A/n: I dedicate this chapter to my classmate.Nabitin daw siya eh.ito na Lhey. Lheyskiecuteee lovelots😘
-------------------
Heaven's Pov"No!mamaya mo hiwain hugasan mo muna"
"eh?galing naman to sa ref eh pati nilinis naman to bago ilagay sa ref ah?"
"Eh basta kailangan!pati wag ka ng umaangal"
"Pero kasi gusto ko ng maggayat"
"Isa pa, hindi na kita patutulungin"
"Ito na nga huhugasan na" sabi ni Fever habang nakabusangot ang mukha
Nandito kami ngayon sa kusina at hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapagsimula magluto.Paano ba naman ayaw kasing sumunod,sabing hugasan muna eh. Bakit? Wala lang trip ko lang.
"Ayan na hugas na pwede na ba akong maggayat?"sabi niya habang nakabusangot pa rin ang mukha.
"Yeah. Sige na maggayat ka na,titignan ko kung tama ang ginagawa mo" sabi ko sa kanya na sinuklian niya lang naman ng tango saka agarang nagsimula maghiwa. Napailing nalang ako.
Pinagmasdan ko siya sa kanyang ginagawa.Una nakafocus lang ako sa paraan ng paghihwa niya hanggang sa hindi ko namalayan na pinagmamasdan ko na pala ang katawan niya. Napalunok nalang ako, Labas sa suot nito ang kanyang maputing braso na paramg kutis ng babae. Napansin ko rin ang apron na suot niya. Napangiti nalang ako. Nakadisenyo ito ng bulaklakin at kulay pink. cute
"Dont uou know that staring is rude?" napatingin naman ako bigla sa kanya at napansing nakangisi siya. Namula naman kaagad ako. Bakit ba lagi ko siyang pinagmamasdan,nahuhuli tuloy ako ⁄(⁄ ⁄•⁄ω⁄•⁄ ⁄)⁄.
Napansin ko namang nagpipigil to ng tawa kaya mas lalo akong namula. Umiwas ako ng tingin at lumapit sa may kalan. Magluluto nalang ako!
Naramdaman kong nakasunod ang mata niya sa akin. Kaya naman hindi ko na napigilan at humarap na ako sa kanya. Pero mukhang wrong move. Bakit hindi ko naramdaman ang paglapit niya?!
"Luma-yo ka nga!" napansin kong lalong lumaki ang ngisi niya ng mautal ako.
"Bakit anong masama dito? lagi naman natin tong ginagawa dati ah?"sabi niya kaya naman napakunot ang noo ko sa sinabi niya.Lagi naming ginagawa dati?Ngayon ko palang naman siya nakita ah?
"Anong sinabi mo?Ngayon palang kita nakita Fever"sabi ko at bakas aa mukha niya ang gulat.
"Ah diba ano kasi I mean hays nevermind"sabi niya sa akin at napaiwas ng tingin.Napansin ko ring ilang sunod siyang napabuntong hininga.
"Is something wrong?"sabi ko sakanya.Kasi nawiwirduhan talaga ako sa sinabi niya and the way he react parang may nakit akong pagsisisi at pangungulila.
"Nothing.Magluto ka na nga gutom na ako"sabi niya ng may ngiti sa labi.Mukhang namamalikmata lang ako.
"Wag mo kong utusan baka magbago isip ko at hindi kita pakain diyan" inis kong sabi sa kanya pero nginitian niya lang ako.
Nagsimula na akong magluto dahil nakakahiya naman sa kasama ko.
Sinigang.Sinigang na hipon ang lulutuin ko. Ewan ko nagcrave nalang ako sa sinigang and hindi naman siya tumutol so I think it's okay with him."Paanbot nga nung kangkong pati na rin yung labanos"sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin sa kanya.Busy kasi akong sa paghahalo nung hipon.Tinitignan ko kung luto na.
"ito na oh"sabi niya at nakita ko mula sa peripheral vision ko yung kamay niya na hawak ang pinggan.
"Sige ilaglag mo na yung kangkong"sabi ko at agad naman niyang sinunod.
Tinakpan ko muna ito at hinintay maluto yung kangkong.Mabilis lang naman kasing maluto ang labanos pati na ang kamatis kaya naman pagmalapit na maluto saka ko na ilalagay.
"Ilaglag mo na yung labnos then paabot nung sinigang mix na nasa mesa"sabi ko at agad naman niyang ginawa ng may ngiti sa labi. Napangiti nalang din ako.
Tinakpan ko na ito ng maihalo at mailagay na niya lahat ng sangkap.Naghintay lang ako ng ilang minuto saka ko kumuha ng kutsara upang tikman ito.
"Hmm tama naman para sa akin yung aaim.Gusto mo bang tikman?kumuha ka nalang ng spoon " sabi ko ng mapabaling ako sa direction niya.Nagulat ako ng bigla niyang kunin ang kutsara na ginamit ko imbis na kumuha siya ng bago.
Kumuha siya ng sabaw at tinikman ito.Nakaramdam ako ng kaba at hinintay na sabihin ang reaction niya sa luto ko.I mean namin.
"masarap.pwede ka ng mag-asawa"sabi niya at kinindatan ako.Imbis na maging masaya dahil sa compliment niya sa niluto ko,naasar pa ako dahil sa pagkindat niya sa akin.Kaya naman kinuha ko ang sandok na nasa tabi ko at pinukpok sa ulo niya.
"A-ray ang brutal mo talaga!" sabi niya habang hinihimas ang ulo niya.
"Mas malala pa aabutin mo sa akin kapag kinindatan mo pa ulit ako"sabi ko at saka ko aiya tinalikuran.Kumuha ako ng dalawang pinggan,pati narin utensils.
Naghain na ako Nakita ko naman kumuha siya ng dalawang baso at nilagyan ng tubig.
Tahimik na kaming kumain.Siguro dahil sa pagod at ang daming nangyari ngayon.Kaya naman ng matapoa kaming kumain ay nagpresinta na siya nalang ang maghuhugas.Hindi na ako tumanggi dahil sa pagod na rin naman ako.
Dumiretso na ako sa kwarto at saka pumasok sa banyo.Nagshower muna ako bago ako mahiga sa kama. Binlower ko rin ang buhok para mas mabilis itong matuyo.
"Lagi naman natin tong ginagawa dati ah" arghhh naalala ko na naman.
What does he mean?
Nakita ko sa mata niya yung sakit nung sinabi niya ito sa akin.Na para bang may naalala siya.Pero ang pinagtataka ko bakit niya nasabi yun?Matagal na ba niya akong kilala?
Napasabunot nalang ako dahil sa dami ng katanungan na nasa isip ko.Napatingin nalang ako sa kisame hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.Pero bago pa man ako tuluyang magpalamon sa kaantukan isang tanong ang namutawi sa isipan ko.
May alam ka ba tungkol sa akin Fever?

YOU ARE READING
Forgotten Memories
Teen FictionBeing alive is a blessing but having a life like mine is a disaster. Being me as a person is like a puzzle. I will never know who I am not until I solve the puzzle. And the key to answer that puzzle is my Forgotten Memories. A/n: This is my first st...