Heaven’s Pov
At naitulak ko siyang malakas saka ako mabilisang tumayo at lumayo sa kanila nakita ko naman itong nagpipigil ng tawa.Tinignan ko siya ng masama.“Pffft.your face is priceless hahahaha" sabi niya at napahawak na sa tiyan habang tumatawa.
“Stop laughing! Bwiset ka!” sabi ko pero tawa lang siya ng tawa kaya naman binato ko na siya ng throw pillow na nasa tabi ko sumapol naman ito sa mukha niya.
“What the" sabi niya sa akin at biglang ngumisi. “so ganyan pala gusto mo ha?” sabi niya na parang may naisip na panget na ideya. Oo panget talaga!
Unti unti akong umatras dahil nagkakaroon na ako ng ideya kung anong gagawin niya.Kaya bago pa man siya makadampot ng unan tumakbo ako sa likod ng couch na pinakamalapit sa akin at kinuha lahat ng unan na naandon.
Nakita ko na may unan na tumalsik sa bandang kaliwa ko so ito pala ang gusto niya ha.Nagpapalitan lang kami ng batuhan ng unan pero alam mo yung weird sa ginagawa namin? O baka ako lang ang gumagawa. Binabato ko lang kasi ng binabato yung unan at hindi manlang sinisilip kung natatamaan ba siya nito. Ewan ko ba natatakot akong sumilip baka kasi matamaan ako sa mukha.
Dadampot na sana ulit ako ng unan ng mapansin kong wala ng bumabato pabalik na una at last ko na rin pala itong unan na hawak ko.Dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo ko saka tinignan yung lugar na pinagtataguan kanina ni Fever pero wala na ito.
Teka,nasaan na yung lalaking yun? Inilibot ko pa ang paningin ko sa buong salas pero wala pa rin siya. Ihahakbang ko n asana ang paa ko ng may maramdaman akong hininga sa may bandang tenga ko. Naramdaman ko rin bigla ako hinarap ng taong ito sa kanya.
“What the- Fever!” nagulat ako na sobrang lapit naming. Bakit ba ang hilig nito sa ganitong posisyon? Hindi ba ito naiilang ?kasi ako naiilang ako pero parang masarap sa pakiramdam na ganito kami kalapit.
Hinila niya ako sa bewang kaya naman napahawak ako sa may balikat niya.Sobrang lapit naming dalawa napansin kong nakatitig na naman siya sa akin.
“Got you"napalunok ako dahil sa way ng pagkakasabi niya, Ang sexy kasi pakinggan. Ghaddd ang halay ko na talaga.
Napatingin din ako sa mata niya.ang ganda ng mata niya natural na kulay nito ay brown na mas gumaganda tuwing napapatapat sa ilaw.Kung tumingin siya sa akin parang binabasa niya lahat ng emosyon na nakikita niya sa mata ko.Ewan pero feeling ko sanay na ako sa paraan ng pagtitig niya. Kung kanina naiilang ako ngayon nagiging komportable na ako. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko dahil wala naman akong hinahayaang tao na maging ganito kalapit sa akin. Siya palang at hindi ko alam kung bakit masaya ako sa katotohanang iyon.
“ang ganda ng mata mo" nagulat ako sa nasabi ko at napatakip sa bibig ko.nakita ko namang napangiti siya at bahagyang natawa.
“cute" sabi niya hindi ko maiwasang mamula. Ewan ko ba pero naflatter ako sa sinabi niya.Bigla ulit siyang sumeryoso at nakita kong napapalunok siya. Ang ganda tignan ng adams apple niya.
Damn, bakit ba halos lahat na ng nakikita ko sa lalaking ito maganda sa paningin ko?
Nakita kong may gusto siyang sabihin pero mukhang hindi niya alam kung itutuloy niya.
“Can I. Can I kiss you?" nagulat ako sa sinabi niya pero mukhang maski siya ay nagulat din sa sinabi niya. Kaya naman may naisip ako bilang ganti sa kanya.
Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kanya at hinigit ang kwelyo niya palapit sa akin.nakita kong nagulat siya pero hindi ko ito pinansin.
Nagfocus ako kung ano ang plano ko.nang okay na lahat, tumingin muli ako sa kanya at ngumiti ng pagkatamis-tamis.“NO" sabi ko saka ko tinuhod ng kauntian. Oo kauntian lang talaga. Ang pinaka iniingatan niya down there saka ako lumayo sa kanya.
“Shit!” hindi ko alam kung maguguilty ako o matatawa sa kanya. Napansin ko namang tinignan niya reaction ko saka ako tinignan ng masama.“pffft hahahaha” hindi ko napigilang matawa ang cute niya kasi. Yeah alam kong weird pero basta yun na yun.
“paano kita aanakan kung binasag mo na?Panalangin mo baby na Hindi ako mabaog” sabi niya na siyang nagpatigil sa pagtawa ko at namula.
“Bwiset ka talaga!” sabi ko at saka tumakbo papuntang kwarto dahil sa sobrang pula ko na naman.
Bwiset ka Fever !

YOU ARE READING
Forgotten Memories
Teen FictionBeing alive is a blessing but having a life like mine is a disaster. Being me as a person is like a puzzle. I will never know who I am not until I solve the puzzle. And the key to answer that puzzle is my Forgotten Memories. A/n: This is my first st...