Chapter 13

11 3 0
                                    

Heaven's Pov

Nang makarating ako sa kusina ay nakita ko yung tatlo doon. Halatang hinihingal siya dahil sa pagtakbo nila.Napailing nalang ako.

"Heaven dito ka na maupo"sabi ni Flood saka hinigit ang upuang nasa harap niya, nagulat ako dahil sa pag aapproach niya sa akin. Kung si Fwver o Thunder ay maiintindihan ko pero siya? hindi ko alam pero nawirduhan ako sa kanya.

He is emotionless. Kung titignan ka niya parang wala kang kwenta. Mas okay pa sa kanyang tumulala kaysa makipag usap sa iba. His aura is very intimidating.

"Ehem, kumain ka na" nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Fever. Nang tumingin ako sa kanya ay tinignan niya ako ng masama na para bang sinasabi na, 'bakit ka nakatingin sa lalaking yan?'.Napakunot naman ang noo ko saka ko siya inirapan.

Umupo ako sa dulo kung saan malayo sa kanila. Naglagay na rin ako ng pagkain sa aking pinggan.

"Meow" nagulat ako ng niglang tumalon sa mesa si Dark. Nakatingin ito sa pagkain ko kaya naman naintindihan ko kaagad ang gustong ipahiwatig nito. Nagugutom na si Dark. Napangiti naman ako kaya naman ng mapatingin ako sa tatlo ay nakita kong natulala ang mga ito sa akin,kaya naman sumimangot nalang ulit ako.

Kumuha ako ng pinggan at nilagyan ng pagkain para kay Dark. Mamaya ibibili ko ng pagkain at gamit si Dark.

Tahimik na akong kumain ng hindi tinitignan ang tatlo. Para bang wala akong kasama.

"Heaven"napatingin ako kay Thunder ng tawagin niya ako

"Bakit?" sabi ko sabay tuloy ng pagkain.Nakita kong napatingin muna siya kay Dark bago magsalita.

"Alaga mo ba yan?I mean hindi ka ba natatakot sa kanya?"sabi niya kaya napakunot ang noo ko. May dapat ba akong ikatakot kay Dark?

"Why would I?" nakita kong nagdadalawang isip itong sabihin sa akin kaya naman bumalik nalang ulit ako sa pagkain.
Hindi ako ang maghihintay sa pagsasalita niya.

"Eh kasi kulay itim siya?"ano naman kung kulay itim siya?.  Tinignan ko siya naparang nawiwirduhan ako sa kanya.

Napabuntong hininga naman siya bago muling magsalita."Sabi kaai ng matatanda pag kulay itim ang pusa malas daw o kaya multo"sabi niya pa habng napapalunok lunok.

Napatingin naman ako sa kanya pati na rin si Dark parang hindi nagustuhan ang sinabi ni Thunder.

"Naniniwala ka sa ganon?That's not true"sabi ko at tinapos na ang aking pagkain.so kaya pala aila tumakbo?pffft.Bahagya akong natawa kaya naman tumalikod na ako sa kanila.

Dumiretso ako ng kwarto at hindi napigilang mapangiti. Those guys,they are weird but at the same time Im comfortable with their weirdness.

Napailing nalang ulit ako saka ako pumasok ng banyo.Naligo ako ng may ngiti hanggang sa matapos ay ganoon pa rin.Nang makapag ayos ako ay kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na. Its already 4:00pm.

Hinimas ko ang ulo ni Dark na nakahiga sa ibabaw ng kama ko.

"I'll just go to mall Dark, wag kang lalabas baka atakihin yung tatlong bakla hahahaha"sabi ko dito

"Meow"sagot nito saka dinilaan ang kamay ko

"Good" naglakad ako palabas ng kwarto ko.

Habang pababa sa hagdan.Nakarinig ako ng ingay mula sa salas

"Tabi diyan!Ang daya mo naman eh"

"Anong madaya?bulok ka lang"

"Anong bulok?matatalo din kita!"

Habang pababa ako ng pababa ay lalong nalakas ang ingay na naririnig ko.

