Chapter 12

9 3 0
                                    

Heaven's Pov

'Always take care Rain.I love you'

'Always take care Rain.I love you'

'Always take care Rain.I love you'

'Always take care Rain.I love you'

Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko at napahilamos ang kamay sa mukha.Damn it. Halos ilang oras na rin ako dito at nakakulong.
Its already past 1:00am.

Kinatok ako nung tatlo nung tanghalian pero d ko sila sinagot.I dont I just want to be alone.

Napahawak ako sa suot kong kwintas.I dont know how but I feel completed simula nung isuot ko ito.Parang bang nasa kwintas na ito ang buong pagkatao ko.I dont know why pero hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.

Simula nung mabasa ko ang sulat ay hindi na ito mawala sa isipan ko.Napaiyak nga ako ng hindi ko alam pero isa lang ang sigurado ako,umiyak ako hindi dahil sa malungkot o nasaktan ako  kundi umiyak ako dahil sa saya.

"Meow"napatalon ako sa gulat dahil sa pagsulpot ng pusang ito.

"Dark!ginulat mo naman ako eh!"umupo muli ako at sa pagkakataong ito humiga sa lap ko si Dark

"Meow"napangiti nalang ako at hinimas ang balahibo nito

"Saan ka ba nanggaling?"tanong ko dito habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kwarto ko

"Meow"

"Kilala mo ba si SunnyCloud?" tanong ko muli dito.

"Meow" napahilamos nalang ulit ako ng mukha ng marinig ko ang sagot nito.
Bakit mo ba kasi tinatanong Heaven ang isang pusa?Akala mo naman sasagutin ka niyan!

"ARGHHHH!"napaalis naman sa lap ko si Dark dahil sa biglaan kong pag sigaw.

Napailing nalang ako at sinubsob ang mukha.ko sa unan.

Gulong gulo na talaga ako hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko maintindihan kung para san yung mga nakita ko dumagdag pa yung tatlo.

Napatingin nalang ako sa labas ng bintana ko. Nakita kong makulimlim ang kalangitan. Mukhang uulan, mukhang sumasabay ang panahon sa nangyayari sa akin. Napabuntong hininga nalang ako.

"Meow"napalingon ako sa lugar kung nasaan ai Dark.

Napansin kong parang may kinukuting ting ito sa bandang dulo ng kama ko.

"Meow.Meow.Meow" nakita kong dinilaan nito ang bagay na iyon.Lumapit ako upang makita ito at napatigil sa pagdila si Dark dito.

Isang larawan, larawan ng masayang pamilya.

Nanginginig ang kamay ko ng kunin ko ang litrato. Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko at parang gusto kong umiyak ng makita ko ang larawan.

I miss them.

Nagulat ako sa nasabi ko. No,why would I miss them I dont even know this guys?

Ipinilig ko nalang ang aking ulo at muling tinignan ang larawan. Nasa magkabilang dulo ay ang magandang babae at sa kabilang dulo naman ay ang gwapong lalaki. Sa hula ko ito ang magulang nung dalawang batang nasa gitna.

Pinagmasdan ko ang dalawa. Nasa tabi ng tatay ay ang mas maliit na batang babae .Kulot ang buhok nito na mukhang namana sa nany nito. Itim na itim din ang mata nito at may mahahabang pilikmata at may mapupulang labi. Mukhang sa nanay niya halos nakuha ang features niya.

Napatingin naman ako don sa mas matangkad na bata.Ito ata ang panganay. Nakahawak siya sa laylayan ng damit ng tatay niya habang ang kabilang kamay niya ay nakahawak sa kamay ng kanyang nakababatang kapatid.

Staight ang buhok nito. Kulay hazel brown ang mata nito at mas mahaba ang pilikmata nito. Nakangiti ito na labas ang ngpin kaya naman kitang kita ang kumpleto nitong mga ngipin. Mapupula rin ang labi nito. Matangos rin ang ilong nito.

Napakurap ako ng ilang beses ng matapos kong idescribe ang batang ito. Bakit parehas kami ng description?No hindi maaari.

Npatingin ako sa salamin na nasa bandang kaliwa ko. Nakita ko ang itsura ko,napalunok ako ng ilang beses dahil nakita kong parehas nga kami ng description. Maliban sa isa, Yung pilat ko sa bandang noo ko. Hindi naman ito pansin ng iba pero alam kong may pilat ako don,dahil yun ang una kong nakita ng magising ako sa hospital.Tinanong ko kung saan ko iyon nakuha pero hindi nila ako sinagot.

"Meow" napalingon ako kay Dark na nakatingin  sa akin. Hinimas ko ang ulo nito saka ako nagpasyang itabi sa may drawer ko ang litrato

Blurrpp. Napahawak naman ako sa tiyan ko. Bluuurrrrpppp. Kumulo na naman ang tiyan ko. Kaya naman napangiti nalang ako. Sa dami ng iniisip ko hindi ko manlang napansin na kanina pa pala kumulo ang tiyan ko dahil sa gutom.

Naglakad ako papuntang pinto at naramdaman kong sumunod sa akin si Dark. Kumain na kaya itong pusang ito? Dapat pala akong bumili ng pagkain nito.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil naandoon yung tatlo at nagtutulakan pa kung sino ang kakatok sa pintuan ko.

"Anong ginagawa niyo dito?" nakakunot noong  tanong ko sa kanila.Bahagya pa silang nagulat at tila naputulan ng dila.

"Ah eh kasi ano Heaven ano kasi" sinamaan ko naman ng tingin si Thunder dahil puro 'ano' 'kasi' ang naintindihan ko sa kanya.

Siniko naman niya si Flood para humingi ng tulong.

"Pinuntahan ka namin para sana sabihin na kumain ka na" plain na sabi ni Flood na parang tinatamad pa siya magsalita.

"Meow"napalingon naman ako kay Dark at nakita kong nakatingin ito sa tatlo. Nang tignan ko naman ang tatlo,nakita kong namumutla ang mga ito at nagtitinginan. Tila ba nag uusap sila sa mga mata nila.

Ilang beses sila napalunok,bago nanakbo pababa habang sumisigaw.

" Whaaaaaaaa MULTOOOOOOOO" napatakip ako ng tenga dahil sa sigaw nilang tatlo.

"Meow"nakita kong nakatingin sa akin si Dark sa akin na parang naguguluhan kung bakit tumakba ang tatlo.

Napailong nalang ako saka bahagyang napatawa.

Kalalaking tao makasigaw parang bakla.

Napangiti nalang ako pero biglaan din itong nawala ng maalala ko na naman ang dapat kong gawin.

Tama ba ang desisyon kong wag mapalapit sa kanila?

--------------------
Picture ni Thunder sa multi media.

Forgotten MemoriesWhere stories live. Discover now