hindi naman siya ganon kaboga kaya naman madali ko itong nadala sa kwarto ko.

Binuksan ko ito at nakita ang isang kahon.Yung hindi basta bastang kahon yung kalimitang pinaglalagyan ng kwintas?Parang ganon.At pagbukas.ko nito isang Kwintas.

Kwintas na may disensyo ang pendant na isang puso na sa gitna nito ay may susi na nakabaon.

Nang hawakan ko ito ay biglang may Makita akong pangyayare sa isipan ko.

'Happy 7th Birthday Princess'sabi ng isang lalaki na sa hula ko ay nasa edad 27 o 30.Saka niya hinalikan sa noo ang batang babae
'Salamat daddy" malambong na wika ng bata at niyakap ng mahigpit ang lalaki saka hinalikan sa pisngi
'Baby what to know kung anong gift ni mommy at daddy sa iyo?'Bigla namang lumitaw ang emahe ng isang 25 years old na babae.
'Yes mommy.Excited na po ako'sagot ng bata
'Okay baby sige close your eyes'Ngiting utos ng babae sa bata at magalang naman itong sinunod ng bata
'Nakaclose na po'malambing na wika nito.

Nakita kong may isinuot sa leeg nung bata yung babae pero hindi ko ito makita.Nang umalis sa harapan ng bata ang babae ay saka ko lang ito nakita.Yung kwintas na pinadala sa akin!

Napakurap ako ng ilang ulit saka ako nabalik sa reyalidad.Napatingin ako sa hawak ko at nakita ko ang kwintas na nakita ko sa isipan ko.

Bigla akong napatayo at nabitawan ito,kaya naman muli itong nahulog sa box.

What was that?Bakit malabo yung itsura nila?Bakit bigla ko yung nakita?

Isasara ko na sana ang kahon ng may makita akong nakatuping papel sa lagayan ng kwintas.Binuksan ko ito at nanlaki ang mata ng mabasa ang nakasulat at namalayan ko nalang na nabasa ang papel na hawak ko.
Nabasa ng luha ko.

Always take care Rain
We love you

-SunnyCloud-






Forgotten MemoriesWhere stories live. Discover now