"In your dreams 5-0 na ang score bulok ka lang talaga hahahaha"

"You two ang ingay niyo nagbabasa ako"

"KJ mo,palibhasa ang panget mo"

"Tsk"

Nang tuluyan akong makababa ay nakita ko yung tatlo sa salas.Si Thunder at Fever ay naglalaro ng ches. Si Fever ay ngising aso habang si Thunder naman ay todo simangot. Habang si Flood naman ay tahimik na nagbabasa hanggang sa mapagawi siya sa pwesto ko.

Tinignan niya ako.I mean yung suot ko.

"Where are you going?"nagulat ako sa pagtatanong niya at nakita ko ring napalingon ang dalawa sa akin.

"Mall"maikling sagot ko sa kanya. Tinignan niya muli ang suot ko at napangiti.

"Suot mo yung favorite shirt mo"puna nito at bahagyang nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman? Bigla akong kinabahan sa kanya.Tatanubgin ko na sana siya ng maunahan ako ni Fever.

"Paano mo nalaman?" Masungit na tanong ni Fever dito pero sinagot lamang siya ng kibit-balikat.

Pinikit ko na lamang ang mata ko saka nagpaalam sa kanila.

"Take care" pabahol na sabi ni Fever.

Nang makalabas ay agad akong dumiretso sa kotse ko. Mabilis akong sumakay doon kahit na naguguluhan pa rin ang isipan ko.

Flood, paano niya nalaman yun? Wala akong kahit na sinong pinagsabihan ng mga paborito ko pero alam noya na paborito ko ang damit na ito?

Sa dami ng tanong na nasa isipan ko hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa mall.

Pumasok kaagad ako sa mall at dumiretso sa stall ng pet shop. Bumili ako ng isang sakong cat food pati na rin ang pakainan niya.

May nakita rin akong cat tag at dahil nagandahan ako dito ay binili ko ma rin ito.Bumili rin ako ng magiging tulugan ni Dark na para siyang baskat pero mas mababaw ito tapos may malambot na foam ang loob.

Nang makita kompleto na ang bibilhin ko ay pumili na ako sa counter.

"Php. 15,000.00 Ma'am"sabi nung babae,binigay ko naman sa kanya ang credit card ko. Naghintay lang ako ng konting minuto bago niya ibinalik sa akin ang credit card ko.

" Thank you Ma'am" Tinanguan ko lang naman ito at nakita kong sinenyasan niya yung isang lalaki na staff doon para tulungan ako sa mga pinamili ko.

Palabas na sana ako ng stall at nakaaunod naman sa akin yung lalaki ng may maramdaman akong yumakap sa bewang ko mula sa likod.

"Ate buti nakita na kita ang tagal kitang hinahanap" naradaman ko ang pagkabasa ng damit ko sa likod at doon ko naramdaman na umiiyak siya.

Lilingunin ko na sana ito ng maramdaman kong biglang nawala ang pagkakayakap niya sa akin.

"Miss sabi ko sa iyo hindi ka pwedwng umalis sa tabi ko.Ang tigas talaga ng ulo mo" naeinig kong sabi ng isang lalaki kaya naman liningon ko na ang mga ito. Nakita kong binuhat niya ang batang babae na sa tingin ko ay 12 years old palang.

"No! nandito si ate! Ibaba mo ko!" napanain kong natigilan ang lalaki saka bahagyang lumingon sa akin. Nakita kong nanlaki ang mata nito saka dali daling naglakad hanggang sa nawala na sila sa paningin ko.

"Ma'am?tara na po" napatingin ako sa staff na may hawak ng mga pinamili ko at bahagya itong tinanguan.

Nang makarating kamo sa parking lot ay agad kong pinalagay sa compartment ng kotse ang mga pinamili ko at saka ko siya binigyan ng tip.

Sumakay ako sa kotse at nagmaneho pabalik sa bahay pero hindi pa rin nawawala sa akin ang alaala na nangyari kanina.

Why did she said that I'm her sister? and why would I feel that I miss her embrace? I dont even know her!

---------------
Picture ni Flood sa multi media

Forgotten MemoriesWhere stories live. Discover now